Chapter 33

24 3 0
                                    

Philipp Fin Alfonzo

"SUMMER!" tawag ko sa kanya na busy sa paggawa ng assignment niya.

"Sinabi nang wag mo kong tawagin sa palayaw ko eh." inis na sabi niya at natawa lang ako sa kaartehan niya.

"Eh bakit ba? Sina Ish at Caleb, hindi ka naman nagagalit kapag tinatawag kanila sa palayaw mo."

"Sila yun. Pag ikaw kasi parang ang sagwa pakinggan ng pangalan ko." aniya saka pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Edi Samarra."

"Oh?"

"Pakopya sa Math!"

"Ulol gumawa ka ng sayo!"

Iyan yung hindi pa kami gaanong close pero kilala na namin ang isa't isa. Palibhasa magkalapit lang din ang village namin.

"Samarra, pakopya!"

"Pakopya sa Math!"

"Uy pakopya naman sa English."

"Pakoya boss!"

Araw-araw iyon ang palagi kong bungad sa kanya kapag maaga siyang pumapasok at dumederetso sa gazebo para gumawa ng assignment.

Nasanay siyang naroon ako at sumasalubong sa kanya dahil sa lahat ng tao doon ako ang nauunang pumasok dahil part time ko ang pagja-janitor sa school namin.

At dahil naaawa naman siya kinalaunan sa kalagayan ko dahil kaunti lang din ang tulog ko dahil nagtatrabaho din ako sa isang fast food chain, ay tinutulungan niya ako sa assignment ko.

"Matulog kana, ako na bahala sa assignment mo." seryoso namang aniya na nagpatunaw ng puso ko.

Ang totoo, paraan ko lang iyong pagkopya ko sa kanya para may oras akong mapalapit sa kanya.

Sa panahong iyon ay unti unti na akong nagkakagusto sa kanya.

Hindi ko alam ang pakiramdam ko lalo na nung maabutan ko siyang nakatitig sakin. Umaasa ako noon na sana may gusto rin siya sakin.

Pero may mga pagkakataon lang na pumipigil saking ligawan siya. At isa na roon ang problema niya sa bahay nila. Di lingid sa kaalaman ko na hindi sila okay ng mommy niya at hindi ako kailanman nakikialam sa kung anong pakikisama ang gawin niya sa pamilya niya. Dahil ayukong magalit siya sakin at lumayo siya sakin.

Gusto kong iparamdam sa kanyang kung magkataon mang iwan siya ng lahat, naroon lang ako upang saluhin siya.

Naging mas close pa kami sa isa't isa. Best friends niya sina Reign at Sky. Pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ba ako sa kanya.

Kilala niya na ang pamilya ko dahil nadala ko na siya ilang beses para gumawa ng project at assignments.

Isang beses na nakunan ko siya ng litrato ay hindi ko napigilan ang sarili kong ipaframe pa iyon at ilagay sa kwarto ko. Tuloy ay napagkamalan pa ng pamilya ko na nobya ko na siya.

Ang sunod na litrato ay iyong nagising ako at mapansing pati siya ay nakatulog habang nakikinig ng music.

Ang cute lang ng itsura niya habang nakaupo at nakanganga pa. Natatawa akong kinuha ang phone ko.

Nang kunan ko siya ng litrato ay nagsanhi iyon ng ingay kaya nagising ang diwa niya.

Nag-alala ako dahil mahuhulog siya kaya naman alanganin ko siyang pinigilan para hindi mahulog.

Nang magmulat siya ay doon ko lang din napagtantong bahagya kong nahawakan ang dibdib niya.

Nanlaki ang mata niya habang ako naman ay napalunok at napailing. Gusto kong magpaliwanag pero galit na siyang nilusob ako.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon