Chapter 26

25 2 1
                                    

KAHIT nasa ospital na kami ay di parin matigil ang iyak ko. Nasa ER na si Pip at ginagamot ng mga doktor.

Andon kaming lahat sa labas ng waiting area at hinihintay ang resulta ng lagay ni Pip.

"Tinawagan ko na ang mga parents ni Pip. Papunta na raw sila dito."

Narinig kong sabi ni Ish. Kinabahan naman ako bigla dahil baka magalit sakin sina tita Helen dahil sa nangyari kay Pip.

At ilang oras lang ay dumating na ang mga ito. Halos himatayin ang nanay niya sa pag-alala.

"Ano bang nangyari, Summer?" umiiyak na sabi niya.

Napayuko ako at nakagat ang labi para pigilang humikbi. "S-sorry po, tita. K-kasalanan ko po kung ba't nangyari to kay Pip."

Agad naman siyang umiling at umiiyak na niyakap ako.

"Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sayo kaya wag mong sisihin ang sarili mo, ija."

Napabuntong hininga nalang ako at kahit papano ay nabawasan ang agam agam ko.

Maya maya ay bumukas ang pintuan ng ER at iniluwa ang isang doktor.

"Asan ang pamilya ng pasyente?" agad na tanong nito.

"Kami po, doc." agad ding lumapit ang nanay at tatay ni Pip at sumunod naman kami ni Philo. "Kumusta po ang anak ko?"

"Good thing at hindi nagkaroon ng brain hemorrhage at iba pang komplikasyon ang bata. Pero maraming bali ang kanyang mga braso at binti kaya kailangan pa namin siyang iundergo sa operasyon. Wag kayong mag-alala, binigyan na namin siya ng paunang lunas. At hintayin na lang natin ang paggising niya."

"Salamat, po, doc." naiiyak man nagpasalamat ang ina ni Pip.

"Sige na mga anak, bumalik na kayo sa mga klase niyo. Dalawin niyo nalang si Pip pagkatapos ng klase niyo."

Gusto ko sanang tumanggi at hintayin na gumising si Pip pero nahihiya ako kaya sumama na lang ako kina Sky pabalik sa school.

Nang matapos ang klase ay dumeretso muli kami sa ospital para tingnan ang lagay ni Pip.

"Hindi parin siya gumigising." ang sabi ng tatay ni Pip.

"Alam kong gusto mong manatili dito para hintayin ang paggising ni Pip." sabi naman sakin ng nanay niya. "Pero kailangan mo munang umuwi, ija. Tatawagan ka namin kapag gumising na si Pip."

Wala naman akong nagawa kundi ang sumama muli kina Sky at umuwi.

Nang makarating naman ako sa bahay ay nagulat akong makitang may naghahakot ng mga gamit mula sa loob ng bahay at inilalagay iyon sa malaking truck.

"Ang bilis naman..." nasabi ko na lang sa sarili ko at lumapit sa kanila.

"Pasensya kana at naghakot kami ng wala ka. Andito kanina ang kapatid ng may ari nitong bahay at siya na ang pinapirma namin para masimulan ang paghahakot." mahabang paliwanag ng person incharge doon.

"Ayos lang po." nasabi ko nalang. As if may magagawa ako. Hindi ko naman bahay iyon.

"Pasensya narin pero kailangan mo naring kunin ang ilan sa mga gamit mo at lumipat ng tirahan."

Tumango naman ako. "Naiintindihan ko po." iyon lang at agad akong pumasok sa loob at nag-impake ng mga gamit na siyang mahalaga lang sakin. Ang iba ay iniwan ko na dahil halos lahat naman ng mga iyon ay galing sa pera ni Rico.

Nang makalabas ako ng gate ay madilim na kaya naman napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa gabing iyon.

Unang sumagi sa isip ko na makituloy muna sa bahay nina Pip. Pero may problema silang pinagdadaan ngayon at ayukong dumagdag doon.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ