Chapter 19

25 2 1
                                    

Trigger warning: DEATH

IT'S been a month and all is well. Hindi na ako yong babaeng palaging emo lalo na pagdating sa bahay.

Siguro dahil una, palagi akong pinasasaya ni Pip. Pangalawa, maayos na maayos na kami ni mommy, at although inis parin ako kay Rico ay hindi na niya sinasaktan si mommy at dahil siguro iyon sa pagbubuntis ni mommy at ngayon nga ay halata na ang paglobo ng kanyang tiyan. At pangatlo, I'm now stepping to my dream which is modeling at unti-unti ko iyong mararating.

"One more time, do the same pose but with different facial expression, please." anang photographer habang kinukuhanan ako ng litrato.

Naroon kasi ako sa company ng POSE modeling management at naggo-go see or audition sa agency nila. Since wala pa akong porfolio na maipakita sa kanila ay hiniling nila na kuhanan ako ng litrato on-the-spot.

After that, they interviewed me about my life and experiences but since it's my first time and still a student, they suggested me to join to be their trainees and I accepted it right away.

"Kumusta ang audition?" tanong agad ni Pip pagkatapos akong halikan sa pisngi nang sunduin niya ako nung pauwi na ako. Galing pa siya sa trabaho niya.

Napangiti naman ako at napayakap sa kanya. "Magti-traning na kami next week, I'm so excited!" masayang balita ko sa kanya.

"Yown! Galingan mo ah." aniyang napatitig pa sakin habang hinahawi ang mga nagkalat na buhok sa mukha ko.

Dumaan muna kami sa isang kainan dahil napagod at nagutom kami sa kanya kanya naming lakad.

"Grabe, pasko na agad next week noh?" sabi ko habang hinihintay namin ang order namin.

"Oo nga. San kayo magce-celebrate?" tanong naman niya.

"I don't know. Baka sa bahay lang ulit. Saka kahit naman mag-ayang lumabas yung Rico na yun ay hindi ako sasama."

"Gusto mo ba date tayo sa pasko?"

Napangiti naman ako sa tanong niya at tumango agad.

"Pero baka may lakad din kayo ng family niyo. Mas importante yun."

"Edi isasama parin kita. Importante karin sakin no." malambing pang sabi niya at kinilig naman ako.

Maya maya ay dumating na ang in-order naming pagkain. Agad naming sinimulang kumain.

"Bakasyon narin natin in two days. Ang bilis talaga ng araw!" sabi ko.

"Mas marami narin akong araw makakapagtrabaho." nakangisi naman niyang sabi.

"Ako naman, magiging busy na sa training ko yiee!"

Mabilis na lumipas ang mga araw. Araw ng pasko kaya naman excited ako dahil mamamasyal kami ni Pip. Pero bago pa man ang alas dose ay uuwi agad kami para ipagdiwang namin ni Mommy ang noche buena. Marami siyang inihanda kahit na kami lang naman ang naroon. Iyon ang unang beses na naghanda siya ng marami para sa pasko.

"Anak."

Napalingon ako kay Mommy nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Kasalukuyan akong nagaayos para mamaya sa date namin ni Pip.

"Mom?"

Agad siyang lumapit sakin dala ang box na regalo.

Tumabi siya sa akin na nakaupo sa kama at nagsusuklay.

"This is my christmas gift for you." nakangiting sabi pa niya habang inaabot iyon.

Excited naman agad akong tinanggap iyon.

"But wait, mamaya mo na buksan. Pagbalik niyo ni Philip."

"Sige po, mommy." nakangiting sabi ko. "At siyempre, hindi naman pwedeng wala din akong gift para sa iyo noh."

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now