Chapter 29

31 3 2
                                    

"SAM! Why are you taking so long?"

Tawag sakin ni Jenri mula sa labas dahil mas pinili ko munang i-lock ang dressing room ko.

"Miss, they are waiting for you outside." naroon din si Olive at hindi alam kong bakit ako nagkakaganun.

"Wait, I need to get retouched." sabi ko kahit na kakatapos ko lang ayos ng make up artist ko.

"Oh okay, I'll get Carmen---"

"No, just stay here." pigil ko sa kanya. "You do the retouch." utos ko.

Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Simula lang nung makita ko si Pip ay hindi na mapalagay ang katawan ko.

"Uhm, I don't do make up..."

"Okay, ako nalang." sabi ko na parang maiintindihan niya naman ang sinabi ko.

Kinuha ko ang make up brush at ipinahid pahid iyon sa mukha ko ng basta basta. Wala naman iyong kulay, gusto ko lang na patagalin ang oras.

"Samarra!" galit nang sigaw ni Jenri.

Napatayo muna ako at huminga ng malalim.

"Hoo, kaya ko to!" lakas loob na sabi ko.

"Kayakoto!" pag-uulit ni Olive na nakataas pa ang isang kamao.

"Let's go." sabi ko saka nagpatiunang lumabas ng dressing room. Hindi ko na lang pinansin ang nakabusangot na mukha ni Jenri at dumeretso nalang sa studio.

"You're late." masungit na ani David.

Ngumiti lang ako ng peke. "We'll at least hindi tatlong oras gaya mo."

Umismid lang ito at kinausap ang manager.

Dumeretso na kaagad ako sa pwesto ko.

Naabutan kong may kausap na babae si Pip. Isa siguro sa mga staff niya dahil ito ang nag-aayos ng lightings at reflectors. At mukhang close sila dahil mayroong kaunting tawanan ang kwentuhan nila.

Sinadya kong tumikhim para maagaw ang pansin nila at hindi nga ako nagkamali. Napatingin sila sa akin pero nagpanggap akong may ginagawa.

Nang lingunin ko muli si Pip ay nakatingin na siya sa akin kaya nagulat ako at napaiwas ng tingin.

Mabuti nalang at nagsimula na ang derictor sa pagsasalita. Ipinaliwanag muna ng nito ang magiging theme ng photoshoot.

Habang nagpapaliwanag ang mga ito ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin kay Pip. Tila seryoso lang itong nakatingin sa director na nagsasalita.

Napansin kong naka-rolyo na ang mga  sleeve nito hanggang ilalim ng siko kaya napansin ko ang tatoo sa braso niya. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niyon dahil alibata ang nakasulat doon.

Maya maya ay bigla siyang lumingon sa akin kaya halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahilan para mabitawan ko ang hawak kong folder.

"You okay?" naunahan akong pulutin iyon ni David at inabot iyon sa akin. "Here."

"T-thanks..." pilit ngiting sabi ko at alanganing nilingon si Pip. Hindi na siya nakatingin pero parang nagsusuntukan ang mga kilay niya sa pagkakakunot ng noo niya.

"Let's start!" anunsyo ng director.

Tumayo na ako papunta sa unahan. At kataka-takang biglang naging gentle man ang David na ito dahil inalalayan niya ako papunta sa pwesto namin.

Hanggang sa sinimulan na naming magpose at sinimulan narin ni Pip na kunan kami ng litrato.

Pero pansin ko lang kay Pip. Para ayaw niyang nagkakadikit kami ni David. Panay ang utos ng director na magpose kaming halos nagyayakapan ni David pero kinukontra bigla iyon ni Pip at sinasabing pangit daw tingnan. Like what the freak! Mukha namang maganda ang ginagawa namin ni David pero parang iba iyon sa paningin niya.

"Alright, David, take Sam's hand from behind and lay that in your shoulder in front. It will look like Sam's hugging you from behind."

"Got it." sagot ni David at sinunod niya naman iyon at ginawa ko din ang pose na kailangan.

"That's right, Sam. Stay in that position and don't move."

Tumango naman ako at di na kumibo.

"Lumayo ka ng konti, Ms. Merranda. Mas maganda kung nakapatong lang ang siko mo sa gilid ng balikat ni Mr. Limaco. Parang nakaakbay ka lang ng konti."

"What the hell?" bulalas ni David at ako naman ay gustong matawa na lang.

Pero hindi ko ata napigilan dahil naisaboses ko ang tawa ko nang makita ko ang mukha ng direktor na sobra ang busangot kay Pip.

Napatingin naman sakin si Pip kaya naitikom ko ang bibig ko.

"May nakakatawa ba, Ms. Merranda?" nakataas pa ang kilay niya.

"Oh no, I'm not laughing." tanggi ko na pinilit maging seryoso kahit na natatawa ako sa loob loob ko.

Muli kaming nagpose. This time, hinayaan na ni Pip na ang direktor ang magmando sa amin. Pero halatang wala na siyang gana at panay nalang ang click ng camera.

"And that's a wrap!"

Sa wakas ay natapos din ang pangalawang photoshoot. And since ang last venue ay beach, sinuggest ko na sa Palawan nalang pumunta dahil balak ko din naman pumunta doon sana after at gusto ko rin pagbigyan si Olive na makita yun. At siyempre dahil ako nag-suggest kailangan ako ang sumagot ng accomodation fees doon.

Nang matapos ang pagiimpake namin, agad kong hinanap si Pip. Gusto ko sana siyang makausap. Feeling ko kailangan kong magpaliwanag sa lahat. Lalo na sa pagiwan ko sa kanya habang nasa hospital siya at walang malay.

Iniwan ko kay Olive lahat ng dala ko para lang mahabol si Pip. Wala na siya sa loob kaya lumabas ako.

Naabutan ko siyang pasakay na sa motor niya. Ibang motor na ito at mukhang mas triple ang halaga sa dati niyang motor.

"Pi---" kikilos na sana ako para lapitan siya nang biglang sumulpot ang babaeng staff niya.

Hindi ko marinig ang usapan nila pero parang naglalambing ang babae. Sa huli nakita kong napabuntong hininga si Pip hanggang sa sumakay na ang babae. Napayakap pa ito nang tuluyan nang paandarin ni Pip ang motor.

Napahawak ako dibdib ko nang makaramdam ako ng kaunting kirot. Matagal na panahon na pero si Pip parin ang laman ng puso ko. Siya din ang dahilan kung bakit wala akong pinagbigyang lalaki na manligaw sa akin at ibinabad na lang ang sarili sa trabaho.

Ang masaklap, mukhang huli na nga ang pagbabalik ko. Dahil mukhang nalimutan na nga ako ni Pip at nagawa niya akong palitan sa puso niya.

Hindi ko siya masisi, isang dekada akong wala sa piling niya at walang paramdam.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now