Chapter 23

28 2 1
                                    

"SALAMAT naman at lumalabas kana ng bahay, ija." Sabi ni tita Sheryll.

Nakipagkita ako sa kanya dahil may kailangan akong alamin.

“Tita, gusto kong malaman kung ano ba talaga kami sa buhay ni daddy?"

Tila natigilan si tita nang iyon agad ang bungad ko sa kanya.

"Nalaman kong may kapatid pala ako. At ang hindi ko maintindihan, bakit mas matanda siya sakin ng ilang taon? Ibig sabihin ba, may naunang asawa ang daddy ko bago niya makilala si mommy?"

Napabuntong hininga si tita. "Hindi ko alam kung sakin ba dapat manggaling ang kasagutang hinahanap mo, Summer. Bakit hindi mo nalang kausapin ang daddy mo at sa kanya mo alamin ang lahat."

Nakagat ko ang labi ko at napayuko

"Hindi ko pa siya kayang makita..."

Napabuntong hininga muli si tita.

"Highschool pa lang kami nung magkagustuhan ang mommy at daddy mo. Magkaiba sila ng estado sa buhay dahil mayaman ang daddy mo at bukod sa mahirap lang ang mommy mo ay nag-iisa lang niyang tinaguyod ang sarili. Hindi boto ang parents ng daddy mo sa mommy mo at pilit silang pinaghiwalay at nagtagumpay iyon nang dalhin ang daddy mo sa America.

Ilang taon ang lumipas, nagkita muli ang mommy at daddy mo nung bumalik ng pilipinas ang daddy mo. Muli silang nagkagustuhan at lingid sa kaalaman ng mommy mo na may asawa at anak na ang daddy mo sa iba. Saka lang niya nalaman nung pinagbubuntis ka niya.

Itinago nila ang kanilang relasyon ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil nalaman ng tunay na asawa niya ang tungkol sa inyo. Binantaan ng tunay na asawa ang mommy mo na madadamay ka kapag hindi siya nakipaghiwalay sa daddy mo. At hindi nga nagbibiro ang babaeng iyon..."

Natigilan ako at kunot-noong napatingin kay tita.

"B-bakit po? Ano pong ginawa sakin ng asawa ni daddy?"

Napalunok siya at naging emosyonal.

"P-pinakidnap ka niya..."

"A-ano!?" gulat na tanong ko at napalakas pa ata dahil napatingin samin ang mga tao doon sa cafe.

"Hindi kami sigurado ng mommy mo kung siya nga. Dahil nagkataon nung pagkatapos niyang magbanta ay bigla ka ring nawala. Bigla ka nalang nakita sa ilalim ng tulay at narescue. Hindi namin nakita ang kumuha sa iyo kaya wala rin kaming ebidensya."

"Pero pano niyo po nasabing pinakidnap ako?" naguguluhan kong tanong.

"Ilang araw kang umiiyak nun, nagulat na lang kami nang isinisigaw mong may lalaking pinipilit kang isama at tinatakot ka."

Muli akong natigilan. Nanginig ang mga kamay kong binalikan ang mga napaniginipan ko.

"K-kung ganon, totoo ang mga panaginip ko."

"Kami lang ng mommy mo ang nakakaalam niyon at kahit na ang daddy mo ay hindi alam ang nangyari sayo dahil nasa America siya nang mangyari yon sayo."

Napailing ako. May gusto pa akong malaman.

"Pero bakit kami iniwan ng daddy? Totoo bang may ibang lalaki si mommy noon kaya nagalit sa kanya si daddy at kaya niya kami iniwan?"

Naging malalim ang buntong hininga ni tita Sheryll.

"Ang totoo niyan ay ginawa lang iyon ng mommy mo para tuluyan siyang iwan ng daddy mo at piliin ang tunay niyang pamilya. Nagpanggap siyang may kalaguyo kaya nagalit ang daddy mo at tuluyan kayong iniwan."

Naitikom ko ang mga kamao ko sa pagpigil ko sa emosyon ko. Kamamatay lang ni mommy at ito namang sumunod na mga nalaman ko ang dumagdag sa bigat ng kalooban ko.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now