Chapter 34

26 2 0
                                    

Philipp Fin Alfonzo

LIMANG taon ang lumipas, hindi siya bumalik.

Hindi totoo ang sinabi niyang babalik siya kaya naman noong makagraduate ako ng college, sinubukan kong buksan ang puso ko sa ibang babae.

Pero hindi rin iyon nagtagal dahil hinahanap ko parin ang pagkatao ni Samarra sa babaeng nakarelasyon ko.

Kaya noong nakipaghiwalay ako sa babaeng iyon ay hindi na muli ako naghanap pa ng iba.

Naghintay ako at ang naging panata kong iyon ay nakasulat pa sa braso ko.  Patunay ang tattoong yon sa paghihintay ko sa kanya.

Lumipas muli ang ilang taon. Tulad ng tattoo ko, hindi parin nabubura ang pag-asang babalik siya para sakin balang-araw.

Nagkaroon ako ng sarili kong firm at team. Naging kilala narin ang team namin sa buong pilipinas sa larangan ng photography.

"Boss, bigatin tong sunod na project!" balita sakin ni Frank, assistant ko.

Excited siyang inabot sakin ang folder ng bago naming trabaho.

"Sikat na modelo sa America ang kukunan natin. Collaboration nila ito ni David Limaco, yung sikat na actor dito sa Pilipinas! Jackpot to!"

Kumpara sa kanya, kalmado ko lang na tiningnan ang folder sa harap ko. Hindi naman kasi mahalaga sakin kung malaki o maliit ang project. Basta hindi kami nawawalan ng raket.

Pero natigilan nalang ako pagkakita ko sa modelong nakapaskil sa folder.

Samarra Merranda

"Pilipina nga pala yang modelong yan. Doon na siya sumikat sa Amerika bilang modelo. In-demand siya doon kaya naman ang laki rin ng presyo niya!"

Nagsasalita si Frank pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil nakatuon ang paningin at isip ko sa litrato ng babaeng matagal ko nang hinihintay.

Pero bakit sa halip na maexcite ako ay inis ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil alam kong hindi siya bumalik para sakin kundi dahil lang sa trabaho.

Sabik na sabik akong makita siya ulit pero tiniis ko yon at ayukong magmukhang ako yung disperado siyang makita.

Gusto kong siya ang humanap sakin, ang lumapit sakin at magpaliwanag. Dahil unang-una, siya ang nang-iwan sakin.

"Ikaw ang kumuha ng litrato, Frank." sabi ko at nagulat naman siya.

"Boss, bigatin to. Mga bigating tao ang kukunan ng litrato."

"Bakit, ayaw mo?" hamon ko at napalunok naman siya, kilala ko siya, itong mga gantong pagkakataon ang gusto niya.

"S-siyempre naman gusto ko! Alam mo namang pangarap ko din maging tulad mo eh."

"Yun naman pala. Sabihan mo na si Jane na asikasuhin ang lahat."

"Sige, boss."

At iyon na nga ang ginawa ko. Sa halip na ako ay si Frank ang pinadala kong photographer.

Pero nananadya yata talaga ang tadhana. Sa unang pictorial lamang nakapagpicture si Frank dahil bigla siyang nagkatrangkaso.

Wala akong nagawa kundi ang pumalit sa kanya.

Nung muli kaming magkita ni Samarra ay siyempre, nagulat siya. At akala ko ay di na ako magugulat pagnakita siya pero natigilan parin ako at napanganga sa taglay niyang ganda ngayon.

Oo, noon pa man ay maganda na siya pero kakaiba ang ganda niya ngayong mature na kami.

At gaya nga ng plano, nagmatigas ako at nagpanggap lang na hindi na siya kilala.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora