Chapter 4

34 2 1
                                    

MABUTI na lang at dumating si sir Castro. Natakasan ko ang mapanuksong tingin ni Sky.

"Ms. Merranda."

Napatayo ako nang tawagin ako ni Sir Castro. "Sir?"

"Go to the auditorium. Pinapatawag kayo para sa pictorial." aniya. "Excuse ka muna for today."

"Sige po sir." sabi ko at lumabas ng room.

"Summer."

Natigil ako sa paglalakad sa hallway at nilingon ang tumawag sakin.

"Reign." hinintay ko siyang makalapit sakin. Isa rin siyang modelo ng school banner. "Tara, sabay tayo." nakangiting sabi ko.

Sabay kaming nagtungo ng auditorium at naabutan namin ang ilang mga estudyanteng katulad din naming school models.

Simula grade 7 hanggang grade 12 ang may mga representative. Kumpara sa grade 7,8,9 at 10 na tig-isa lang, mas marami ang modelo ng senior high dahil iba't ibang modelo bawat strands.

Dahil by grade ang pagkuha ng litrato. Naunang magpapicture ang grade 7. Kaya kaming mga senior ang huli.

Habang naghihintay ay may nag-aayos at nagmi-make up samin na kapwa rin namin students. Sila yong mga magagaling sa beauty care strand ng TVL track.

"Ang ganda mo, Summer." puri ni Reign sakin.

Napangiti naman ako at tiningnan ang ayos niya. "Mas maganda ka no." sabi ko at nahiya naman siya. Sa aming dalawa siya yung hindi palaging nagmi-make up. Di katulad ko na palaging may baon na press powder at liptint.

Magkaiba rin kami ng ganda dahil maamo ang mukha niya na parang si Francine Diaz. Habang ako naman ay si Andrea Brilliantes ang awra.

"Seniors, magready na!"

Agad kaming lumapit ni Reign sa pwesto ng pictorial at doon pumila.

Isa-isa kaming kinunan ng litrato na gagamitin daw sa banner na ipapaskil sa labas ng school at ia-advertise sa website at social media ng school.

Natapos ang pictorial ay saktong breaktime na kaya dumeretso kami ni Reign sa Canteen.

Pero di namin inaasahan ang naabutan namin.

"Anong nangyari?" mahinang bulalas ni Reign.

Gulat kaming nakitang nakaupo si Wendy sa sahig. Mukhang nadapa o natumba ito dahil nagkalat ang tray, plato at pagkain sa tabi niya. Pinalibutan na siya ng mga tao doon at gumagawa ng ingay.

Lalapitan ko na sana siya para tulungan nang maunahan ako ni Ish at tinulungan siyang tumayo. Madilim ang mukha ni Wendy na nanatiling nakatayo.

Maya maya ay lumapit siya sa grupo ng mga babae. Saka ko lang napansing kanina pa bumubungisngis ang mga ito at natigilan lang nung lumapit si Wendy.

"Bakit mo ko pinatid?" salubong ang kilay na tanong niya sa babaeng mukhang maarte. Nakikita ko ito sa HUMSS. Ngayon palang ay nagtataka akong ba't yun ang strand niya.

"As if I did it on purpose." pairap na sagot nito at tumawa naman ang dalawa nitong kasama.

"I saw you tripped me! Tinawanan niyo pa ko pagkatapos." pigil ang galit na turan ni Wendy.

"And so what kung sinadya ko yun? Gagantihan mo ko?" hamon ng babae kaya nagulat kami nang hablutin ni Wendy sa kwelyo ang babae.

"Oh my God." bulalas ni Reign at natakpan ang bibig.

Aawatin ko na sana sila pero naunahan na naman ako ni Ish.

Magkakilala ba sila?

Hinawakan niya ang braso ni Wendy pero hindi siya nito pinansin at nanlilisik ang matang tumitig sa babae.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now