Chapter 30

27 2 1
                                    

KINAUMAGAHAN, naisipan kong i-chat si Sky. Hindi pa ako sigurado kung iyon parin ang account niya sa fb. Ilang minuto akong naghintay ng reply niya hanggang sa makatanggap nga ako ng chat mula sa kanya.

"O sira ulo, buhay ka pala hahaha." bungad niya nang yayain ko siyang mag-video call.

Natawa narin ako although nakokonsyensya ako dahil nga wala akong paramdam sa kanila lahat. Parte iyon ng pagmo-move on ko sa nangyari noon lalo na kay Mommy.

"Nasa Pilipinas ako ngayon, kita tayo?"

"Sure! Oo naman. Na-miss kita sobra, bes. Basta i-libre mo ko ah hahaha."

"Oo naman, yayain ko narin kaya si Reign. And also Wendy!" excited na sabi ko.

"Uhm, si Reign nakakausap ko pa. But Wendy? We don't know kung nasan siya ngayon."

"Ba't di mo tanungin si Ish?"

"He's been silent about Wendy this few years. Maraming nangyari noong wala ka."

Na-curious naman ako sa balitang iyon pero hindi ko na siya inusisa. Ayuko namang mangialam sa buhay ni Wendy.

Maya maya, in-invite ko rin si Reign sa video call namin. Mabuti nalang at available siya.

"Sam!" tuwang tuwang bulalas ni Reign pagkakita sa akin. "Kumusta na? I missed you!"

"I'm more than okay now haha. I missed you too! Ikaw kumusta na?"

"Of course I'm good now. Lahat naman tayo may hindi magandang pinagdaan for the past years, but in the end, yeah we need to just move on and forward."

"True!" segunda ni Sky at napangiti naman akong napatango.

"So guys, kita tayo bukas ah."

"Sure!"

"I'm so excited to see you!"

AT kinabukasan nga ay nagkita kami nina Sky at Reign.

"Oh my God, you're so pretty in person, Sam!" sabi ni Reign matapos kaming magyakapan. Nagkita-kita kami sa isang milk tea shop.

"Ikaw ba naman ang isa nang supermodel!" dagdag ni Sky. "Uy pic tayo tapos ipopost ko sa IG ko para naman dumami followers ko haha!"

Natawa man ay ginawa parin naming magpicture.

"Ba't di mo gamitin si Reign. She's very famous din naman dito. Tingnan mo at ang daming gustong magpapicture." tukoy ko doon sa mga nasa labas ng milk tea shop. Meron din naman sa loob pero mabuti na lang at sinasabihan sila ng manager ng shop na wag kaming isturbohin.

"Guys, come with us to Palawan. Meron kaming photoshoot doon pero one day lang naman iyon so pwede tayong magbonding bago man lang ako bumalik sa America."

"Sure, i-cacancel ko na agad ang mga schedule ko for those days." sabi ni Reign.

"At isama na natin yung iba!" suhistyon ni Sky. "Ako na bahala kay Ish at Caleb. Ikaw narin kay Huck, Reign."

"H-ha?" alanganing sagot ni Reign. "Uhm s-sige."

"Oh and we forgot. What about Pip?"

"Oo nga, Sam. Nagkita na ba kayo ni Pip?"

Nakatingin silang dalawa sakin at ako naman ay napabuntong hininga at pilit nalang na ngumiti.

"Don't worry guys, automatic na andon siya sa Palawan. Because he's my photographer..."

"Sheesh! Wait, plinano mo ba yan? Na siya ang kunin mong photographer?" pang-aasar ni Sky.

Pinandilatan ko siya. "Ni hindi ko nga alam na magiging photographer talaga siya."

"So nagulat ka nung magkita kayo?"

"As in! Tuloy hindi ako makapagconcentrate sa trabaho."

"Uyyy, mahal pa niya ang Pilipe!" Pang-aasar muli ni Sky.

Pero napabuntong hininga lang ako.

"I think he has a girlfriend."

"Really?" si Sky. "Well, di ko naman siya masyadong nakikita kaya hindi ko rin alam kung meron na siyang girlfriend."

"Or wife?" sabi ko at nagulat naman sila. "It's been 10 years, baka nga asawa niya yung babaeng staff niya."

"What? So nakita mo ang jowa niya?" tanong ni Sky.

"Yes, ang lambing nga nung babae sa kanya eh."

"Are you sure about that?" si Reign. "Malay mo naman friend lang sila. Ba't di mo nalang tanungin si Philip?"

"Hindi ko nga alam kung kilala niya ba ako." pekeng tawa ko. "Guys, hindi ba siya nagka-amnesia noong nagising siya after that accident?"

"No, hindi ah. Ba't mo naman nasabi yan?" si Sky ang sumagot.

"Wala naman. Ang cold niya kasi at parang hindi niya ko kilala. Well naiintindihan ko naman."

"Need niyo lang talagang mag-usap ng masinsinan."

Napabuntong hininga ako. Totoo din na kailangang ako ang kumilos para makapag-usap kami. Pero napapatanong din ako kung kailangan pa ba iyon gayong napakatagal na niyon at mukhang wala na siyang pakialam sa akin at sa paliwanag ko.

DUMATING ang araw ng pagpunta namin sa Palawan. Nag-chat na ako kina Sky at Reign na on the way na kami. Nagreply naman sila na papunta na rin sila kasama sina Ish at Caleb.

Nang makarating kami sa Palawan ay di magkandaugaga sa pagkuha ng litrato at magselfie si Olive.

"Oh my Goodness, it's so lovely here! I want to stay here for good hihi!"

"Do you know how expensive this island is?" putol naman ni Jenri dito. "You can't even afford to stay here for a day."

Sumimangot naman si Olive habang ako ay tinawanan nalang sila.

"Well, I'll work hard to earn money so I could buy this Island!" si Olive ulit.

"Good luck." paepal ni Jenri.

Nang makarating kami sa aming mga room sa hotel ay nagpahinga muna ako hanggang sa makatulugan ko na iyon.

Paggising ko, hapon na dahil nakikita ko nang malapit nang lumubog ang araw. Bagay na ikinatuwa ko dahil ang ganda niyong tingnan.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba ako at pumunta sa tabing dagat.

Umupo ako doon at pinagmasdan ang tanawin.

Ang unti unting paglubog ng araw ay nagsasanhi ng mala-orange na sikat sa dereksyon ko.

Agad akong kumuha ng litrato bago pa mawala ng tuluyan ang araw.

Maya maya, naisip ko si Pip. Sumagi sa isip ko na meron nga pala akong number niya nung isinave ko ang mga number ng team ng photoshoot na iyon. Tutal alam ko namang nakarating narin ang team nila sa hotel.

I think ito ang tamang oras na magkausap kami. Para naman wala naring ilangan sa pagitan namin sa tuwing nasa trabaho na kami.

Agad kong hinanap ang numero ni Pip at tinawagan ito.

Ilang segundong nariring lang iyon at walang sumasagot. Nang ikalawang tawag ay sa wakas ay sinagot niya iyon.

"Hello?"

Napakunot ang noo ko nang hindi si Pip ang sumagot niyon. Kundi isang babae.

"Hello?" muling nagsalita ang babae.

Ewan ko pero hindi ako nakapagsalita. Para akong nautal bigla.

Ba't naman kasi nasa babaeng yun ang cellphone ni Pip.

"Hello? Mamaya ka nalang tumawag, naliligo pa si Philipp eh. Bye."

Nakapatay na ang tawag pero hindi ko parin naibaba ang cellphone ko. Nanigas bigla ang katawan ko sa narinig ko.

Ano yun? Magkasama ba sila sa iisang kwarto?

Biglang sumikip ang dibdib ko kaya napahawak ako doon. Di ko na naiwasang tumulo ang luha ko. Noon ko pa inisip na baka nga may mahal ng iba si Pip. Pero iba pala kapag ikaw mismo ang makaalam niyon.

Ang sakit...

To be continued...

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon