∆ 1 ∆

8.7K 207 15
                                    

Allexandria Faira's POV

"FAIRA!!"

Aish! Kainis! Andito nanaman sya!

Tinignan ko muna sila at bumilang. Wow so madami mga par.

Hingang malaliiimmm--- TAKBO!

"AHHHH!! tigilan mo na muna ako kuya Almooonndd!!" Sigaw ko nang muntik na akong maka tapak ng tae.

"KAILANGAN MO NANG UMUWI FAIRA! PAPAGALITAN KAMI!"

"Ayos lang! Hindi naman ako ang papagalitan eh!" Sigaw ko pabalik at sumingit sa pagitan ng dalawang bata na nag aagawan ng candy.

"ALLEXANDRIA FAIRA!!" Sigaw nanaman nya.

Jusko naman tong die hard fan ni Dade na die hard fan ko na ngayon!

"Kuya Almond! Kapag hindi ka pa tumigil sa kakahabol sakin! Bubuhusan kita ng chocolate! Magiging pepero ang pangalan mo!" Sigaw ko sabay tawa ng malakas. "Eksdiii!!"

Pumasok ako sa loob ng subdivision namin at patuloy parin sila sa pag habol sakin.

"Jusme!" Sigaw ko nang mapatid ako sa bato, dahilan ng pag putol ng tsinelas na binili pa ng pinsan ko sa US.

Mas matibay pa ang tsinelas ni korina kesa dito eh! Hinubad ko ang tsinelas ko at tumakbo papasok sa bahay.

"Yow yow yow what's up Mame." Bati ko kay mother dear na naka upo sa sofa at may hawak na magazine.

"Ceiling." Sagot nya, nailagan ko pa ang binato nyang magazine na kung hindi ko nailagan ay dederetso sa mukha ko!

"Ow dodge!" Sigaw ko at napa talon sa saya AHAHAHAHAHHAA--- "OUCH!"

Hindi ako naka pag ready dun ah!! Tinamaan ako ng isa oang magazine!

"Mother dear. Alam kong maganda ako, pero hindi mo ako kailangan batuhin ng magazine sa mukha. Baka hindi na ako habulin ni kuya pepero pag nagalusan ang mala dyosa kong mukha." Sabi ko at hinawi ang buhok ko para may effects.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Sino naman si pepero?"

"Si kuya Almond" sagot ko bago ako tumawa nang pag kalakas lakas.

Napa face palm nalang si madur.

Bumaba si Dade galing sa second floor.

"Kamusta Dade? San ako napasok?" Tanong ko.

Nalipat kasi ako ng school.

Sinong hindi malilipat eh halos napuno ng pangalan ko sa records ng principal. Hindi naman ako nananapak.

"Section E."sagot nya. "Hindi ka gumaya samin ng nanay mo! Magulo pero nasa top section!" Mayabang na sabi ni Dade

"Dade yang section ko, siguradong top din yan." Sabi ko, ngumiwi si Dade.

"Top sa pag ubos ng space sa record book ng principal. Sige ipagpatuloy mo.." Sabi nya pa.

Nag peace sign ako sakanya.

"Hindi pupunta sila tita Hazel mame?" Tanong ko.

"Ewan ko sa mga yun." Sagot ni Mame.

Kibit balikat akong nag lakad paakyat sa second floor.

Pag pasok ko sa kwarto ay umupo ako sa harap ng salamin.

"Boo!"

Ngumiwi ako bago ako nag react.. "ohmygosh! Nakakagulat ka! daig mo pa ang mga multo sa horror movie! Natakot ako grabe! Akala ko si Anabelle!"

"Faira?! Sino kausap mo!" Sigaw ni Dade mula sa baba.

"Sarili ko lang Dade!" Sigaw ko pabalik.

Yes.

Sinubukan ko lang gulatin ang sarili ko kung magugulat ba ako.. Sa sobrang galing ko ay nagulat nga ako..

Ngumiwi ako at tumayo mula sa pag kaka upo.

Lumapit ako sa bintana.. Sumilip ako sa baba at nakitang walang bantay.

Umatras ako nang umatras para bumwelo.

Tsaka ako tumalon pababa.

"WUHOO!!" masayang sabi ko maayos akong nag landing sa grass.

"AKALA KO KUNG ANONG IBON! HOY ALLEXANDRIA FAIRA! BUMALIK KA SA KWARTO MO!"

Napa tigil ako at lumingon sa likuran ko.

Nasa harap ng lababo si Mame na may kaharap din na open na bintana, of course! Bat ko nakalimutan?

"Punta ako kela tito Zyler! Bye Mame!!" Sigaw ko at tumakbo na palabas ng bahay.

"Argh! KUYA ALMOONNDD!!! NAKATAKAS!!" Dinig ko pang sigaw ni Mame.

Ayan na! AHAHAHAHAHAHAHA!!

Pag labas ko ng subdivision ay lumiko ako at pumasok sa katabing subdivision! Pinapasok ako ng guard dahil kilala naman ako dito.

Pag dating sa harap ng bahay nila Tito Zyler ay bumwelo ulit ako para talunin ang gate!

And again, I landed safely.

Pumasol ako sa isang bintana na naka bukas sa sala nila.

Napa takip ako sa bibig ko nang makitang naka upo sa sofa sila tito Zyler, kasama nya sila tito Kurt.

Naka talikod sila sakin dahil sa likod ng sofa na inuupuan nila ay ang bintana na pinasukan ko.. Lumapit ako at sumilip ng konti sa pinag kakaguluhan nila.

Eww

Napa layo ako.

Tumayo ako ng maayos.

"ANG TATANDA NYO NA NAGNUNUOD PA KAYO NYAN?!" Malakas na sigaw ko para marinig nila Tita Primrose.

Nag sitayuan sila at parang ninja na nag pose paharap sakin.

"Taksil! isa kang taksil!" Sigaw sakin nila Tito.

Nag ready sila.. Nag ready na habulin ako!

Kaya bago pa sila maka bwelo ng maayos ay tumakbo na ako!

"AHHH!! HINDI NARINIG NI TITA PRIMROSE! WAG NYO AKONG HABULIIINN!! MAY PROBLEMA PA AKO KAY KUYA ALMOND KAYA LATER NA KAYO!! MYGAAHHDD"sigaw ko bago tumakbo paakyat ng second floor.

"Faira wag kang maingay! Natutulog si Primrose!" Mahinang sigaw ni tito Zyler. Ang nangyare sa habulan namin na takbuhan kanina ay gumagapang na kami!

Nang makarating ako sa dulo ng second floor nila kung san may railings pa at pag sumilip ka sa baba nun ay sala.

Tumayo ako at nilingon sila na gumagapang parin.

Bumelat ako at tumalon pababa! Sa sofa na sobrang laki ang bagsak ko!

"Ano mga tito? Mag planax na kayo! Babagal nyo na eh!" Sigaw ko nang hindi sila maka talon pababa

Ang nangyare ay nag lakad nalang sila pababa sa hagdan at dinaganan ako nang maka lapit sakanila.

"Aray! Ambibigat nyo!! Yan ba nakukuha nyo sa panonood ng dora the explorer!!" Reklamo ko!

OO! DORA THE EXPLORER ANG PINAPANUOD NILA KANINA! ANG TATANDA NA YUN PA ANG PINA PANOOD!


"FAIRA!!"

Natigil sila sa sigae ng kung sino sa labas.

"paktay ka Faira. Uwi na!" Sabi nila sakin.

Tumayo sila kaya tumayo na din ako.

"Sige takbo!" Sabi ni Tito Javier nang tumakbo ako papunta sa bakuran nila para dun tumakas.

--

Hehe! Ayos ba?

-lexa

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now