Chapter 25

28 2 1
                                    

ILANG oras akong nanatiling nakatayo at natulala mula nang umalis si Pip. Inaamin ko, naawa ako kay Pip at nakaramdam ng galit sa sarili ko dahil sinaktan ko ang taong mahal ko.

Maya maya ay naisipan kong bumaba para sana kausapin si Pip.

Sinabayan naman ako ni Wendy sa pagbaba at saktong break time na pala dahil nasa labas na ang ilang mga estudyante.

"Summer!" napalingon ako sa biglang pagtawag sakin ni Sky.

Agad siyang lumapit sakin at hinihingal na napahawak sa braso ko.

"San ka ba galing kanina pa kita hinahanap."

"Bakit?" kaswal na tanong ko.

"Si Pip, nakikipagsuntukan!"

"Ano?!" gulat na sabi ko at maging si Wendy ay nagulat. "Asan siya?" agad na tanong ko.

"Dito, tara dali!" agad akong hinila ni Sky at sumunod naman si Wendy samin.

Patakbo naming pinuntahan ang kinaroroonan ni Pip. Pagkalabas namin ng building ay agad naming nakita ang nagkukumpulang mga estudyante na nanunuod at nakapalibot doon.

Agad kong hinawi ang mga nakaharang na estudyante. At ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita kong nakikipagsuntukan si Pip sa isang malaking lalaki. At dahil nga malaki ito ay lamang ito sa kanya kaya bugbog sarado ang mukha ni Pip. Andon sina Ish, Caleb at Huck para awatin ang mga ito pero tila ayaw nila pareho magpaawat lalo na si Pip na tinutulak si Ish kapag lumalapit ito sa kanya.

"Pre, ako na nakikiusap sayo. Tumigil kana. Maga na yang mukha mo oh!"

"Wag kang makialam, Ish!" sigaw ni Pip at parang tigreng tumingin sa kaaway. "Ano kapre, akala mo ba natatakot ako sayo porke malaki ka?!"

"Yabang talaga neto. Patay ka sakin ngayon!" sagot ng kaaway niya at lumusob sa kanya.

"Hoy, King tama na yan!" awat ni Caleb pero tinawanan lang siya nung malaking lalaki.

"Eh gago ka pala eh. Etong kaibigan niyo ang nagsimula at naghamon tas ako pa sasabihan niyong tumigil. Naghahanap ng sakit ng katawan ang kumag na to kaya dapat pagbigyan."

Muli silang nagpambuno at nagsuntukan kaya lumapit na ako para sana awatin sila.

"Pip! Itigil niyo na yan!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig at patuloy sa paglusob sa malaking lalaki. "Pip, ano ba!" muling sigaw ko pero hindi parin sila tumigil. Agad akong lumapit kay Sky. "Asan na ba ang security? Nireport niyo na ba ito?" tanong ko kay Sky.

"Oo pero nag-cr pa kasi ang secu. Tapos may meeting lahat ng faculty at principal sa gymnasium pero may inutusan na ako para magsumbong." mahabang paliwanag niya.

Napabuntong hininga ako. Agad ko muling nilapitan si Pip at marahas na hinawakan siya para pigilan sa paglusob muli sa kaalitan niya pero marahas niya akong hinawi kaya napasalampak ako sa sahig.

Napangiwi ako sa sakit at napabuntong hiningang napatingala kay Pip.

Saglit siyang natigilan at napalingon sa akin. Ang kaninang salubong na kilay niya ay napalitan ng pag-aalala. Pero hindi siya gumalaw at nanatili lang na nakatitig sa akin.

"Summer, ayos ka lang?" nag-aalala ang tinig ni Ish na tinulungan akong tumayo at galit na nilingon si Pip.

"Sumusobra ka naman ata, pre. Pati girlfriend mo sinasaktan mo. Ano bang nangyayari sayo?"

Blangko lang na tumingin samin si Pip.

"Ba't di siya ang tanungin mo?" aniya saka tinalikuran na kami.

"P-pip." sinubukan ko siyang habulin pero binilisan niya ang lakad niya palabas ng gate. "Pip, sandali lang."

Nagpatuloy siya hanggang sa makalapit siya sa motor niya. Mas binilisan ko naman ang takbo ko palapit sa kanya.

Bago pa man niya paandarin ang motor niya ay agad ko siyang pinigilan at hinawakan sa kamay niya.

"Mag-usap tayo." sabi ko pero sa kamay ko lang siya nakatingin. "Please."

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Aalis ka na at iiwan mo na ko di ba?" aniya pa saka hinawi ang kamay ko at mabilis na pinaharurot ang motor.

Napakagat-labi ako para pigilan ang luha ko habang tinanaw ang paglayo niya.

Pero ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang biglang lumitaw ang isang van sa daraanan niya. Mabilis niyang naiiwas ang motor pero dumeretso siya sa may poste at doon malakas na bumangga.

"Pip!!!" umiiyak na sigaw ko at patakbong pinuntahan ang kinaruroonan niya.

Nagtakbohan din ang mga taong nakasaksi doon at nilapitan din si Pip.

Nang makalapit ako ay doon ko lang malinaw nakita ang sitwasyon ni Pip. Agad kong nasapo ang bibig ko at napahagulgol nang makita siyang walang malay na nakahandusay sa semento dahil tumilapon siya pagkabangga niya sa poste.

"Pip!"

Wasak ang motor niya at halos nabali ang katawan nito sa lakas ng pagsalpok. Kahit na nakahelmet si Pip ay hindi parin ako kampanteng nakaligtas siya lalo pa't may dugong dumaloy sa pwesto niya. Sana lang ay sugat lang iyon galing.

"Pip..." tuluyan akong umiyak at gusto siyang hawakan pero sinabihan ako ng mga tao roon na wag ko siyang gagalawin.

"Tumawag kayo ng ambulansiya please!" nagmamakaawang sabi ko at agad naman sumunod ang iba sa kanila. "Pip, gumising ka please!"

Unti unting nanginig ang kamay ko at nakaramdam ng takot nang titigan ko ang dugong dumadaloy doon. Muling sumagi sa isip ko ang nangyari kay mommy kaya marahas akong napailing.

"H-hindi, hindi Pip." iiling-iling paring sabi ko at muling natakpan ang bibig. "Hindi ka mamamatay Pip di ba?"

Pero nanatiling walang malay si Pip kaya naman napahagulgol ako ng tuluyan.

"Sorry, Pip. Sorry na. Wag kong iwan please!!!"

"Summer!"

Napalingon ako at nakita ko ang pagdating nina Sky, Ish, Caleb, Reign , Huck at Wendy.

"Pip!" sabay sabay nilang anas nang makita si Pip.

"Anong nangyari?!" nag-aalalang sabi ni Ish.

Agad akong nilapitan ni Sky na naluha narin pagkakita sakin. "Bes..."

Tuluyan akong naiyak at bigla nalang napayakap sa kanya.

"Kasalanan ko to, Sky..."

"Shh. Wag mong sisihin ang sarili mo, Bes. Hindi mo ginusto kung bakit nangyari to."

Umiling ako. "Sinaktan ko siya kaya nangyari to sa kanya..."

Walang nagawa si Sky kundi ang haplosin ang likod ko para kumalma ako pero mas lalo lang akong napahagulgol.

Natatakot akong baka mawala rin sakin si Pip katulad ni Mommy. Parang nagkaroon na ko ng trauma pagkatapos niyon.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now