Chapter 8

41 3 1
                                    

NANG makabalik si Pip ay basa na ang buhok niya na kinukuskos ng tuwalya. Naka-jersy sando siya at short.

"Halika na sa baba. May dala akong meryenda. Favorite mo." aniya at hiningi ang kamay ko.

Excited naman akong bumaba ng kama at inabot ang kamay niya.

Hinila niya ako hanggang sa makatayo ako.

"Wait lang." sabi ko saka kinuha ang suklay sa mesa niya. "Hindi ka man lang nagsusuklay."

Lumapit ako sa kanya at patingkayad na inabot ang ulo niya para suklayan. Ang tangkad niya kaya nahirapan ako.

Bahagya man siyang nagulat pero kalaunan ay yumuko para hindi ako mahirapan. Naramdaman ko ang magaang paghawak niya sa beywang ko at nakatitig lang sakin.

"Yan, pogi mo na." nakangising sabi ko at tumingin sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang paningin niyang nasa labi ko na at sinuklayan din ang sariling nagulo ang buhok dahil natulog ako kanina.

"Hoy, tara na." pagtapik ko sa braso niya saka nagpatiunang bumaba ng hagdan.

"Ate, may dalang kwek-kwek at kikiam si kuya!" kahit na sa ganoong bagay ay masaya na si Philo kaya natutuwa ako sa pamilya nila. Napakasaya nila kahit na simple lang ang buhay nila.

Minsan ay hiniling ko na ganoon nalang ang pamilya namin kahit hindi mayaman basta kompleto at nagkakaintindihan.

"Wow, paborito ko ang mga iyan!" tuwang sabi ko.

"Uy, Philo, baka inubusan mo na si ate  Summer mo ha." nakababa narin si Pip. Agad niya akong kinuhaan ng parte ko saka ibinigay iyon sakin.

"Thank you." matamis na ngiting sabi ko sa kanya at kagat labi naman siyang nakangiti habang kumukuha ng kanya.

"Si tita Helen?" tanong ko habang nakaupo sa sala nila at kumakain ng kwek-kwek. Hmm ang sarap talaga!

Tumabi sakin si Pip. "Kasama ni tatay, namalengke sila."

"Ah." sabi ko. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko iyon at tiningnan.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni mommy.

Mommy
- wag ka munang umuwi anak. Naglalasing ang tito mo sa sala.

Napabuntong hininga akong ibinalik iyon sa bulsa ko.

Napansin agad ni Pip. "May problema ba?"

Napatingin ako sa kanya. "Pwede ba kong makitulog dito."

Saglit niya akong tinitigan at ngumiti. "Oo naman. Sasabihin ko rin kina nanay at tatay."

Ganoon si Pip hindi niya ugaling magtanong ng magtanong sa akin. Lalo na ng mga bagay na kumplekado. Kasi alam niyang kusa akong nagkukwento sa kanya.

Sa ngayon hindi pa ako ready na masabi sa kanya ang totoong nangyayari sa bahay.

Di nagtagal ay dumating ang mga magulang niya. May mga dala itong dalawang supot ng mga pinamili nila.

"Nay, dito daw po muna si Summer hanggang bukas. Di pa siya pwedeng umuwi."

Katulad ni Pip ay hindi na nagtanong pa ang nanay niya kung bakit.

"Oo naman, ija. Walang problema. Basta i-text mo ang mommy mo na andito ka samin ha."

"O-opo, tita." sabi ko at kinuha ang cellphone para i-text si mommy. Ang totoo ay ngayon lang uli ako nag-text kay mommy. Noon ay baliwala ang text niya sakin at kelanman ay hindi ko siya nireplyan sa mga text messages niya, ngayon lang. Dahil hindi ko kayang ipakita sa pamilya ni Pip na masama akong anak. Bawas points yun, eme.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now