Chapter 17

31 3 1
                                    

"SAMARRA?" 

Napalingon ako kay Pip. Unti-unting nawala ang kaba at takot sa katawan ko nang makita ko siya. Aligaga akong tumingin sa paligid ko. Hindi ko na mahagilap ang taong grasa.

"P-Pip." nasabi ko nalang nang taka siyang lapitan ako.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ako makasagot. "Teka, bakit pawis na pawis ka? Nilakad mo lang ba hanggang dito?"

Agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang pawis ko sa mukha at leeg. "H-hindi, nagtricycle ako." sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. "Tara na sa loob." sabi ko pa.

Nagtataka man ay wala siyang nagawa kundi ang alalayan ako papasok sa bahay nila.

"Hi, ate Summer!" masayang salubong sakin ni Philo.

"Hi, Philo, kumusta?" bati ko sa kanya.

"Okay lang po, ate." sagot niya at napangiti naman ako. 

"Good afternoon po, tita Helen." bati ko naman kay tita Helen na abala sa pagluluto sa kusina. 

"Mas maganda ka pa sa hapon, ija." biro niya. "Pasensya kana, busy ako sa pagluluto ng kaunting handa ni Pip. Disi-otso na siya kaya hinandaan ko talaga dahil babae lang siya ay debu niya sana ngayon."

"Tulungan na po kita, tita." 

"Ano ka ba, ija. Bisita ka dito. Ako na lang ang bahala dito. Kaya ko na to. Salamat."

"Oo nga, dito nalang tayo." sabi ni Pip at hinila ako paakyat sa kwarto niya. "Asan na regalo mo sakin?" inilahad niya pa ang kamay niya sa harap ko habang nakangisi. Nakaupo siya sa kama niya at ako naman ay nakatayo lang sa harapan niya.

Napanguso akong umiling.

"Anong..." hindi siya makapaniwala. "Wala kang gift sakin?"

"Wala eh." sabi ko.

Napailing siya. Kinuha niya ang kamay ko. "Halika ka nga rito." nagulat ako nang hilahin niya ako hanggang sa mapaupo ako sa kandungan niya. Pinanlakihan ko siya ng mata pero disappointed lang na itsura ang makikita sa mukha niya. "Wala ka talagang regalo?" pangungumpirma pa niya.

Tango lang ang sinagot ko at pinigilang matawa sa itsura niya. 

Napabuntong hininga naman ako. "Hindi naman kasi materyal na bagay ang ireregalo ko sayo eh." sabi ko pa at nagliwanag naman ang mukha niya.

"Eh ano?" excited na tanong niya.

"Eto..." sabi ko at inilapit ang mukha sa kanya. Hinalikan ko siya. Bahagyang siyang nagulat sa ginawa ko. Pero sa halip na pigilan ako ay tinugon niya ang halik ko at pinalalim pa iyon.

Habol ang hininga ko nang pakawalan namin ang isa't isa. 

"Teka..." sabi niyang hinihingal pa. Hinawakan niya ang mukha ko. "Hinalikan mo ko. Ibig sabihin..."

Matamis akong napangiti. "Oo." sabi ko at lumapad ang ngiti niya. 

"Oo?"

"Oo, Pip. Sinasagot na kita." pag-amin ko at nakita ko ang tuwa sa mukha niya.

"Girlfriend na kita?" pagkompirma pa niya. At tumango naman ako. "Yes!" bulalas niya at niyakap ako. "Thank you, Samarra. Babe." bulong pa niya at namula ang pisngi ko nang marinig ang unang endearment niya sakin.

Tinugon ko ang mahigpit na yakap niya.

Niyaya niya akong bumaba at ipinaalam sa pamilya niyang mag-on na kami.

"Hala, hindi pa pala kayo?" parang gulat na sabi ng mama ni Pip. Tuloy ay nahiya ako.

"Haha parang kayo narin naman noon pa." dagdag naman ng papa niya.

"Yieee!" tudyo naman ni Philo. Nailapat ko nalang ang mga labi ko sa hiya. Habang si Pip ay napakamot sa batok habang na awkward na ngumiti sakin.

Maya maya ay nagprepare na ang mommy ni Pip ng kanyang handa sa mesa. Hindi nila nakalimutan mamahagi sa kapit bahay nila. Ang papa naman ni Pip ay may kainuman sa labas at ginawang pulutan ang mga potaheng handa ni Pip.

Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ng pamilya ni Pip ay niyaya niya akong mamasyal. Iyon ang una naming date as magkasintahan.

Doon kami pumunta sa park na may mga lantern at christmas lights. Dahil magpapasko na ay sobrang liwanag at kumukuti-kutitap ang park na iyon.

Dumaan pa kami sa parang tunnel na christmas lights.

"Picturan kita, babe." sabi niya at tinuro ang gitna ng tunnel of lights.

Nahihiya man ay sumunod ako sa gusto niya. Nag-post ako doon at siya naman ay kinukunan ako ng picture sa cellphone niya.

"Tayo naman." sabi ko na umakbay sa kanya at nagselfie sa phone ko. Ilang pose ang ginawa namin at nagulat nalang ako nang halikan niya ako sa pisngi habang nagse-selfie. Namula tuloy ang pisngi ko dahil maraming dumadaan doon.

Pagkapasok namin mula sa tunnel ay tumambad samin ang iba't iba pang uri ng christmas lights at lantern. May mga santa claus din na iba't iba ang size na nakadisplay sa tabi ng mga maliliit na puno na kahugis ng christmas tree.

May mga benches din doon na maganda ang design. Kinuha ko ang kamay ni Pip at hinila siya palapit doon.

"Upo tayo." sabi ko.

"Pagod ka na ba? Gusto mo ng drinks?" aniya at tumango naman ako.

"Sige, diyan ka muna. Bibili lang ako doon." turo niya sa may stall sa di kalayuan.

"Samahan nalang kaya kita."

"Hindi na, kita naman kita dito mula doon."

"Okay." sabi ko nalang at ngumiti siya bago ako iniwan.

Maya maya ay biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko na nakangiti.

"Hi." bati niya at pilit naman akong ngumiti.

"Uh sorry, I have a boyfriend." pangunguna ko sa kanya dahil wala naman akong maisip na pakay niya sakin.

Agad siyang natawa kaya nagtaas ang kilay ko.

"Ah no, it's not like that. I'm gay, darling."

Nagulat ako at nakaramdam ng pagkapahiya pero hindi ko pinahalata.

"S-sorry, I thought..." nasabi ko nalang at umiling naman siya. May kinuha siya sa wallet niya.

"Are you a model?" tanong niya at agad naman akong umiling.

"No, bakit?"

"You're so pretty, darling. And I saw you kanina, ang ganda ng posing mo. I like you."

"Oh thank you." tugon ko sa papuri niya. "I'm still a student."

"Kung ako sayo, ngayon palang magjoin kana sa company namin. You have so much potential, ija!" sabi pa niya at di ko naman alam kung nagsasabi siya ng totoo.

"Here's my calling card." inabot niya ang card niya sakin. Binasa ko naman iyon at masasabi kong legit ang company nila dahil pamilyar sakin iyon at nababasa ko na sa mga magazines na binibili ko. "By the way, I'm Edizon. I'm a scout and a team manager in our company. Call me anytime if you want to join my team,okay? Thanks, Bye."

Hindi naman ako nakapagsalita at sinundan nalang siya ng tingin palayo.

"Sino yon?" napalingon kaagad ako kay Pip at gusto kong matawa sa pagkasalubong ng kilay niya.

"Talent scout. Bakla daw siya." 

Umupo siya at inabot ang isang drinks sakin at may kasama pang snack.

"Sigurado ka naman? Mamaya scammer pala yun."

"Eto oh." pinakita ko ang card sa kanya. "Nakita ko na ang company na to. Pamilyar siya sakin. Search ko na lang mamaya."

"Kinukuha kang model?" tanong niya at tumango naman ako.

"I-try ko kaya? What do you think?"

Isinubo niya muna sakin ang hawak niyang burger bago kumagat ng kanya. "Dream mo yan kaya sige lang. I'm here to support you, babe." malambing na aniya at napangiti naman akong napayakap sa kanya.



Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now