Chapter 15

27 2 1
                                    

"R-RICO..."

Agad na nilapitan ni mommy si Rico.

"Anong meron at maraming tao dito?" salubong ang kilay na sabi ng lalaki.

"It's Summer's birthday, nakalimutan mo na ba?" paliwanag naman ni mommy. "Kasama niya ngayon ang mga kaklase niya to celebrate.

"At hindi mo man lang ako sinabihan?" pigil ang galit na sabi nito kaya nainis ako.

"I-I thought your know..." nahihiyang sabi ni mommy.

"Kahit naman alam ko. Noon hindi naman nagce-celebrate ang anak mong yan hindi ba. Parte ng pagre-rebelde niya."

Nagtagis ang bagang ko at masamang tumingin sa kanya pero hindi niya ata nakikita yun dahil medyo madilim ang kinatatayuan ko.

"Come on, hon. Hayaan nalang nating magcelebrate ngayon ang mga bata. Tayo na sa loob, may mga niluto ako." hinawakan ni mommy ang braso ng lalaki at pinipilit itong inaakay papasok sa loob.

"Wag mong sabihing nagpakapagod ka kanina? I told you wag kang magpapagod dahil makakasama sa pinagbubuntis mo! Nananadya ka ba!" sigaw ni Rico kay mommy na may kasama pang amba.

"Ayaw mong mapagod ang mommy ko pero gusto mong sinasaktan siya?" galit na paglapit ko sa kanila.

Nakita kong nanlisik ang mata ni Rico pero hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya.

"Summer!" pigil ni mommy sakin na umiiling. "Go to your friends, ako nang bahala sa tito Rico mo." aniya saka nakikiusap sa lalaki habang pilit na hinihila ito.

Nagtagumpay man siya pero sakin parin nakatingin ang lalaki habang naglalakad papasok.

"Pagsabihan mo yang anak mo, Sarina! Napakabastos!" narinig ko pang galit na sabi ng lalaki.

"O-oo, hon. Bukas pagsasabihan ko. Hayaan mo nalang muna siya ngayon, please."

Napabuntong hininga akong bumalik sa pwesto namin.

"Sorry guys, nakita at narinig niyo pa iyon." paumanhin ko.

"Okay lang iyon, Sum. Mag-enjoy nalang tayo ngayon." sabi ni Sky.

Agad akong inakbayan ni Pip. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at pilit ngiti naman akong tumango.

"Sanay naman ako sa ugali niya."

"Tara na, inuman na guys." sabi ni Ish saka hinawakan ang bote ng alak at itinaas iyon.

Isa-isa naming kinuha ang inumin namin kasama na si Reign na juice ang hawak.

"Cheers!!!" sabay sabay na sabi namin bago ininom ang sariling mga inumin.

"Happy birthday, Summer." bati ni Reign kasabay si Huck.

"Happy birthday, Sum!" si Sky.

"Happy kaarawan, Summer!" si Ish.

"Happy birthday, beautiful." bati naman ni Pip na kumindat pa.

"Thank you guys!" masayang sabi ko.

Ilang oras kaming nagkwentuhan at nag-inuman. Tahimik sa paligid kaya mga boses lang namin ang tanging naririnig.

"O Huck, inom pa! Ang hina mo naman." sabi ni Ish na namula na sa dami ng nainom pero mukhang hindi siya madaling malasing.

"I can't drink that much. Ihahatid ko pa si Reign." sagot naman ni Huck na sinulyapan pa si Reign.

"Oo nga pala." kamot sa ulong sabi ni Ish. "Teka, kayo na ba?"

Natigilan naman si Huck at Reign. Nahiya bigla si Reign dahil nasa kanila ang mga paningin namin.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now