∆ 62 ∆

2.1K 82 1
                                    

Allexandria's POV

Napa iwas ako ng tingin at binaling kay Yannie ang paningin ko.

"Ateng, sobrang tahimik mo naman." bulong ko sakanya. "Ipakita mo naman kay Areeya na wala kang pake sakanila kahit nasasaktan ka na.. Dali gayahin mo ako."

Napa tingin naman sya sakin.

"Sakit naman non."comment nya. "Sige, tara tawa." Tapos bigla syang tumawa ng malakas! Sobrang lakas na natigilan lahat at napa tingin sakin..

Muntik na akong mapa facepalm! Buti nalang nahiya ako at ginawan sya ng excuse.

"Ano ba yan Yannie! Bentang benta sayo yung joke ko? Eh ang korni non eh!" Pag react ko at tumawa din kunyari. "Hayop ka tama na ang OA mo."mahinang bulong ko pa.

Natigil naman sya at tinignan ang mga kaklase namin na nag tatakang nakatingin sakanya.

"Ano? First time nyong makakita ng tumatawa?"tanong ni Yannie, sumagot naman si Isabella

"Hindi naman, pero first time ka naming nakita na tumawa mula nung..."and she trailed off.

"Ayaw mo non, tumatawa na ulit ako."sabi ni Yannie.

"Galing, happy ka na?" Tanong ni Matthew. "Ang saya mo eh.. nakakatawa na."

"Hindi naman lahat ng tumatawa, masaya." Mahinang sabi ko at nabaling sakin ang tingin nila. "What? Totoo naman diba? Dapat ako role model sa klase natin eh, tumatawa kahit nasasaktan na."

napa kurap sila.

"Oh well."si Mauriel ang nag salita. "You're not good at hiding your feelings though, so hindi ka parin fit maging role model."

"hindi ko naman kasi tinatago eh."deretsong sabi ko na para bang normal lang ang topic namin. "kasi kahit anong tawa ko para pilit na itago ang nararamdaman ko, wala paring silbi kasi alam ng mga nakapaligid sakin kung ano ang nararamdaman ko, kapag may nag tanong sakin hindi ako tumatanggi, para san pa? Eh alam naman nila na nasasaktan ako, bat pa ako mag sisinungaling diba?? Mas madali din yun hindi ako nahihirapan na isolo sa sarili ko yung sakit na nararamdaman ko, mas magaan sa pakiramdam pag may nakakaalam."

Tumigil ako nang mapaisip, bakit ko ba sinabi yon?

"Tsaka wag mong seryosohin yung sa role model, joke lang yon." Sabi ko bago ako tumayo.. "punta ako sa field. Goodbye."

at iniwan ko na sila don. Nakay Kipper naman yung cellphone ko at safe yon don, nag lalaro kasi sya eh, binebreak nya yung highest score ni Louisa sa subway surfers.

umupo ako sa bleachers, lagi nalang akong nandito..

Ilang minuto akong nanahimik don, hanggang sa may umupo sa tabi ko at nag salita.

"Hi."

woaj.

napa tingin tuloy ako sakanya.

Familiar yung mukha nya. may kamukha sya eh.. Sino ba yon.

"Im Ashvince."pakilala nya.

"Oh. Allexandria. "Pakilala ko din at nag shake hands kami..

"Bakit ka mag isa dito?" Tanong nya. "asan yung mga kaklase mo?"

"Ahh, iniwan ko sa canteen.. Hindi pa sila tapos kumain eh."kibit balikat na sabi ko ag tumingin sa harapan.. May mga nag lalaro ng bola, taga section A tong nga to eh..

Napa tigil ako sa pag iisip kahit wala akong utak at napa tingin sa lalaking katabi ko. "Close ba tayo? Bakit ka nag tatanong?"

Natawa sya.

"Wala lang."sabi nya at tumayo. "Ingat." Tapos nilayasan nya na ako.

sinundan ko lang sya ng tingin.

napa tayo ako nang makita ang mga kaklase ko kasama si Mauriel at Areeya na nag lalakad din sa field, dadaan siguro.. field kasi ang pagitan ng building namin sa building nila. O diba ang layo, imaginin mo field ng soccer yon tapos may pa-bleachers pa ang lola nyo edi sobrang layo diba?

Kaya hindi ako gumagapang papunta sa room pag umaga eh, hindi talaga! Gumulong lang hehe.

Sinalubong ko sila.

Nang makita nila ako ay agad na bumulong si Mauriel kay Zero, si Areeya naman ay luminga habang naka kapit sa braso ni Nathaniel na lumingon sa mga nag lalaro na section A.

"Ihahatid nyo pa sila diba?" tanong ni Zeus na palinga linga din. "Alis na!" Sigaw nya kay Matthew.

"Uh, Allexandria tara una na tayo."yaya sakin ni Matthew na hinawakan ako sa braso at inumpisahan akong hatakin.

Nang medyo makalayo kami, medyo lang naman, ay naalala kong mag tetext ako kay Dadi kasi mag papasundo ako mamaya!

"teka lang."sabi ko at pina bitaw si Matthew. "Yung cellphone ko."

Nahagip ng paningin ko ang pag laki ng mata ni Matthew nang umikot ako para lumingon sa mga kaklase namin.

"Kipper yung ce---" hindi ako natapos.

Masakit sang nakikita ko.

Masakit sa puso.

Pwede na akong mag ka heart failure.

Stage 7 okay na.

nanatili akong naka tingin kay Zero at Mauriel, nag hahalikan sila.

akmang nag sasalita si Matthew nang iharang ko sa mukha nya ang kamay ko.

Sandali, gusto kong makita ang mangyayari

Mukhang narinig ng mga kaklase ko ang pag tawag ko kay Kipper dahil napa tingin sila sakin, at pare parehong nanlaki ang mata.

"Sht Allexandria!" Galit na sigaw ni Zeus na bigla nalang nag lakad palapit sakin at hinatak ako paalia dun.

"Bitawan mo ako." Mariin na sabi ko kay Zeus. Pero hindi nya pinakinggan! "Bitawan mo ako sabi!" Malakas na sigaw ko at binawi ang kamay ko.

napa tigil naman sya at napa tingin sakin.

"Wag mo akong susundan." Sabi ko at tinalikuran sya para umakyat sa rooftop.

"Allexandria."tawag pa nya sakin.

Hindi ko sya pinansin at nag patuloy sa pag akyat, hindi ako susundan non, subukan nyang gamitin yung kabilang daan paakyat papaliparin ko sya sa mars.

Nanlalabo na ang mata ko at halos wala nang makita dahil tuloy tuloy ang agos ng luha ko.

Nasa floor na ako bago ang rooftop..

Muntik na akong mapa sigaw nang may humatak sakin paliko sa isang hallway, sinandal ako sa pader at dun ako kinulong.

tumitig ako sa mata nya.

May nakikita akong halo halong emosyon sa mata nya.

Guilt, Fear and Pain.

_______________________________________________________________
Voteeee~~
Pleaaaseeeee huhu

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now