∆ 48 ∆

2K 96 1
                                    

Hi please help me share this story hehe

Vote and comment

Luv u

Allexandria's POV

"anong ginagawa mo dito?" Pabulong na sabi ko nang makita si Zero sa labas ng gate namin. "Ay mali, bakit antagal mo?" Bawi ko nang makita ang mukha nya. Fafable hihi.

"Tinakasan ko nga lang si Mami eh." Pag balita nya saken, lumapit sya at niyakap ako. "Merry Christmas." Bati nya.

Yumakap ako pabalik. "Merry Christmas." Bati ko din.

humiwalay sya sa yakap at hinalikan ako sa noo.

"ay scandal!"

sabay kaming napa tingin sa kapatid ni Jude na si Janina, naka tayo sa sa mismong entrance ng gate at mukha nagulat samin ni Zero

"JUDE! JADH! MAY KAHALIKAN SI FAIRA!" agad na balita nya na tumakbo pa papasok ng bahay at nag sisisigaw.

si Jude at Janina ay anak ng kaibigan ni Mami at Dadi na sila tita Hazel at tito Seb. Si Jadh naman ay anak ni tita Addison at tito Jon.

"Sinungaling amp." Mahinang bulong ko at natawa si Zero.

Maya maya kang ay lumabas si Jude at Jadh at hinatak si Zero papasok sa bahay.

nakita ko nalang ang sarili ko na naka uposa sofa sa sulok ng sala namin at parang tanga na nanunuod ng live na movie.

Kasalukuyang naka upo sa chair si Zero sa gitna ng sala, ginilid nila Jadh lahat ng gamit dito sa sala namin para lang mag mukhang detective detective ang dating nila, may naka sabit pang ilaw ilaw sa taas ng ulo ni Zero at yun lang ang ilaw na naka bukas sa buong bahay.

naka upo naman ako sa sofa namin na hindi maayos ang pag kaka lagay sa sulok ng sala.

"Anong pangalan mo." Malalim ang boses na sabi ni Jude na tinotopak nanaman.

"Zero" sagot ni Zero na kalmadong naka upo sa gitna, Hot seat AHAHAHHAHAHHAHA

"Familiar yung pangyayare."dinig kong sabi ni Dadi na naka upo sa gilid at nanunuod, mag kakatabi sila ng iba pang bisita dito sa bahay. Pati si Mamsi ay naka upo dun at naka ngiti. "shhhkk san ko ulit nakita to?"

"Panong hindi magiging pamilya sayo, eh dumaan ka din dyan." Pambabara ni Papsi James.

"Ako ba yon?" Kunot ang noo na tanong ni Dadi. "Ahh oo, sabi mo pa susyal pangalan ko AHAHHAHAHAHA crush mo na ako non Papsi no?" Pang aasar ni Dadi kay Papsi James.

"Masuka ka nga sa sinasabi mo Keith, kadiri." Maarteng sabi ni papsi. "Type lang kita non, hindi pa crush."

Nag tawanan kami sa sagot nya.

"Kaya mo na bang bumuhay ng pamilya?" Tanong ni tito Zyler kaya halos lumuwa kaluluwa ko.

"tito!" Singhal ko at nginitian nya lang ako.

"Nag aaral palang ho ako, pero kaya naman po." Sagot naman ni Zero, hindi nya naman kailangan sumagot eh!

"Anong apilido mo?" Gatong ni tita Addison.

"Monteverde ho." Magapang na sagot ni Zero.

"Kaano ano mo si April Monteverde?" Tanong ni Papsi James na naka tayo na din at may hawak na bubble pipe, hinampas nya yung ilaw sa taas ni Zero para gumalaw yun at nakakahilo na ang ilaw.

"Nanay ko po." Sagot ni Zero.

"What the, anak na pala ng doctor. Tsaka ng business man? Tama ba?" Tanong ni Jadh.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now