Chapter 22

24 2 1
                                    

ILANG araw nang lumipas, mag-isa lamang ako sa bahay. Pinilit ako ni Pip na doon na lang muna ako sa kanila pero hindi ako pumayag. Dahil gusto ko munang mapag-isa.

Nailibing na si mommy noong isang araw, bago magbagong taon. Pumunta parin si Daddy para makilibing kahit hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam kung nakabalik na siya sa America dahil nitong mga nakaraang araw ay palagi niya akong pinupuntahan sa bahay pero tinataboy ko siya.

Sinalubong ko ang bagong taong hindi masaya at puno ng pagluluksa.

"Umuwi kana sa inyo, Pip. Dapat ay kasama mo ang pamilya mong magcelebrate ngayon." pamimilit na sabi ko kay Pip nang samahan niya ako sa bagong taon.

"Sinabi ko naman sayo, Babe. Hindi ako pwedeng magpakasaya habang ikaw naman ay nagluluksa. Napakawalang kwentang boyfriend ko naman nun."

Umiwas na lang ako ng tingin dahil sa inis ko. Simula nong mawala si Mommy. Wala na akong pakialam sa kahit na sino. Kahit si Pip ay nababalewala ko na.

"Hayaan mo nalang ako dito. Para mabantayan din kita."

"Hindi mo na ako kailangang bantayan Pip, hindi na ako bata." pabuntong hiningang sabi ko.

"Kahit na, baka kung anong gawin mo pa sa sarili mo."

"Ano?" inis na tanong ko.

"Babe, nag-aalala lang ako sayo, okay?"

"Nag-aalala? Pinag-iisipan mo kong may gagawin ako sa sarili ko. Hindi pa ako nababaliw!" galit na sabi ko at nagulat naman siya.

Halata ang pagpipigil ni Pip at talagang nagpapasensya sa akin. Sa puntong iyon ay parang hindi na nga ako ang dating nobya niya.

"Wag ka namang ganto sakin, babe." naging emosyonal si Pip at napaiwas naman ako ng paningin at napabuntong hininga. "Alam kong nawalan ka at nagluluksa ka pero wag mo namang kalimutang andito pa ako."

"Hindi mo lang ako naiintindihan dahil hindi naman ikaw ang nawalan!"

"Naiintindihan kita, babe."

"Hindi!" giit ko. "Dahil kung naiintindihan mo ko, hinayaan mo lang sana akong mapag-isa!"

Natigilan siya at napatitig sakin. Kapagdaka'y tumayo at marahas na napabuntong hininga.

"Sige, simula ngayon. Hahayaan na lang muna kitang mag-isa. Hihitayin ko nalang Samarrang kilala at minahal ko."

Pagkatapos ay iniwan ako roon at narinig ko nalang ang ingay ng kanyang motor papalayo tanda na nakaalis na siya ng tuluyan.

Tila wala akong pag-sisisi, alam kong nasaktan ko siya pero parang wala akong naramdamang pinagsisisihan ko ang pakitungo ko sa kanya.

Lumipas muli ang mga araw.

Panay parin ang bisita sakin ni Pip upang alamin ang kalagayan ko. Dinadalhan din niya ako o pinagluluto ng pagkakain pag alam niyang hindi pa ako kumakain.

Ngayon ay nasa school pa siya at pinagpatuloy ang pag-aaral, samantalang ako, hindi ko na alam kung pano magpatuloy. Ngayong wala na si Mommy, wala nang kabuluhan ang buhay ko. Wala na akong gana sa lahat kasama na ang pag-aaral.

Panay lang akong nakakulong sa kwartong madilim na iyon. Nakatingin lang sa kisame o di kaya ay sa bintana.

Nang ilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, saka ko lang napansin muli ang regalo ni mommy sakin noong nagdaang pasko. Nakapatong iyon sa table ko.

Napabangon ako at kinuha iyon. Hindi ko pa iyon nabuksan dahil sa nangyari kay mommy.

Tinitigan ko ang regalo at hinaplos iyon.

Dahan dahan kong inialis ang ribbon niyon at binuksan ang box.

Bumungad sakin ang kumikinang na sapatos. Green 3 inches hills. May gintong disenyo sa bawat gilid kaya nagmumukhang elegante.

Kinuha ko ang sapatos at niyakap iyon kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Humahagulgol akong inaalala ang mukha ni Mommy at ang ilang sandaling nakangiti siya sakin.

Natigil lang ang pag-iyak ko nang mahagip ang papel sa sulok ng box.

Kinuha ko iyon at binasa ang sulat.

'To my beautiful and lovable daughter, Samarra,

I know you're wondering now why is that my gift for you.

I want you to wear these shoes as these are your sign of freedom. Wear these shoes and walk out of this misery and go on with your life, anak.

Ako na ang bahala sa sarili ko anak, kaya kong mabuhay at magtiis kasama ng tito Rico mo at ang baby. Pero ikaw, marami ka pang dapat na maabot na pangarap at alam kong ang daddy mo lang ang makakatulong sayong makamit iyon.

Lingid sa kaalaman mo at pati narin sa tito Rico mo, nakapag-usap kami ng daddy mo. Nakiusap akong kunin ka niya at siya na ang bahala sayo.

Gusto kong tuparin ang hiling mo anak, na makita at makasama mo ang daddy mo. Pero humihingi na agad ako ng tawad sayo, dahil hindi na mabubuo muli ang pamilya natin na noon mo pa hinihingi sakin. Malalaman mo rin balang araw ang totoo kapag nagkita na kayo ng daddy mo. Tutulungan niya akong ipaliwanag sa iyo ang buong katutuhanan.

I'm so sorry anak. Ako ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang family natin. Tama lang na sakin ka magalit at hindi sa daddy mo. Dahil hindi rin ginusto ng daddy mo ang nangyari samin.

Hanggang dito nalang anak.

Wag mong kalilimutan, mahal na mahal ka ng Mommy.'

                                               --your Mom

Tila tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang sulat. Natutop ko ang aking bibig at pinipigilang mapalahaw sa hagulgol ng iyak.

Halos mabasa ang sulat sa tindi ng buhos ng akong luha.

Hanggang sa huli ay ako parin ang iniisip ng aking mommy. Tuloy ay nagsisisi akong ngayon lang kami nagkaayos. Kung alam ko lang na mawawala siya sakin, di sana'y naging mabuti akong anak sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko at kinuyumos iyon sa tindi ng kirot ng dibdib ko.

Halos maubos ang hininga ko kakaiyak.

Ngunit natigil lamang ako nang marinig ko ang sunod sunod na door bell sa labas ng bahay.

Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang sariling mukha na puno ng luha.

Suminghot ako at sumilip sa bintana. Hindi si Pip iyon dahil nakatalikod ang lalaking matangkad, maputi at may pagkablonde ang buhok.

Hindi rin si Daddy dahil itim ang buhok niya.

Tinatamad man ay taka akong bumaba at pinagbuksan ng gate ang estranghero.

"Sino po sila, at anong kailangan niyo." seryosong tanong ko.

Lumingon ang lalaki at bahagyang ngumiti sa akin.

"You're Samarra, right?"

Tumaas ang kilay ko. Halatang may lahing banyaga ang lalaking ito pero nakikitaan ko ng pinoy ang itsura niya.

"Yes?"

"My name is CJ." aniya na hindi parin inaalis ang ngiti kahit na blangko ang reaksyong ibinibigay ko sa kanya. "Charles Jr."

Charles...---

Natigilan ako at napatingin sa kanya.

"I'm your half brother..."

To be continued...

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt