Chapter 32

21 1 0
                                    

KINABUKASAN...

Nagprepare na kami para sa aming pictorial. At ang David na to mabuti nalang at dumating bago pa magsimula ang photoshoot. Ba't kasi ngayon lang naisipang pumunta sa Palawan. Kung nagkataong nalate siya ay baka sa kanya ko ibunton ang galit ko.

Oo, hanggang ngayon ay naiinis parin ako. Di ko alam kung kay Pip ba yun, sa babaeng karelasyon niya o sa sarili ko. Kaya tuloy hindi maipinta ang mukha ko.

Nagbihis na ako ng summer outfit. Black two piece bikini na pinatungan ng white see through cover up.

Nang lumabas ako ng hotel ay tapos na akong ayusan.

Maya maya ay dumating ang team nina Pip.

Nagkatinginan pa kami bago niya pasadahan ang kabuuan ko. Napansin ko pang nagsalubong ang kilay niya.

Pero nung bumuntot na naman at dumikit ang babaeng staff niya ay kumulo na naman ang dugo ko kaya pairap akong umiwas ng tingin.

"Guys, ready!" anunsyo ng director.

Nagsimula kaming magpose ni David. Ang suot niya blue summer trunk at floral polo na nakabukas ang butones kaya kita ang maganda niyang katawan.

Dahil nga wala na akong ganang magpose ay napapansin iyon ni Pip. Halos umirap ako sa camera sa tuwing kinukunan niya ako ng litrato.

"May problema ba, Samarra?"

Nagulat ako sa first-name basis ni Pip sakin at mukhang hindi lang ako ang nagulat.

Napailing nalang ako at hindi siya pinansin.

"Okay, let's do it again!" sabi ulit ng director.

Pinilit kong maging professional pero talagang lumalabas ang busangot ng mukha ko.

"I guess hindi pa ready si Ms. Merranda sa pictorial." sabi ni Pip at isinabit muli ang camera sa kanyang leeg.

"Excuse me?" taas kilay na sabi ko. "It's not your call, Mr. Alfonzo. Tatapusin natin ang photoshoot na to maibigay ko man ang best ko o hindi."

Napabuntong hininga siya at lumapit sa akin.

"But the thing is, dinadala mo sa trabaho ang personal matters mo." aniya at napairap muli ako.

"Wala kang pakialam, Philipp. Wag nga ako ang pagtuunan mo ng atensyon." inis na sabi ko at nagulat naman siya sa inakto ko.

"Ano?"

"Please lang, Pip. Tapusin na natin tong photoshoot na to para matapos narin tong p*tang inang nararamdaman ko. Para makalayo na ulit ako sayo!" nangilid ang luha ko at ayukong makita ng mga tao doon kaya umiwas ako naglakad ng kaunti palayo.

Pero nagulat nalang ako nang may kumuha ng kamay ko at hilahin ako palayo doon.

"Pip, ano ba! Bitiwan mo nga ako." inis na sabi ko sa kanya. Pero patuloy lang siyang hinila ako palayo sa lugar na iyon.

Hanggang sa makarating kami sa tabing dagat na walang mga tao.

"Alam mo, mas lalong hindi kita maintindihan ngayon." aniya nang bitawan ako. Ramdam ko ang pag-usbong ng galit niya. Pero binaliwala ko nalang iyon. "Ikaw na nga yung may atraso sakin tapos ikaw pa itong may ganang magalit sakin? Sabihin mo nga sakin, Samarra, ano bang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang ako pa ang sumuyo sayo? Gusto mo bang ako pa ang lumuhod sayo para lang magkaayos tayo?"

Naguluhan naman ako sa kanya kaya napailing ako.

"Huwag mo nga akong iniilingan, Samarra!" talagang galit na siya dahil nanggigitil na ang bagang niya. "Hindi ba't dapat ako ang may karapatang magalit sayo dahil sa pag-iwan mo sakin!---"

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя