Chapter 10

33 2 1
                                    

NATIGILAN ako sa narinig ko.

"You're pregnant?" hindi ako makapaniwala. Nasapo ko ang noo ko at disappointed na tumingin sa kanya.

"You know how cruel that man is. But then, you chose to be pregnant with him?"

"It wasn't my choice! Pinilit niya ako at wala akong nagawa dahil halos patayin niya ako!"

"Does he know?" tanong ko at dahan dahan naman siyang tumango. "Then why the hell he still hurt you?"

"H-hindi na siya tulad noon. I know he can't hurt he's baby. Lalo na kapag naipanganak ko na siya, I know he will be happy and it will make him change."

"At naniniwala ka pang mangyayari yan?" singhal ko. "God! Mommy naman. "Let's get out of this house. Isama na natin yang bata kung gusto mo. Tatanggapin ko siya kahit na demonyo ang tatay niya."

"H-hindi..." tanggi niya parin.

"Anong hindi?"

"Summer, hindi ko kayang lumaki ang baby na wala ang daddy niya. I can't." naluluha na namang sabi niya. "Ayuko  siyang matulad sayo!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil muli na naman akong naiiyak. Naalala ko muli si daddy.

"It was your choice that I don't have father until now."

"Kung yan ang paniniwalaan mo, wala akong magagawa." aniya saka nagpatuloy sa paghuhugas. "Go to your room now. Ako na ang bahala dito."

Gusto kong alamin kung ano pa ang hindi ko alam na tinatago niya sakin.

Pero mukhang matigas siya at walang balak sabihin iyon sakin.

Napabuntong-hininga nalang akong umakyat sa aking kuwarto.

KINABUKASAN, pasukan na naman. As usual, maaga na naman akong nagprepare para pumasok.

Nabigla lang ako nang pagbukas ko ng pinto ay naghihintay doon si mommy. Halatang inaantok pa siya.

"Here's your allowance for this week." inabot niya ang lilibuhing pera sakin. Matagal ko muna iyong tinitigan. Pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko yun gayong alam kong kay Rico yun galing. "Wag mo nang pag-isipan. Just take it." she insisted. At kinuha niya ang kamay ko saka inilagay doon ang pera.

Wala na akong nagawa kundi kunin iyon. Umalis na siya at bumalik na sa kwarto nila.

Napabuntong hininga akong tinitigan ang pera.

Sabagay, kung tutuusin ay kulang pa iyon sa pangbubugbog niya sa mommy ko pati narin sakin.

Nang makalabas ako sa gate ay nakatanggap ako ng message galing kay Pip.

Pip Alfonzo
- hintayin mo ko susunduin kita jan

Tumaas naman ang kilay ko nang mabasa iyon. Pero naghintay rin sa kanya dahil alam kong dala niya ang motor niya.

Ilang minuto lang ay dumating na siya.

"Naks, may service na ko." biro ko nang maka-angkas sa kanya. Iniyakap ko ang braso sa baywang niya.

"3000 per month madam." ganti niya.

"Ang mahal naman!"

"Siyempre, pogi ba naman ang drayber." sabi pa niya habang pinaandar ang motor.

Humagalpak lang ako ng tawa at hinampas pa ang braso niya.

"Wag kang tumawa dyan, hindi joke yun." aniya.

Umikot lang ang mata ko at inilapit ang mukha sa kanya.

"Asan ang pogi dyan? Baka pogita." pang-aasar ko sabay tawa.

"Babae, wag mong ugaliing malapit-lapit yang mukha mo sakin. Baka mahalikan kita." Saglit lang ang paglingon niya sakin dahil nagmamaneho siya ng sasakyan niya.

Ngumisi lang ako at sinakyan ang biro niya saka mas inilapit ang mukha sa kanya.

"Sige nga gawin mo nga ngayon." hamon ko sa kanya.

Saglit man siyang natigilan pero nilingon niya ako saglit.

"Sige ba mamaya pagdating natin sa school."

"Wala, dito mo gawin. Ano?" natatawang panghahamon ko pa at iiling-iling naman siya.

"Kaya ko, Summer. Pero di ko ilalagay sa kapahamakan ang buhay mo dahil lang sa gusto kitang halikan."

Bahagya akong natigilan pero natatawang tinapik siya sa braso.

"Ang seryoso mo naman." sabi ko at natawa naman siya.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa school. Dumeretso muna kami sa locker at inilagay doon ang gamit namin dahil wala naman kaming assignment at gusto ko siyang tulungan maglinis.

"Sabi ko naman sayo don ka nalang sa gazebo tumambay. Wag kana tumulong."

"Eh ang boring don. Hayaan mo na lang akong tumulong. Habang masipag pa ko."

Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magawa ng hawakan ko ang walis at nagsumulang linisin ang hallway.

"Baka pagpawisan ka niyan?"

Hirit pa niya at siniringan ko nalang ng tingin at nagpatuloy sa paglilinis.

Mina-mop niya ang mga nawalisan ko nang hallway.

"Dahan dahan lang, Samarra! Mapagod ka niyan." sermon niya nang makitang todo walis ako doon.

Napanguso naman akong binagalan iyon.

Nang tumagal ang paglilinis ay nanakit na agad ang likod ko. Hindi ako sanay sa ganoon katagal na paglilinis. Buong building ba naman ang kailangan malinis pati ang katapat nitong field, bahagi ng gazebo at circle.

Iyon lang ang nakatoka sa kanyang trabaho pero di ko akalaing ganoon pala kahirap ang trabaho niya.

"Oh ayan, pinagpawisan kana." sita niya sakin.

"Natural nagtrabaho ako eh." sagot ko naman.

"Kaya nga itigil mo na yan. Wala kang pamalit di katulad ko may dala ako."

Napabuntong hininga nalang akong sinunod siya.

Oo nga naman, mangangamoy pawis kaagad ako kay aga-aga. Dagdag pa ang sikat ng araw na abnormal dahil ang aga aga pa ay mainit na. Global warming na talaga!

Nagtungo na ako sa locker at kinuha ang gamit ko. Pumunta ako sa gazebo at nagtambay na uli don.

Kinuha ko ang mini-fan ko sa bag, in-on at itinapat iyon sa mukha ko para mapreskuhan.

Ilang minuto ay sumunod na doon si Pip. Nahinto pa ako sa ginagawa nang makitang nakahubad na siya habang ang t-shirt ay nakasampay sa kanang balikat niya.

Parang may sariling buhay ang ulo kong sinundan siya hanggang sa pagpasok niya. Inilapag niya ang bag na dala sa upuan.

Nakatalikod siya habang naghahalungkat sa kanyang bag kaya hindi niya nakikitang nakatitig ako sa hubad niyang likuran.

Ipinilig ko ang ulo ko at iniwas ang tingin sa magandang tanawing iyon.

"Ang aga mo namang pagpawisan." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sky sa tagiliran ko. "Ano bang ginawa mo't parang pagod na pagod ka?"

Sasagot na sana ako nang makita niya si Pip.

"Oh andito ka pala---sandali..." natigilan siya at napatingin muli sakin. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin ni Pip na humarap pa samin habang isinusuot ang damit. "M-may ginawa kayo no!" paratang niya na hindi ko maintindihan. Nanlalaki ang mata niya sa aming dalawa habang nakatutop ang bibig.

"Napagod kasi siya sa ginawa namin." inosente namang sabi ni Pip.

"A-ano?!!" talagang mas nanlaki ang mata ni Sky.

Umikot ang mata ko dahil sa pagka-green minded niya.

"Bakit ka ba sumisigaw diyan? Naglinis lang naman kami. Tinulungan ko siya."

Natigilan naman siya at umayos ng tayo.

"Ayy, ganon ba? Akala ko naman hehe."

Sinamaan ko siya ng tingin at siya naman ay napa-peace sign nalang.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now