Chapter 21

27 2 1
                                    

PAGKAGISING ko mula sa pagkakawala ng aking malay ay wala paring nagbago sa katutuhanang wala na ang mommy ko. Kahit anong hiling ko sa panaginip ko na sana paggising ko ay makita ko siya, buhay at nakangiti.

Pero wala na talaga siya. Nang tuluyang magising ang diwa ko, hindi ako makaiyak. Tulala ako at tahimik magdamag at hindi makausap nina Pip.

Ilang beses nila akong pinakiusapan na umuwi muna at sila na ang bahala kay mommy ay hindi ako pumayag. Nanatili ako doon hanggang sa asikasuhin nila ang burol ni mommy.

"Nagugutom kana ba?" tanong ni Pip. Pero hindi ko siya nilingon at sinagot, deretso lamang ang paningin ko sa mukha ng mommy kong nakaratay sa kabaong. "K-kaninang umaga ka pang walang kain, babe. Baka mapano ka. Ikukuha kita ng pagkain." aniya at tumayo at saglit akong iniwan.

Walang kurap ang mata kong matagal ng nakatitig sa mommy ko. Awang awa ako sa kanya. Nang mahanginan ang mata ko ay hindi niyon napapikit ang mata ko ngunit namuo ang luha sa mata ko at naging mapait na luha.

Sino nga ba ang dapat sisihin sa nangyaring ito? Tatlo ang sinisisi ko sa puntong iyon. Ang walang kasing samang Rico na iyon na pumatay sa mommy ko, Ang Diyos dahil hinayaan niyang mangyari iyon at ang sarili ko dahil hindi ko siya naprotektahan laban sa taong gumawa niyon sa kanya.

Nakabalik na si Pip sa tabi ko at pilit na inaalok ang pagkain sakin pero hindi ko magawang kumain. Tila hindi ko maramdaman ang gutom dahil nangingibabaw ang awa ko sa mommy ko sa sandaling iyon.

"Alam kong hindi mo gustong marinig ang pangalan niya pero kailangan mo itong malaman." sabi ni Pip at ganon parin ako, hindi lumilingon sa kanya.

"Si R-rico..." doon lamang ako napatingin sa kanya dahil tila nagpanting ang tenga ko nang narinig ko ang pangalang kinasusuklaman ko.

"Nasan na ang lalaking yun?" seryosong tanong ko.

"Nakakulong na siya. Hindi siya umalis sa bahay niyo at kusa siyang sumuko sa mga pulis." Dagdag ni Pip ngunit hindi man lang ako nasiyahan sa balitang iyon.

"Ang dapat sa kanya, mamatay..." may diing sabi ko, matindi ang galit kaya naman napalunok si Pip.

"S-samarra..."

"I swear, kapag nakita ko siya, papatayin ko siyang hayop siya!" nanggigil na sabi ko at agad naman akong hinawakan ni Pip sa kamay pero hindi nun napawi ang galit ko. "

Hindi nakapagsalita si Pip.

"Sinira niya ang pagkakataong maging masaya kami ni mommy ng mahabang panahon. Alam na nga niyang ngayon lang ulit kami nagkaayos ni mommy pero sinira niya iyon. Alam niyang si mommy na lang ang natitirang tao sa buhay ko."

"Andito pa ako, babe." madamdaming sabi ni Pip kaya napatingin ako sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang ngumiti kahit pilit. Tuloy ay halata sa mukha niyang nasasaktan siya dahil parang wala siyang kwenta sa buhay ko.

Pero dahil naroon ako sa sitwasyong iyon ay wala nang ibang laman ng puso ko kundi ang pagluluksa sa aking ina at tanging siya lang ang laman ng isip ko sa sandaling iyon.

Hindi na ako nagsalita at ibinalik na muli ang paningin kay mommy. Hinahaplos haplos ko pa ang mukha niya na natatakpan ng salamin.

Ilang sandali lang ay dumating ang ilang mga nakikiramay sa burol ni mommy. Lahat sila ay mga kapit bahay lamang namin. Wala nang pamilya si mommy dahil nanggaling lamang siya sa ampunan at hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang mga kamag-anak niya kaya wala na akong ineexpect pang darating para sa kanya.

Dumating naman kinalaunan si tita Sheryll na bumuhos ang luha pagkakita kay mommy. Nagyakapan kami at doon muli ako napahagulgol ng iyak.

Dumating din ang mga kaibigan at kaklase ko pero hindi ko sila magawang kausapin dahil lutang ang diwa ko.

Kinabukasan, nanatili ako sa tabi ni mommy. Halos wala akong tulog kung hindi lang ako pinilit ni Pip at pinakiusapan akong siya na muna magbabantay kay mommy.

Mabuti na lang din at naandyan ang mga magulang ni Pip at si Philo at pati narin si tita sheryll na sumasaglit doon dahil may inuuwian siyang mga anak niya. Sila ang nag-aasikaso sa mga nakikiramay doon.

"Uhm, S-samarra ija." tawag ni tita Sheryll.

Napatingin ako sa kanya.

"M-may bisita ka" pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilingon niya ang direksyon ng pintuan.

At sinundan ko naman iyon ng walang reaksyon sa mukha.

Saglit kong pinakatitigan ang mukha ng may edad nang lalaking dumating.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko siya. Oo matagal na panahon na ang lumipas at bata pa ako nang iwan niya ako pero dahil sa mga litrato niya sa aking drawer ay hindi ko nakakalimutan ang mukha niya.

Si daddy.

Gusto kong matawa ng mapakla.

Nandito siya dahil patay na ang mommy ko.

Walang lumabas sa bibig ko at nakatingin lang sa kanya ng walang karea-reaksyon sa mukha.

Dahan dahan siyang lumapit nang may luha na ang mga mata.

Nang makita niya si mommy ay bumuhos ang luha niya ng tuluyan.

At saka lumingon sa akin.

"A-anak..."

Bakit ganon? Wala akong maramdamang tuwa at pananabik nang makita ko siya ulit. Kung noon ay hinihiling kong makita at makasama siya muli, ngayon ay galit at sama ng loob ang kapalit niyon.

"S-samarra, ija. I'm so sorry..." Lalapit na sana siya para yumakap sakin pero iniaangat ko ang palad ko para pigilan siya na ikinatigil niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Hindi kita kaylangan dito kaya umalis kana."

"A-anak, alam kong marami akong dapat ipaliwanag sayo dahil sa pag-iwan ko sa inyo ng mommy mo, pero hayaan mo muna sana akong damayan ka---"

"Hindi kita kaylangan!" galit na sigaw ko at nagulat silang lahat. "Ngayon pa, kung kelan wala na si mommy? Umalis kana rito at wag kanang magpakita sakin! Hindi ko kailangan ng isang ama. Ang kailangan ko ay ang mommy ko! Ibalik mo siya ngayon din! Buhayin mo siya!!" tuluyan akong napahagulgol sa pinaghalong emosyon ko.

Agad akong nilapitan at niyakap ni Pip para pakalmahin habang nilapitan naman ni tita sheryll si daddy at inilayo muna sakin.

Ilang oras din akong umiyak at nang maubos ang luha ko ay natulala muli ako sa mukha ni mommy.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now