Chapter 11

41 4 1
                                    

"OKAY guys, for your assignment, choose your ideal management theory and explain why it is effective management theory in business. Write it on A4 bond paper." anunsyo ni sir Ablaza, guro sa ORMA, bago umalis. "That's all, class dismissed!"

Nang makalabas ang teacher ay tumayo ang aming class president.

"Guys, this is mandatory. Every day after the class. Kailangan natin magpractice para sa P.E.. But for now, magmeeting nalang muna tayo dito about sa performance natin."

"May suggestions ba kayo sa music na gagamitin natin sa sayaw?"

"Ikaw na bahala, Hilton. Basta maganda." sabi ni Ish at sumang-ayon naman ang iba naming kaklase.

"Okay. Tungkol naman sa damit. Kayo na ang bahala sa design basta pare-pareho tayo ng kulay. Vice President, any suggestion?"

"For men, black Tuxedo, black tie w/vest or cumberbund. Dark suit or sport coat with tie is acceptable. For girls, ballroom gowns, long dresses or cocktail dresses na wine red ang kulay."

"That's it guys, paki-ready na lang ng mga susuotin para wala na tayong problema. Para sa sayaw nalang tayo magfocus. At ngayon palang, mamili na po tayo ng partners natin para start na tayo ng practice bukas."

"Hilton, ikaw na partner ko ah?" sabi ng bise-presidente.

"Sure, Rowena. Oh kayo maghanap na kayo ng partner niyo!"

Nagsitayuan ang mga kaklase namin para tanungin ang bawat isa na maging partner nila.

Ako naman ay nag-aalala dahil baka hindi ko makapartner ang gusto ko.

"Uy Sky, partner tayo!" sigaw ni Caleb at inirapan lang siya ni Sky.

"Ayuko nga! Kay Pip nalang ako."

Nanlaki ang mata ko at napatayo. "Hoy akin lang si Pip!!!" napalakas yata ang sigaw ko na dapat si Sky lang ang nakakarinig.

"Yieeeeeeee!!!!!!!!!"

Hiyang hiya naman akong bumalik sa pagkakaupo.

"Edi sayo na, hindi ko naman siya aagawin sayo!" natatawang pang-aasar ni Sky at sinamaan ko agad siya ng tingin.

"I mean sa sayaw!" depensa ko.

"Wag kang mag-aalala..." Natigilan ako nang nakalapit na pala si Pip sakin at dumungaw sa mukha ko mula sa likuran ko. "Sayo lang ako." katamis pa ng ngiti niya kaya naman naghiyawan ang mga kaklase namin at inasar kami.

Napapikit ako nang mariin at napanguso sa hiya.

Hindi tuloy ako makatingin kay Pip na sinasakyan ang pambubuyo ng mga kaklase namin.

"Guys pwede na tayong umuwi." sabi ni Hilton kaya nakahinga ako ng maluwag nang magsi-alisan na ang mga classmates namin.

Tumayo narin ako nang lumayo na sakin si Pip.

Kahit sa paglalakad namin palabas ng gate ay hindi ako makalingon kay Pip na nasa likuran ko dahil naiilang na ko.

"Uy, san ka pupunta?" tawag niya sakin nang dumeretso ako ng lakad sa kalsada. "Andito ang motor ko."

"W-wag na. D-di na muna ako sasama sa work mo. Uuwi na ko." sabi kong hindi siya nilingon.

"Wala akong work gantong oras." aniyang nakalapit na pala sakin.

Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"H-huh? Di ba sa coffee shop ang trabaho mo pag gantong oras?"

Umiling naman siya. "Nagresign na ako don. Pati sa jabilee. Yung Angkas nalang at sa school yung trabaho ko. Tutal may trabaho na ulit si tatay. Makakapagfocus na ako sa pag-aaral ko."

"Ahh." nasabi ko nalang.

"Tara." nagulat ako nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin at hinila ako palakad palapit sa motor niya.

Bumitaw lang siya nung sumakay siya sa motor niya. Umangkas narin ako at tinanggap ang inabot niyang helmet.

Ngayon, nagdadalawang isip na akong yumakap sa kanya.

Nang i-start niya ang motor ay takang lumingon siya sakin. Maya maya ay kinuha niya ang mga kamay ko at iniyakap iyon sa kanya.

"Di bale nang sakin ka mahulog, wag lang sa motor ko." he said chuckling.

Nakagat ko na lang labi ko sa hindi maipaliwanag na ngiti.

Ilang sandali lang ay nasa biyahe na kami. I coudn't get rid of my smile no matter what I do.

Maya maya ay nakarating na kami sa tapat ng bahay.

"Sunduin ulit kita bukas." hindi iyon patanong at pakiusap. Iyon bang wala akong choice.

Bahagya akong ngumiti at tumango.

"Ingat pauwi."

"Bye." aniya saka nagsimulang pinaandar ang motor niya palayo.

Nang makapasok sa gate ay naabutan ko si mommy sa garden at nagdidilig ng halaman.

"Andito na po ako." paalam ko.

Nakangiti namang lumingon si mommy sakin.

"Sige anak, magpahinga ka na sa kwarto mo. May cake akong ginawa sayo. Nasa ref, bumaba ka nalang pagkakain ka."

"Okay po." sabi ko at pumasok na sa bahay.

Nang makapagbihis ay bumaba na ako para kumain ng cake.

Pero naunahan na akong magprepare non ni mommy sa mesa.

"Come on, anak. Join me." nakangiting ani mommy habang pinaghila ako ng upuan.

Bahagya akong ngumiti sa kanya kaya naman mas lalo siyang ngumiti nang makita iyon.

"Here, your favorite flavor of cake." aniya pa saka inilapit sakin ang slice ng cake. "Kain na, anak."

Tumango ako at sinimulang kainin iyon.

"Kain din po kayo." sabi ko nang mapansing pinapanood niya akong kumain.

Nakangiti naman siyang tumango at kinain ang kanyang cake.

"Next week is your birthday, what gift do you want to have."

Napatingin ako sa kanya. Kung hindi niya sinabi iyon ay hindi ko maaalala.

Napabuntong hininga ako.

"Wag na po kayong mag-abala sa birthday ko mommy."

"No, anak. It's your birthday. I'm sure may gusto kang bilhin or something."

"G-gusto kong makita si daddy."

Natigilan siya at nawala ang ngiti nang sabihin ko iyon.

"S-summer..."

Naging malalim ang buntong hininga ko. Sa tono kasi niya ay parang imposible ang hinihiling ko. Ininom ko ang tubig na nasa harapan ko.

"Just forget it." sabi ko saka tumayo. "Balik na po ako sa kwarto."

Naglakad na ako paakyat at hindi ko naman siya narinig na tumawag o humabol sa akin.

Hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit hindi niya gustong magkita kami ni daddy.

Bakit kasi hindi niya nalang sabihin sakin ang totoo. Malaki na ako at alam kong may karapatan akong malaman ang totoo.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon