Chapter 16

27 3 1
                                    

NAGISING akong wala na si Pip doon. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay nagmessage pala siya na nakauwi na siya. 3am nang nakarating si Ish. Hindi na daw niya ako ginising para hindi ako mapuyat.

Gusto ko pa sanang matulog pero may pasok kami ngayong lunes. Kahit kaunti lang ang nainom ko ay masakit parin ang ulo ko.

Agad akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko ay naabutan ko si mommy.

"Kaya mo bang pumasok ngayon, anak? Hindi ba masakit ang ulo mo?" aniya.

Napahawak naman ako sa sintido ko. "Medyo masakit nga mommy. Pero kailangan kong pumasok ngayon eh."

"I've cooked you sopas. It's for your hangover. Come here." iginiya niya ako sa kusina. Nakahanda na sa mesa ang sopas. "Sitdown anak." pinaghila niya pa ako ng upuan at agad naman akong umupo. "Humigop ka ng sabaw para mabawasan ang pananakit ng ulo mo."

Napangiti naman akong tumango. "Thank you, mommy." agad kong kinuha ang kutsara at nagsimulang humigop ng sabaw niyon.

Nang maubos iyon ay agad akong nagpaalam sa kanya dahil baka ma-late ako.

Nang makarating ako sa school ay marami ng tao.

"Sum!" tawag ni Sky sakin nang makarating ako sa hallway na tapat ng aming room. Naunahan pa pala nila ako ni Reign. Ako kasi ang palaging nauunang pumasok sa kanila.

"Hindi ba sumakit ang ulo mo?" tanong ko sa kanya.

"Sumakit ng konti pero nawala naman agad nung nilutuan ako ni Mommy ng noodle soup."

"Uy ako rin, sopas ang niluto ni mommy."

"Close na talaga kayo ng mommy mo noh." aniya at napangiti nalang ako. Di lingid sa kaalaman nilang hindi kami close ni mommy noon.

"Wala pa ba sina Pip?" tanong ko habang inililibot ang paningin sa loob ng classroom.

"Si Caleb at Huck pa lang ang nakikita kong dumating. Ayon ang Caleb." ininguso niya si Caleb na nakahiga ang ulo sa desk at mukhang nahihilo pa. "Knockout ba naman kagabi." natatawang aniya . "Sina Ish at Pip ay wala pa."

"Baka napuyat ang mga iyon." sabi ko at napabuntong hininga. "Alas-tres na kasi nakabalik si Ish. Nalaman ko lang yun paggising ko at nabasa ko ang text ni Pip."

"What happened daw ba?" tanong naman ni Reign.

"Yun nga, hindi naman binanggit ni Pip. Malalaman nalang natin mamaya pagdating nila." tugon ko.

Maya maya ay umalis na si Reign at nagtungo sa classroom nila.

Saktong dumating na ang guro ay saka palang nakarating ang dalawa. Mukhang hindi maganda ang mood ni Pip habang si Ish naman ay nakanguso lang.

Hindi ko na sila nagawang makausap dahil nagsimula nang magturo ang teacher namin.

Natapos ang unang klase at agad namang sumunod ang sunod na subject kaya hindi ko pa nalapitan sina Pip.

Saka lang namin sila nakausap nang magbreak time. Naroon kaming pito sa circle at naguusap.

"Hoy, Ish. San kaba talaga nanggaling kagabi?" tanong agad ni Sky.

"Naku, natanong ko na yan kaninang madaling araw pa. Ayaw sabihin." inis na sabi ni Pip.

"May nangyari ba Ish?" tanong ko naman.

"May nangyari? Anong nangyari?" takang tanong naman ni Caleb na mukhang nahimasmasan na.

Napabuntong hininga naman si Ish at umiling. "H-hindi ko kasi pwedeng sabihin sa inyo guys."

"Ha? Bakit naman?" tanong ko.

"Nangako kasi ako sa kanya na wala akong pagsasabihan."

"Sino ba kasi yun?" iritableng tanong ni Pip. "Ako bro, kahit naiinis ako sayo dahil pinaghintay mo ko kagabi, hindi ko pinakita yun sayo dahil mas lamang ang pag-aalala kong may mangyari sayo doon."

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα