Chapter 28

29 2 1
                                    

"WE'RE going to the Philippines, yay!"

Napatingin ako kay Olive nang ibalita niya iyon sakin. Siya ang PA ko at matagal ko narin siyang kasama kaya kilalang-kilala ko na siya.

"It's a collaboration photoshoot." sabi naman ni Jenri, my manager.

"Collab? With who?" curious na tanong ko, mas nauna pa palang nalaman ng PA ko iyon.

"David Limaco! The famous actor in the Philippines!" excited pang sabi ng manager ko pero hindi naman ako naexcite. Dahil hindi naman bago yun sakin. Marami na akong bigating artista at model na nakatrabaho at naka-collab.

"Ah okay." sabi ko lang at sinenyasan ang make up artist na ipagpatuloy ang pag-aayos sa akin.

"Aren't you excited? You're coming back to the Philippines!"

Napabuntong hininga naman ako. Tama nga naman siya. Makakabalik na ako ng Pilipinas. Iyon lang naman ang hinihintay ko. Sa dami kong trabaho at sobrang busy kong tao ay hindi ko nagagawang umuwi ng Pilipinas. Well, wala din naman akong mauuwian.

Nang matapos ang photoshoot sa araw na yun ay agad na kaming nag-ayos pauwi.

Doon ako tumutuloy sa condo ko. Matagal na akong hindi umuuwi sa mansion dahil nga sa hindi kami magkasundo ng mommy ni CJ. Matagal din akong nagtiis sa kanya at nung maging independent na ako ay nagawa kong lumayo sa kanila. Pero kahit ganoon kami ni Fonda. Hindi naman iba ang turing sakin ng magkapatid na CJ at Jodie. Hindi sila kailanman nakikisali sa anumang alitan namin.

At kahit ganon naman ang ugali ni Fonda, hindi ito kailanman nakikialam sa pagbibigay sustento sakin ni Dad noon. Panay lang ang puna nito sa bawat kilos ko at ginagawa ko kaya doon kami hindi nagkakasundo.

"I heard you're going back to the Philippines." hindi pa nga ako nakakahiga sa kama ay tinawagan agad ako ni CJ. Lahat talaga ay hindi nakakalampas sa kanya.

"Mm." tipid na sagot ko.

"You're so lame. You're supposed to be excited right. It's time!"

Umikot ang mata ko. "Kung aasarin mo lang ako, ibababa ko na to. I'm tired..."

"Sama ko."

"Edi sumama ka." walang ganang sagot ko at tumawa naman siya.

"Just kidding, dad gave me so much paper work."

"As you should, ikaw naman ang magmamana niya eh." natatawang sabi ko.

"It's your fault. Ginawa mong alibi ang pagmomodelo kaya wala ka sa company ngayon."

"Excuse me, it's my dream to be a supermodel. I don't see myself working in your company."

"Fine, fine. I don't have a choice anyway."

"Sige na, I'm sleepy na." sabi ko habang humihikab.

"Oh okay, good night my princess."

"Princess your ass." asik ko sa pang-aasar niya. "Bye na nga." sabi ko at tatawa-tawa naman siyang nagpaalam na at tuluyan ko namang pinatay ang tawag.

Napatingin ako sa kisame. Naiisip ko pa lang na uuwi ako sa Pilipinas ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Eh hindi naman ako sigurado kung makikita ko siya doon ulit.

Napalingon ako sa folder na nakapatong sa side-table. Bumangon ako at tiningnan ang laman niyon.

Nakahanda na pala lahat. Simula sa venue ng photoshoot, photography company na kukuha ng litrato, mga modelo maliban sa'min ng actor na iyon, stylists, hanggang sa mga designers ng damit at iba pang gagamitin bilang props.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon