Chapter 31

27 3 1
                                    

TUNAY ngang ang kamukha ng paglubog ng araw ay kalungkutan at dalamhati.

Sinasabayan ko ang tanawing iyon ng aking pag-iyak.

Nang tuluyang lumubog ang araw at dumidilim na ay naisipan ko nang bumalik sa hotel.

Pero pagtayo ko pa lang ay nakita ko si Pip na naglalakad sa direksyon ko. Naka-white t-shirt siya at short.

Hanggang sa makita niya rin ako at saglit na natigilan sa paglalakad.

Umiwas ako ng tingin at nagpanggap  akong hindi siya nakita. Naglakad ako at balak na siyang lampasan pero nagulat akong pigilan niya ako sa braso.

Napatingin ako sa kanya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa dagat.

"Bakit ka napatawag kanina?"

Natigilan ako. Pano niya nalamang ako yun?

"H-hindi kita tinawagan..." tanggi ko at umangat lang ang gilid ng labi niyang nilingon ako.

"Sinungaling."

Napanguso ako. "H-hindi nga ako. Wag kang assuming."

Napabuntong hininga siya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at kinalikot iyon.

"Sini-save ko lahat ng numero ng mga nakakatrabaho ko." aniya pa hanggang sa may tawagan siya.

Nataranta ako nang tumunog ang cellphone ko. Iyon ang tinawagan niya!

Tumaas ang kilay niya matapos makompirma iyon at pinatay ang tawag.

"So bakit mo nga ko tinawagan?" muling tanong niya. Naglakad siya ng ilang hakbang saka umupo sa buhanginan.

Wala sa sariling napasunod ako sa kanya at umupo may isang dipa ang layo mula sa kanya.

"N-nagkamali lang ako ng pindot."

"Sige magsinungaling ka pa. Dinadagdagan mo lang ang kasalanan mo sakin."

Natigilan ako at napanguso sa kanya. Di niya pa nga nalilimutan mga kasalanan ko sa kanya.

"Baka gusto mong simulan mula ngayon. Ipaliwanag mo. Ba't ka umalis nang hindi mo man lang hinintay na magising muna ako?"

Napabuntong hininga ako. Biglang sumagi sa isip ko ang babaeng kasama niya sa kwarto.

"Wala narin namang saysay kung magpaliwanag ako."

"Ano?" nagsalubong ang mga kilay niya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Ha!" umakto siyang hindi makapaniwala. "Hindi mo alam ang dinanas ko nung iniwan mo ko, Samarra. Pagkagising ko ikaw agad ang hinanap ko pero nalaman ko na lang na nasa America ka na. Halos gusto ko nalang mamatay sa sandaling iyon dahil feeling ko hindi mo talaga ako minahal!" napaluha ako nang makita siyang galit pero nangingilid ang mga luha.

Pinilit kong pigilan ang luha ko. Huminga ako ng malalim.

"Kaya nga wala narin namang dahilan para magpaliwanag ako diba? Huli naman na ang lahat para sa'tin. Naka-moved on ka na di ba?"

Natigilan siya at halos magsuntukan ang kilay sa pagkakakunot ng noo niya.

"Ano bang----"

"Philipp!"

Napalingon kami sa tumawag sa kanya. Halos mapairap ako nang matanaw kong papalapit na ang babaeng staff ni Pip at siya ring kasama niya sa kwarto ng hotel.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at napatayo.

"I gotta go..." sabi kong naglakad palayo.

"Sam----"

"Ano bang ginagawa mo jan, Philipp?" narinig ko pang sabi ng babae. "Di man lang nag-aaya ha."

Napailing nalang ako at di na sila nilingon.

Dumeretso na ako sa paglalakad patungo sa hotel nang may makita akong pamilyar ang mukha. Nakatayo siya na nakaside sa harap ng isang maliit na store ng mga laruan at mukhang bumibili doon.

Agad ko siyang nilapitan upang mapatunayan ko ngang siya yun.

"Oh my God, Wendy?" gulat na sabi ko nung makompirma kong siya nga.

Pero mas lalo naman siyang nagulat pagkakita sakin.

"S-ummer..." napansin kong bigla siyang nanginig at natarantang itinago bigla ang binili. "A-anong ginagawa mo dito?"

"May photoshoot kami dito. Eh ikaw? Biruin mo dito pa tayo magkikita! How are you?" agad kong pangumusta sa kanya.

Tipid lang siyang ngumiti. Napansin ko naman ang suot niya. Uniform iyon ng restaurant sa hotel.

"Dito ka nagwo-work?" tanong ko.

Tipid naman siyang ngumiti muli. "Oo. Matagal na ako dito sa Palawan. Dito na kam---ako tumira."

"Ah..." napatango ako. "By the way, I'm so happy na nagkita muli tayo. May time ka ba, bonding naman tayo! Kain tayo diyan sa tabi tabi hihi."

"Uhm, p-pasensya na Summer. May aasikasuhin pa kasi ako sa bahay."

"Ganon ba? Oh sige pero kita tayo minsan ha. After kaya ng photoshoot available ka kaya?"

"H-hindi ako sigurado. May trabaho ako ng weekdays at naglilinis naman ako ng bahay ng weekends." aniya kaya napanguso ako.

"Aw, ang busy mo rin pala. Sige next time nalang pag bumalik ako dito okay?"

Tumango naman siyang nakangiti.

"Oh by the way, pupunta nga pala dito sina Sky at iba pa nating classmates. Lalo na si Ish! Siguradong matutuwa yun pag nakita ka!"

Nang marinig niya yun ay bigla nalang nanlaki ang mata niya at nataranta na naman.

"Uhm, S-Summer. Pwede ba akong makiusap?"

"Ano yun?" nakangiting tanong ko.

"W-wag mong sasabihin kahit kanino na narito ako. Lalong lalo na si Pip, please."

Natigilan naman ako. "B-Bakit naman?" tanong ko at hindi naman siya nakapagsalita.

Napabuntong hininga naman ako. "Pero sige. Hindi ko sasabihin kahit kanino na narito ka. Makakaasa ka, Wendy."

Agad naman niya akong niyakap kaya nagulat ako. Hindi na kasi yung tipong Wendy na nakilala ko noon na panay blangko ang mukha at kay hirap basahin ng ugali. Masasabi kong kahit simple na ngayon ang buhay niya ay mukha naman siyang mas masaya kaysa noong high school kami.

"O sige na. Mauuna na ako. Magluluto pa kasi ako sa bahay." aniya pagkahiwalay niya sakin.

"Okay, sige. Pero sana magkita ulit tayo."

Tumango naman siya. Maya maya ay tuluyan siyang nagpaalam.

Habang naglalakad papasok sa hotel ay hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Wendy nang banggitin ko si Ish.

Ano naman kaya ang nangyari sa pagitan nila noon?

Sumagi naman sa isip ko ang laruang binili niya. OMG! Ibig sabihin may anak na siya? So may sarili na siyang pamilya at ayaw niyang niyang malaman iyon ni Ish! Tama!

Nang makarating ako sa hotel ay saglit kong iwinaglit sa isip ko ang tungkol doon at nagshower nalang ulit.

Pero ang pumalit namang bumabagabag sa isip ko ay si Pip at ang babaeng iyon. Iniisip ko pa lang na magkasama sila sa iisang kwarto ay nanggigigil na ako sa inis. Ano pa kaya kung may gawin sila. No!

Pero ano nga naman ang laban ko? May relasyon sila at ako ay matagal nang tapos kay Pip.

Halos hindi ako matapos pagligo dahil sa pagdadabog ko.

"Haist! Dapat hindi nalang ako umuwi!" pagsisisi ko.

To be continued...

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now