Chapter 12

30 2 1
                                    

"Guys, tara na sa gymnasium." anang si Hilton nang matapos ang klase.

Sumunod naman kami at nagtungo sa gymnasium kung saan kami magpapractice.

Nang makarating kami doon ay mayroon nang ibang strand na umukopa ng kalahati niyon.

"Ang swerte ni Reign," sabi ni Sky. "Forte niya ang acting kaya wala siyang problema."

Strand kasi ni Reign ang naunang magpractice doon. At tama siya, ang galing um-acting ni Reign.

Agad naman kaming tinawag ni Hilton sa kabilang bahagi ng gymnasium para doon magpractice.

Itinuro ni Hilton at Rowena ang unang mga steps para sa sayaw.

Kahit hindi ako kagalingan ay nakukuha ko naman iyon. Maging si Pip ay maayos naman pala kung sumayaw.

Ngunit habang tumatagal ang practice ay ganon rin katagal na magkahawak ang aming mga kamay.

Tila hindi niya iyon pansin habang ako naman ay unti-unting nakakaramdam ng kaba sa ganoong sitwasyon namin.

"Summer and Pip." tawag samin ni Hilton. "Closer pa. Pip, higpitan mo ang hawak sa beywang ni Summer. Matutumba siya niyan."

"Copy, sir!" agad namang sagot ni Pip at ginawa ang sinabi ni Hilton. Mas lumapit siya sakin at iniyakap ang braso sa beywang ko para alalayan ako sa pagliyad ko.

"Guys, more liyad pa. Be flexible!" sigaw ni Hilton kaya naman mas lalo pa akong iniliyad ni Pip kaya naman napahigpit ang hawak ko sa braso niya.

Habang si Pip ay seryoso at dedicated sa practice ay ako naman ay sobrang kabado sa aming ginagawa. Bawat hawak at yakap niya sakin ay nagdudulot sakin ng kakaibang pakiramdam, hindi ko maintindihan.

Lumipas ang oras at natapos ang practice sa araw na iyon. Hindi ko alam kung may namemorized akong steps dahil nakatuon yata ang isip ko kay Pip maghapon.

"See you tomorrow, guys!" paalam ni Sky samin bago kami naghiwalay.

As usual, angkas muli ako sa motor ni Pip.

"Uy, kain muna tayo oh!" aniya nang makakita ng street food stall sa tabi ng daan.

Agad siyang huminto sa tabi at ipinarada ang motor niya.

Bumaba naman ako at sumunod sa kanya.

Agad siyang bumili ng kwek-kwek, kikiam, fishballs, at calamaris.

Ibinigay niya sakin ang paborito kung pagkain, ang kwek-kwek at kikiam.

"Thank you." mahinang sabi ko.

Sa tabi ay kinain namin iyon. Habang kumakain ay tahimik lang ako habang siya naman ay panay ang sulyap sakin kaya napapaiwas naman ako ng tingin.

"Okay kalang?" hindi na siya nakatiis magtanong. Agad akong tumingin sa kanya at pilit na ngumiti habang sinasawsaw ang kwek-kwek sa sauce na bitbit ko.

"Mm. B-bakit?" sagot at tanong ko bago isubo ang pagkain.

Sa halip na sumagot ay pinanood niya akong kumain. Maya maya ay tumaas ng bahagya ang kilay niya habang titig mukha ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla niyang ipinunas ang hinlalaki ng daliri niya sa gilid ng labi ko at isubo iyon!

"Ang kalat mo naman kumain."

Nanlaki ang mata ko pero parang wala lang sa kanya ang ginawa niya at nagpatuloy lang kumain.

Habang ako ay bumilis ang tahip ng dibdib dahil lang sa ginawa niya. Malakas na talaga ang tama ko.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now