Chapter 20

27 2 1
                                    

TRIGGER WARNING: DEATH

MOMMY!!!

Nagising ako matapos ang panaginip na iyon. Sobrang tindi ng paghinga ko dahil tila totoong nangyari yon.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Akala ko totoo...

Pero natigilan ako nang makitang wala ako sa kwarto ko. Nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw ang unang nakita ko.

Hospital? Nasabi ko na lang sa isip ko nang makita ang kabuuan ng kinaroroon ko.

Natigilan din ako nang makita ko si Pip na nakaupo sa silya sa tabi ko at mukhang nakatulog.

"P-pip.." paggising ko sa kanya.

Agad siyang nagising at dahan dahang inangat ang paningin sakin.

"Babe..." agad siyang tumayo at lumapit sakin. "Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?"

Kunot noo naman akong napatingin sa kanya.

"Bakit, ano bang nangyari sakin? Ba't nandito ako?"

Saglit siyang natigilan. "K-kasi t-tinawagan mo ko kagabi...t-tapos..." tila hindi niya maituloy ang sasabihin. "B-babe, h-hindi mo ba maalala ang n-nangyari kagabi?" saglit akong natigilan nang makita kong naluluha ang mga mata niya. Kinuha niya ang mga kamay ko at nanginginig na hinaplos iyon. "A-ang mommy mo..."

Saglit kong inalala ang nga nangyari. Naalala kong tinawagan ko siya kagabi pero bakit?

"O-Oo, tinawagan kita kagabi kasi si... M-mommy..." natigilan ako at nagkasalubong ang mga mata namin. Humigpit ang hawak niya doon kaya napatingin ako sa kanya.

"P-pero di ko matandaan..." sabi ko at iiling-iling. "Ang sama nga ng panaginip ko eh. May nangyari daw masama sa kanya dahil kay Rico. Akala ko totoo, buti nagising agad ako." pilit ngiti pang sabi ko.

Pero hindi nagbago ang expressions niya.

"B-babe..." biglang tumulo ang luha niya. Bigla niya rin akong niyakap kaya nagtaka ako.

"B-bakit ka ba umiiyak, babe? May nangyari ba?"

"A-ang Mommy mo..." hindi niya talaga kayang ituloy ang sasabihin niya kaya humiwalay ako sa kanya.

"Oo nga si Mommy, kailangan ko nang umuwi kasi bigla akong nag-alala kay Mommy. Tara na, babe. Uwi na tayo. Kailangan kong makita si Mommy."

"A-Andito ang Mommy mo." utal na sabi niya kaya naman kumunot muli ang noo ko.

"Ha? So andito pala ang mommy? San siya pumunta?" tanong ko pero napayuko siya at itinago ang pag-iyak niya. "A-ano bang nangyayari sayo, babe? Tara na nga, hanapin natin si Mommy." agad akong bumaba sa kama at hinawi ang kurtina.

Agad naman siyang humabol sakin habang ako ay abala sa paghahanap kay mommy.

"B-babe..." hinawakan niya ako para pigilan sa paglakad.

"Asan ba si Mommy? Wait lang tatawagan ko. Teka asan ba cellphone ko?"

May kinuha siya sa bulsa niya at iniabot iyon sakin. Cellphone ko.

"Thank you." nakangiti kong sabi saka idinial ang number ni Mommy. Pero hindi siya sumasagot. "Ba't di siya sumasagot?"

Muli akong hinawakan ni Pip. "B-babe..." umiling siya ng umiling.

Nagsalubong na ang kilay ko sa inis dahil hindi ko siya maintindihan.

"Pip, ano ba talagang nangyayari? Bakit ganyan itsura mo? Ba't ka umiiyak? Asan ba ang mommy? Sabi mo nandito siya!"

"N-nasa..." napalunok siya. "morgue..."

"M-morgue? Anong ginagawa niya don?" takang tanong ko.

Hindi siya nakasagot. Kaya naman mabilis ko siyang iniwan at hinanap ang morgue.

"Babe!" tawag sakin ni Pip nang mamalayang iniwan ko siya doon. Hinabol niya ako pero patuloy lang ako sa pagtunton kung asan ang morgue.

"Uhm, sir asan po ang morgue?" tanong ko sa nakasalubong kong nurse doon.

"Doon po sa dulo..." itinuro niya pa ang pasilyo.

"Salamat po." sabi ko saka patakbong pinuntahan ang morgue.

"Babe, sandali lang!" pigil ni Pip nang maabutan niya ako at makarating kami sa kwarto ng morgue.

Hindi ko siya pinansin at bubuksan na sana ang kwarto nang bigla itong bumukas ng kusa at iniluwa ang tatlong tao.

"S-Summer..." halos sabay na bulalas ng mga magulang ni Pip.

Taka naman akong napatingin sa kanila.

"Andito rin pala kayo?" tanong ko saka pilit sumilip sa kwarto ng morgue. "Teka asan po si Mommy?"

"I-ija..." katulad rin ni Pip ay hindi nila ako masagot kung asan si mommy kaya naghalo ang inis at pagtataka ko sa kanila.

"Andito daw siya sabi ni Pip." sabi ko saka akmang papasok sa kwarto. "Mommy?" sabay tawag ko pa pero bigla akong hinarangan ng empleyado ng hospital.

"Sorry po miss, hindi kayo pwedeng pumasok ng basta basta dito."

"Sir, siya po ang anak..." sagot ng tatay ni Pip. Hindi ko sila maintindihan. Lalo na nung pinayagan na akong pumasok sa morgue.

"Mom?" tawag ko pagkapasok ko. Pero nagtaka akong di makita si Mommy sa may kaliitang sulok na iyon. "Asan si Mommy? Akala ko ba andito siya?" inis na talagang sabi ko sa kanila. Taka pa akong itinuro ang isang walang buhay na tao na natatakpan ng kumot ang buong katawan. "At sino---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang pakatitigan ko ang taong nakaratay sa tabi.

Biglang sumagi ang lahat ng pangyayari sa isip ko. Iyong panaginip ko...

Umiling ako. "H-hindi..." pilit ngiting sabi ko sa kanila habang sila ay walang nagawa kundi yumuko. "H-hindi totoo ang iniisip ko diba? H-hindi si m-mommy to diba?"

Rinig na rinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Pip. Na naging dahilan para makumbinse akong si Mommy iyon.

Nanginginig ang mga kamay kong lumapit sa patay na nakatahob ng tela.

Habang inilalapit ko ang aking kamay upang hawiin ang tela pababa para makita ang mukha ng bangkay, ay hinihiling kong hindi mukha ni Mommy ang makikita ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Pip sakin pero hindi ako natinag at itinuloy ang paghawi ng tela.

Nang tuluyan nang makita ang mukha ng bangkay ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Natulala ako at tila nawala ang lakas ng katawan ko.

"B-babe!" tawag sakin ni Pip nang saluhin niya ako sa pagkahina ng mga tuhod ko.

Muli niya akong itinayo kaya muli kong nakita ang mukha ng kaawa-awa kong mommy.

May mga bakas pa ng pasa at sugat ang mukha niya. Muli kong inalala ang mga pangyayari. Hindi iyon panaginip.

Matapos kong makita ang duguan at walang malay na si Mommy ay tinawagan ko si Pip at humingi ng tulong na dalhin namin si mommy sa ospital.

Pero nang dumating si Pip ay nawalan naman ako ng malay.

"S-sana panaginip nalang to..." nagsimulang nangilid ang mga mata ko sa luha. Lumapit muli ako kay mommy. Nanginginig paring hinaplos ko ang pisngi niya. "Mommy, hindi to totoo di ba? Jino-joke mo lang ako di ba?" pilit pa kong ngumiti kahit na bumuhos na ang luha ko ng tuluyan. "Gising ka na, mommy. Wag mo kong iiwan, please. Ikaw nalang ang natitira sa buhay ko."

Nang wala akong makuhang sagot kay mommy ay bigla akong napahagulgol ng iyak kaya agad akong niyakap ng mahigpit ni Pip na umiiyak narin.

"Mommy!!!" umiiyak na tawag ko sa kanya habang inaalog ang katawan niya na para bang may milagro at gigising siya. "Mommy, please, gumising ka!!! Wag mo kong iiwan please!!! Mommy!!!"

Muling nagdilim ang paningin ko at di ko na alam ang sumunod na nangyari.

To be continued...

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now