Chapter 13

37 2 1
                                    

DAYS have passed, and today is my birthday!

Hindi ko alam kung bakit nagbago ang pananaw ko ngayong birthday. Masaya akong salubungin iyon ngayon hindi tulad noon na wala akong pakialam kung dumating man iyon.

Siguro dahil kay Pip at relasyon na meron kami. Ilang araw na siya sa kanyang panliligaw. Hatid sundo niya ko sa school at kahapon ng sabado ay niyaya niya akong kumain sa lumabas.

Katatapos ko lang maligo at kasalikuyang nagsusuklay nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Nang buksan ko iyon ay bumungad si mommy na nakangiti habang dala dala ang maliit na regalo.

"Can I come in?" aniya.

Natigilan saglit ako. Matagal na kasi nung huling beses na nakapasok siya ng kwarto ko.

Bahagya akong ngumiti bago binigyan siya ng daan papasok sa kwarto ko.

Nang makapasok ay inilibot niya ang tingin sa kwarto ko.

Ako naman ay pinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin doon.

Nakita ko siyang lumapit sa likuran ko.

"Let me do that, please." nakikiusap na tinig niya, ang pagsusuklay ang tinutukoy.

Bahagya man akong nakaramdam ng ilang ay ibinigay ko rin ang suklay sa kanya.

Halata ang saya sa mukha niya nang simulan niya akong suklayan.

"I miss doing this..." anas niya at nagsalubong ang tingin namin sa salamin. "Noong bata ka pa ay palagi mong pinapasuklayan sakin ang mahaba mong buhok. You liked designing your hair with clips and braids."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Bago ito sa akin dahil sa tagal ng panahon na hindi namin pag-uusap ng maayos.

Nang matapos siya nagulat ako nang bigla siyang yumakap mula sa likuran ko. Idinikit niya ang pisngi sakin at madamdamin akong tiningnan sa repleksyon ng salamin.

"Ang ganda ganda ng anak ko." matamis ang ngiti niyang bulong. Binigyan ko siya ng ngiting hindi ganon kakawak ngunit sinsero naman. "Happy birthday, sweetheart."

"T-thank you, m-mom." tugon ko at naibaba ang tingin. Hindi ko siya makayanang tingnan ng deretso dahil nagiging emosyonal ang mukha niya at ayukong mahawa at baka maiyak aki doon.

"Oh, I forgot my gift." aniya saka inabot ang maliit na regalong korteng kahon na may pink ribbon sa ibabaw. "For you anak. I hope you'll like it."

"T-thank you, mommy." nasabi ko nalang, kahit na gusto ko sanang sabihin na hindi na dapat siya nag-abala pa. I don't want to ruin her happiness today. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.

"You're welcome anak. Open it."

Agad ko naman iyong binuksan. I suddenly inhaled air when I saw a gold necklace with a sun-shaped pendant pendant. Inside the circular shape of the sun is diamond.

Hindi ko mapigilang mapahanga sa ganda niyon.

"So beautiful..." manghang anas ko pa at mas lumapad naman ang ngiti niya.

Kinuha niya iyon at pumunta sa likod ko para isuot sakin ang kwentas.

Hinawi niya pa ng buhok ko palikod para makita ng buo ang kwenta sa leeg ko.

Napangiti talaga ako dahil sa kagandahan niyon.

"It really fits you." aniya. "That's actually from your dad." nagulat naman ako. Ngunit hindi nawala ang ngiti sa labi niya kahit na ang mata niya ay nakikitaan ng lungkot. "He gave me that when you're still in my womb." sabi pa niya na nahaplos ang sariling tiyan kaya napatingin ako doon. Napansin ko tuloy ang pagbabago ng katawan niya. Hindi ko na siya nakikitaan masyado ng maraming pasa. I wondered if he still hurts her. "He said that, someday I'll pass this to you and you'll do the same thing in future when you'll have your own daughter."

Saka ko lang napagtantong umiiyak na ko nang maramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa pisngi ko.

Naramdaman kong natigilan siya kaya malamang ay nakita niyang umiiyak ako.

Hindi ko rin alam. Dahil baka nami-miss ko lang si Daddy.

"S-someday, you'll know why we can't be with your father. I'll tell you when the right time comes. I want you to be strong enough to know the truth."

Napatitig ako sa kanya. So may nangyari nga noon na hindi ko alam. Gusto kong alamin yon ngayon na pero natatakot akong baka pagsisihan ko kung ano man ang malalaman ko.

"Naiintindihan mo naman ako, anak diba?"

Napabuntong hininga ako at tumango.

"I understand, mommy. I'll wait for that."

Napangiti siya at hinaplos-haplos ang likod ko.

"Why don't you invite your friends to dinner later. Magluluto ako ng marami."

"Wag na po mommy. Hindi ka pwedeng mapagod, di ba?" sabi ko sa kanya na inaalala ang pinagbubuntis niya. Parang narealized ko, hindi dapat ako nagkikimkim ng galit sa walang muwang na baby.

Ngumiti naman siya. "Don't worry, magpapatulong ako kay Sherryl, remember her? She's my friend, she already saw you when you were a baby."

Umiling lang ako dahil hindi ko kilala ang babaeng tinutukoy niya.

"Don't worry, I'll be fine. Besides, this is your birthday anak so we should celebrate it."

Napabuntong hininga ako. "Sige po kayo ang bahala. Kaunti lang naman po ang friends ko."

"Okay, tell them to come here by 7pm. O siya, maiwan na kita. I'll go to the market pa."

"G-gusto niyo po ba samahan ko kayo?" alok ko kaya natigilan siya saglit. Maya maya ay ngumiti.

"No, anak. I'm alright. Magrelax ka lang today. Or go somewhere else like shopping."

"S-sige po."

Maya maya ay lumabas na siya ng aking kwarto at ininasara ang pinto.

Parang may natanggal na bara sa puso ko matapos ang sandaling iyon. Sa tingin ko ay tuloy-tuloy na ang pag-aayos namin ni mommy.

Si Rico na lang talaga ang problema ko.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now