Chapter 6

34 3 1
                                    

SABADO ng umaga, nabo-bore ako sa bahay dahil nakakulong lang ako sa kwarto ko magdamag.

Wala kasing trabaho kapag weekends si Rico kaya magdamag tuloy akong nasa loob lang.

Kaya naisipan kong i-chat si Pip.

Summer Merranda
-uy asan ka?

Ilang minuto akong naghintay bago siya nagreply.

Pilipe Alfonzo
-asa work bkt?

Napanguso naman ako. Kahit weekends ay may trabaho ito. Nagpapahinga pa kaya siya?

Summer Merranda
-anong work?

Pilipe Alfonzo
-angkas bkt?

Summer Merranda
-wala kng motor no

Pilipe Alfonzo
-d mo sure. bkt nga?

Summer Merranda
-nvm

Pilipe Alfonzo
-🤨

Maya maya may naisip ako.

Nagdownload ako ng app ng Angkas saka nagregister doon.

Nakangisi pa akong nagbook doon.

Nilagay ko pa sa note ay:

Si Philipp Alfonzo lang ang gusto kong rider, wala ng iba.

Pagkatapos ko iyong iconfirm ay naligo ako at nagbihis.

Nang matapos ay bumaba ako at dumaan sa kusina para uminom.

Kasalukuyan akong nakatungo para kumuha ng tubig sa refrigerator nang biglang may humawak sa pwetan ko.

"Ano ba!" gulat na sabi ko at natigilan akong makita si Rico sa harap ko na nabigla rin sakin.

"S-summer, ikaw pala yan. Pasensya na, akala ko'y mommy mo ikaw."

Pigil inis akong napabuntong hininga at kinuha na lang ang pitsel sa ref at nagsalin sa baso.

Lumayo ako nang may kukunin din siya doon.

Pilit kong ikinalma ang sarili ko nang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng sobrang kaba dahil sa ginawa niya. Bastos!

Inilagok ko ang isang basong tubig.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nakikita ko siya sa sulok ng mata ko.

"Grabe, di ko namalayan dalagang dalaga ka na pala." aniya at salubong lang ang kilay kong hindi kumibo. "Eh hindi naman kasi tayo palaging nagkikita kahit na sa iisang bahay tayo di ba?"

"Aalis na po ako." naglakad ako at nilampasan siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Teka muna, kinakausap pa kita ah."

"Wala akong ganang makipag-usap sa inyo kaya pwede ba bitawan niyo ko." inis na sabi ko at marahas na hinablot ang braso ko.

"Bastos ka ah!" galit na sabi niya. "Pagkatapos kitang palamunin at gastusan sa pamamahay ko, ito lang isusukli mo sakin?"

"Bakit? Sinabi ko bang gawin niyo yun sakin?" iyon ang kauna-unahang naglakas loob akong sagutin siya.

Napangisi siya at napasinghot habang inikiskis ang hintuturo sa ilong.

Kanina ko pang napapansing para siyang lasing kung magsalita at kumilos.

"Bakit ha? Hinihintay mo bang babalikan pa kayo ng daddy niyo? Wag mo nang asahan yun! Dahil hindi ako papayag!"

Masama akong tumingin sa kanya. "Kahit anong gawin mo, hindi kita ituturing na bilang daddy ko---"

Halos matumba ako nang sampalin niya ako ng malakas.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now