Chapter 27

26 2 1
                                    

10 years later...

"SAM. Wake up."

Nagising ako sa pagyugyog sakin ni CJ. Nakatulugan ko ang biyahe namin papunta sa mansyon nina Daddy. Birthday niya kasi kaya kahit wala akong balak dahil sa hectic ng schedule ko at sa sobra naring pagod ay pinilit parin ako ng kapatid ko na pumunta.

"We're here." muling sabi niya at kinusot ko muna ang mata ko bago tumingin sa labas. Nasa malawak na garahe na kami.

"Wag na lang kaya..." sinubukan ko sabihin iyon pero sumama ang mukha niya. "Wala din naman akong regalo." pabuntong hiningang sabi ko.

Maya maya ay may inabot siyang isang maliit na regalo.

"Now you have."

Natawa ako. Wala talaga siyang pinagbago, kilalang-kilala niya na talaga ako.

"You're the best!"

Ngumiwi lang siya at lumabas na ng kotse para pagbuksan naman ako.

"Mas maganda kung may kasunod na 'kuya' yang sinabi mo."

I scoffed. "Mas sanay na'kong CJ ang tawag sa'yo."

"Yeah, and nasasanay ka naring suwayin ako." aniya at aktong babatukan ako.

Tatawa-tawa naman akong umiwas. Saka ko lang napansin ang suot niyang black tux na nakabukas at pinaresan ng red-blue stripe na necktie. Suot niya ang regalo kong relo sa kanya noong birthday niya. Kumikinang naman ang itim niyang sapatos.

Habang ako ay piniling magsuot lang ng simpleng dress. Silver iyon na strapless dress na manipis at niyayakap ang katawan ko kaya litaw ang hubog ng katawan ko. Tinernuhan ko iyon puting Louis Vuitton purse. Suot ko parin ang kwentas na binigay ni mommy.

Napatingin naman ako sa kamay ko. Suot ko parin hanggang ngayon ang bracelet na bigay ni Pip.

Napabuntong hininga ako habang hinahaplos yon.

"Kumusta na kaya siya..."

"Who?"

Nagising ang diwa ko sa tanong niya. Hindi ko alam na naisatinig ko pala ang inisip ko.

Pilit akong ngumiti at umiling.

"Wala, tara na nga. Ano bang laman nito?" sabi kong naglakad na at tinutukoy ang regalo.

"Just a necktie."

Nangunot ang noo ko at natawa na naman sa kanya.

"Na naman? Last year ganon din ang regalo ko sa kanya di ba?"

"That's why you're supposed to make an effort to buy him a gift." he hissed.

"I don't have time. I'm busy..." rason ko. "By the way, baka makahalata na yon na di sakin galing ang nireregalo ko sa kanya. Sige, next time ako na bibili." I giggled.

"That's right. Remember, you're not 18 anymore, Sam. You're already 28."

"Oh please, wag mo nang banggitin ang edad ko." aktong nanghihinang saad ko. Di parin ako makapaniwalang 28 na ko. Feel ko ang tanda ko na kapag napapansin kong unti unti nakong nawawala sa kalendaryo.

"Why don't you just get a man and marry him para hindi kana mamroblema sa edad mo. Try to start dating now." sabi niya pero umikot lang ang mata ko.

"Ha-ha, tell that to yourself. 31 kana kaya."

"Well, at least I'm dating."

Tumawa muli ako. "Dating your ass, baka flirting."

"Well, it's the same, my sister."

Napailing nalang ako at inunahan na siyang maglakad papunta sa malaking garden kung nasan ang party.

Pero nung matanaw ko na sina Daddy ay humina ang lakad ko para hintayin si CJ.

"Hi, Dad. Happy birthday..." agad na bati niya at yumakap dito. Iniabot kaagad niya ang regalo dito. Saka lumapit sa ina na katabi lang ni Daddy. "Hi, mom. You look beautiful."

"Thank you, son. You're so handsome too."

"Thanks, mom." agad siyang tumabi para makita ako ni Daddy.

"Samarra..." tawag sakin ni Daddy. "Glad you came." siya ang yumakap sakin nang hindi ako gumalaw.

"Of course it's your birthday, Dad." pilit ngiting sabi ko.

"Oh please..." hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pasaring ni Fonda, asawa ni Daddy.

"Mom..." mahinang saway naman ni CJ. Kilala niya ang mommy niya. Alam niyang hanggang ngayon ay hindi maayos ang relasyon namin ng ina niya.

Ngumiti nalang ako ng peke at ipinakita ang regalo ko.

"Here's my gift, Dad." inabot ko iyon at tuwang tuwa namang tinanggap iyon ni Daddy.

"Another necktie..." bulong na naman ni Fonda. "For the 3rd times." doon ay natawa pa siya.

"Oh shut up, tita. Are you jealous that I never gave you anything for your birthday?"

"Excuse me?" napipikon ang tinig niya.

"Enough, both of you!" pigil ni Daddy samin. Napabuntong hininga siya. "It's my birthday. Can you just act normal just for tonight? Nakakahiya sa mga bisita ko!"

"I'm gonna go now." sabi ko na tumalikod at akmang maglalakad palayo.

"No, you're not." pigil sakin ni Dad. "You're staying. Kahit ngayon lang, anak."

Napabuntong hininga ako.

"Kahit iyon na lang ang iregalo mo sakin anak, please." pakiusap niya.

"Alright..." sabi ko at naglakad papasok sa mansion.

"Ate!"

Pagkapasok ko palang ay sumalubong sakin ang bunso naming kapatid na si Jodie.

Teenager na ito kaya nagugulat na lang ako sa pagbabagong nakikita sa kanya.

"What the f*ck did you do to your hair?" salubong ang kilay na bulalas ko at agad na hinawakan ang buhok niyang may highlights. Pero hindi lang sa kulay ako nainis dahil halatang pinageksperementuhan niyang gupitan ang sarili niyang buhok.

She just giggled. "I've watched it on YouTube. I thought it was awesome since it's on the trend."

"Trend your ass!" asik ko. "We'll go to the salon tomorrow. We'll fix that. Don't do that again, okay?"

"Okay...po ate hihi."

"Good. I'm going upstairs. I need to sleep."

"Oh, are you gonna stay here for good?" tila excited pang aniya.

"No, just for tonight..." sabi ko pang nagsimulang umakyat sa hagdan.

"Aaahhh..." parang nanghihinayang na sabi pa niya. "It's so boring here without you in this house."

"Why?" curious naman na tanong ko.

"It's so quite here since you left. But if you're here, I feel like I'm watching an action-drama series everyday!" natawa pa siya pagkatapos niya iyong sabihin.

Natawa na lang din ako sa kanya at tumuloy na sa pag-akyat.

Patay ka sa nanay mo...

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nahiga agad ako sa kama at naidlip.

Totoong pagod ako at walang tulog mula pa nung isang araw dahil sa Victoria Secret fahion show na ginanap pa sa London.

At 28, naabot ko na ang pangarap kong maging supermodel. Hindi lang supermodel kundi sikat na supermodel.

Iisa na lang ang pangarap ko.

Iyon ay ang makita siyang muli.

Pero hindi kaya huli na para magkita pa kami ulit?

Ang pangarap na yun ba ay magiging pangarap na lang?

10 years na ang lumipas, hindi malabong makalimutan niya na ako at baka nga nag-asawa na siya ng iba.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon