Special Chapter

44 3 0
                                    

MATAPOS ang mainit na sandaling iyon ay naligo kami ng sabay at pagkatapos magbihis ay lumabas na ng aking kwarto.

Sakto namang pagbukas ko ay kakatok na sana si Olive.

"Ma'am, the breakfast is set---" nanlaki ang mata niya pagkakita kay Pip na sumulpot bigla sa likuran ko at umakbay sakin. Halatang nagulat si Olive dahil iyon ang unang sinaryo na may nakita siyang ibang lalaki sa kwarto ko. "A-And your friends are already in the dining..."

"Thanks Olive. Let's go, Babe." sabi ko na hinawakan ang kamay ni Pip. Nauna kaming dalawang maglakad at napansin kong halos maluwa ang mata ni Olive pagkakita sa magkahawak naming kamay. "How about your team? Papuntahin mo na rin doon." sabi ko kay Pip.

"Sige, tatawagan ko." aniya saka tinawagan ang assistant niya. "Hello, Frank. Bumaba na kayo nina Jane. Mag-aalmusal tayo." hindi ko naman narinig ang sinasabi ng kausap niya pero napatingin sakin si Pip kaya na-curious ako. "Wala, nakitulog ako... Sige na wag kanang makulit diyan. Bye na, hintayin namin kayo sa baba."

Palibhasa nasa penthouse ang room ko nadadaanan namin ang floor kung saan ang kwarto nila.

Nang bumukas ang elevator ay pumasok ang apat na ka-team niya.

"Hi, Philipp bakit wala ka kagabi---" unti unting nawala ang ngiti ni Jane pagkakita sa magkahawak naming kamay ni Pip. Bigla siyang napipi at parang binagsakan ng langit ang mukha.

Kahit sina Frank at iba pa niyang ka-team ay nagulat samin.

"Loko ka, Boss. Mukhang alam ko na kung san ka natulog kagabi!" natatawang bulong ni Frank kay Pip at tinawanan lang din iyon ni Pip.

Nang silipin ko si Jane ay bigla akong naawa dahil parang maiiyak na siya sa tabi habang nilalaro ang daliri.

"Hi, miss Samarra." bati sakin ni Frank at ginantihan ko naman iyon ng ngiti.

Nang sa wakas ay marating namin ang restaurant kung nasan ang mesang inihanda ni Olive. Agad naming natanaw sina Sky, Ish, Caleb, Huck at Reign.

"Guys!" masayang bati ko sa kanila at agad naman silang tumayo para yakapin ako.

"Summer, ang ganda mo na lalo!" sabi ni Ish.

"Kumusta?" tanong ko sa kanya at natatawa naman siyang nagkibit-balikat.

"Basta wag mong kalimutan. Tumingin ka lang sa tabi tabi at makikita mo ang hinahanap mo..." makahulugang saad ko sa kanya.

"Anong pinakain mo dito kay Summer, Pip? Bakit ganito magsalita?"

"Wala akong ideya, pre." pagkaraa'y tumingin sakin. "May hindi ka sinasabi, Babe."

Ngumiti lang ako. "Sorry, Babe. Hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino eh."

Mukhang nakuha niya naman iyon at napangiti nalang.

Sunod kong binati sina Caleb at Huck. Saka ako muling nakipagbonding sa mga girl best friends ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagsiligo kaming lahat sa dagat. Dala dala parin ni Pip ang camera niya pero pinagamit niya muna iyon kay Frank para makunan kami ng litrato.

Ang saya saya ko sa mga sandaling iyon dahil tila nanumbalik ang samahan naming magkakaibigan at lalo na ang relasyon namin ni Pip.

Bago ako bumalik sa Amerika, binisita ko muna ang pamilya ni Pip.

Nagulat ako dahil nirenovate pala nila ang kanilang bahay.

Dinagdagan ng palapag at mas pinaganda ang style ng bahay.

"Ate Summer!"

Nagulat ako nang makita ko si Philo na dalagang dalaga na.

"Oh my God, Philo! Grabe ang ganda mo na!"

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now