Chapter 2

43 4 1
                                    

"HOY." mahinang sigaw ni Pip. Naroon kami sa coffee shop na pinagpa-part time niya at doon ako naki-tambay. "Kanina pang nakatingin sayo ang boss ko."

Nilingon ko naman ang boss niyang lalaki at nginitian ito pero seryoso lang itong tumitig sakin.

"Nagagandahan lang siguro sakin kaya ganon." biro ko pero sumama ang mukha niya.

"20 minutes ka nang nakaupo diyan, um-order ka naman!" reklamo niya. Kunwari ay nagpupunas siya ng katabi kong table para hindi mahalata ng boss niyang kasama niya ako.

"Edi sige. Waiter!" kunwari'y malakas na tawag ko sa kanya at peke naman siyang ngumiti at lumapit sakin.

"Yes, Ma'am?"

"Can I order some water, please."

Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang inis at ako naman ay nagpipigil ng tawa.

"Anything else, Ma'am?" pinanlakihan niya ako ng mata while gritting his teeth.

Kunwari'y inosente naman akong umiling. "Oh nothing else, pakibilisan nalang please." matamis pang ngiti ko at wala naman siyang nagawa kundi ang umalis at tumungo sa loob ng counter at kumuha ng isang basong tubig.

"Here's your water, ma'am." nakangiti ngunit tiim-bagang na ani Pip pagbalik dala ang kailangan ko. Ipinatong niya iyon sa harap ko.

"Thank you, handsome." matamis na ngiting sabi ko.

Umismid muna siya bago ako iniwanan.

Ininom ko ang malamig na tubig. At nang lingonin ko ang boss niya ay salubong na ang kilay kaya naman muntikan kong maibuga ang tubig sa bibig ko. Agad akong umiwas ng tingin at inilapag ang baso saka nagkunwaring abala sa pagsusulat sa notebook.

Sa tagal kong naghintay sa kanya, naubusan ako ng gagawin dahil sa bagot. Pati ang panunood ng youtube ay nakatulogan ko na at hindi namalayan ang oras.

I groaned when I felt a hand pinched my cheek and then slightly slapped it thrice.

"Summer, gising na." napabangon ako sa tawag ni Pip sakin. Saka ko lang napagtantong madilim na.

"Anong oras na ba?" sabi kong humikab sa harap niya.

"6 pm na. Off na ko." aniya at saka ko lang napansing nakapagpalit na siya ng damit. "Tara na."

Tinulungan niya pa akong ilagay ang mga gamit ko sa bag bago kami tuluyang lumabas.

"Nagalit ba ang boss mo?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kanto sa may sakayan ng jeep.

Nagkibit-balikat naman siya at napabuntong hininga.

"Sinabi ko nalang na girlfriend kita para hayaan ka nalang niya."

"Ano?" gulat na singhal ko at natawa naman siya. Pinalo ko ang braso niya pero matigas yon kaya walang epekto. "A-anong girlfriend?"

"Ibabawas niya nalang daw sa sahod ko."

Natigilan tuloy ako sa paglalakad. "Seryoso?" naniniguro pang sabi ko. At tumango naman siya. "Bakit mo ginawa yun?" inis na sabi ko. "Mababawasan ang kita mo!"

"Okay lang yon." inakbayan niya ako. "Hindi naman kita pwedeng pabayaan na maging palaboy sa kalsada dahil lang ayaw mo pang umuwi sa inyo."

Hindi ko magawang mainis dahil nangibabaw ang pagka-touch ko sa kanya. Hindi ko siya kaibigan dahil espesyal siya sa buhay ko.

"Basta libre mo palagi meryenda ko ah?" nakangiti aniya at napatango naman ako.

Nang may may dumaan na jeep ay halos punuan iyon kaya nagmadali kaming makapasok doon.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon