Chapter 24

30 2 1
                                    

"K-KUYA mo?"

Wala sa sarili akong napatango sa tanong ni Pip. Halatang nagulat siya doon. Dahil ang alam niya'y nag-iisang anak lang ako.

"P-pano---"

"Thank you sa paghatid." putol ko kay Pip na kay CJ ang tingin. "Pasok na ko."

"Are you not gonna let me in?" taas kilay na tanong niya at napabuntong hininga nalang ako.

Iniwan ko silang dalawa at naunang pumasok sa loob.

Naririnig ko pang kinausap ni Pip si CJ.

"Brader, anong gusto mong inumin?" narinig kong pag-alok ni Pip na parang sa kanya iyong bahay. Pagkatapos niyang sungitan kanina ay bigla nalang siyang naging mabait ngayon. "Ay Inglesero ka nga pala. Uhm drink? You want?"

"No, ayos lang ako." nakangiting umiling si CJ at inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay.

"Uy marunong ka palang magtagalog!" paghanga ni Pip.

"My dad taught me." simpleng sagot ni CJ. Saka bumaling sakin. "You need to decide as soon as possible. You will leave this house soon. Kukunin na ito ng bangko."

"I know..." sabi ko aakyat na sana.

"Anong kukunin ng bangko?" takang tanong ni Pip. Hindi ko siya nilingon. "Anong ibig mong sabihin, brader?"

"Y-You don't know? She didn't tell you?"

"Wala siyang sinasabi dahil hindi niya naman ako kinakausap." kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Pip ay halata ang lungkot at hinanakit sa boses niya.

"U-uhm..." hindi alam ni CJ ang sasabihin.

"Tatawagan na lang kita." sabi ko kay CJ. Hindi parin lumilingon.

"Alright, call me if you need help or anything." sagot niya at narinig ko ang pagpaalam niya kay Pip at ang pag-alis niya.

Nagpatuloy ako sa pagakyat nang marinig ko ang pagsunod ni Pip.

"Teka nga muna, Samarra." hinawakan niya ang braso ko para pigilan akong pumasok sa kwarto ko.

"Gusto ko nang magpahinga."

"Hindi!" napatingin ako sa biglang pagtaas ng boses niya. "Sobra naman ata itong pambabalewala mo sakin Samarra. Pinagbigyan kita ng ilang linggo na makapag-isa dahil iyon ang hiling mo at naiintidihan kong may pinagdadaanan ka. Pero ito, nakalabas ka na nga ng hindi ko alam eh tapos malalaman ko na lang sa iba na may hindi ka sinasabi sakin!"

"So ano!?" galit na ding sigaw sa kanya. "Napapagod kana ba ha?"

Natigilan siya. Napailing at bigla akong niyakap.

"H-hindi, babe. Hindi ako mapapagod intindihin ka. Pero nakikiusap ako, wag naman ganto please. Para kasing wala akong kakwenta-kwentang tao sayo eh." rinig kong gumaralgal ang boses niya kaya napabuntong hininga ako.

Napatingala upang pigilan ang pamumuo ng luha ko.

"S-sorry, Pip..." iyon lang ang nasabi ko at natigilan siya, humigpit ang yakap.

"M-mahal mo pa ba ako?"

Mapait akong napangiti at tuluyang napaluha.

"H-hindi ko na alam, Pip. Masyado akong naapektuhan ng pagkamatay ni mommy. Na pati ang tungkol sa atin ay hindi na sigurado sakin."

"B-babe..." hindi ko man siya nakikita ay alam kong umiiyak na siya.

"I-itigil na muna natin to, Pip." dapat ay masakit iyon para sakin na sabihin sa kanya pero wala na yatang mas sasakit sa pagkawala ng mommy ko.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt