∆ 3 ∆

4.5K 153 0
                                    

Allexandria Faira's POV

"Ano ba!" Mahinang sigaw ko nang tamaan nanaman ako ng crumpled paper!

Kanina pa nila ako binabato ng kung ano ano!

Naipon ko na lahat ng papel na binato nila! Nasa desk ko lahat!

May teacher sa harap na naka talikod samin at patuloy ang pagturo. Hindi ata uso ang introduction dito pag first day. Konti lang tuloy kilala ko sa mga kaklase ko dito.

Lumingon ako sa likuran ko at sinamaan ng tingin ang mga lalake. Pinamumunuan ng lalakeng saksakan ng pogi na naka ngisi sakin..

"Isa pa ah!" Mahina kong sabi. Bago pa ako maka harap ulit ay may tumama nanaman na papel sa mukha ko at nag bungisngisan sila.

Napa pikit ako bago humarap ulit at nakitang naka tingin na sakin ang teacher.

"Hi sir." Bati ko dahil sakin talaga sya naka tingin.

"What's that on your table miss?" Naka taas ang isang kilay na tanong nya sakin.

Pinag titripan ako ng mga unggoy dito sir!

"Love letter sir." Naka ngiting sabi ko at nag ubuhan ang mga lalake sa likuran ko.. Nasa harap kase ang mga babae. Ako ang naka upo sa center sa dulo ng linya ng mga babae kaya napag titripan ako.

"Galing kanino bat andami?" Tanong ni sir.

"Galing sakanila." sabi ko sabay turo sa mga lalake.

"Napaka." Mahinang sabi ng isa sakanila.

Kumunot ang noo ni sir bago nag patuloy sa pag turo ng math na hindi naman namin maintindihan. Bala sya dyan.

Tumingin ako sa mga crumpled paper sa harap ko bago ko tinaas ng konti ang kamay ko, ka level ng mukha ko.

Nag hiyawan ang mga lalake sa likod nang tamaan sila ng mga crumpled paper.

Natawa nalang ako. Nag bungisngisan ang mga babae.

"What happened?" Tanong ni sir.

Bago pa maka sagot ang mga kaklase ko ay sumabat na ako.

"Nag batuhan sila sir!" Masaya kong sabi. "Nag bibigayan din sila ng love letter." nag snort ang mga babae.

Nag kibit balikat si sir at lumabas na ng classroom.

Ngumiwi ako nang tamaan ako ng sunod sunod na papel..

"Bully kayo!" Reklamo ko bago ngumuso.

"Tayo na dyan." Yaya sakin ni Louisa nang lumayo muna ang mga lalake.. "PE ang sunod na subject."

Eh?! FIRST DAY TAS PE?

..


"AAHHH!! BAT AKO ANG TARGET NYO MGA SIRAULO!"

Pinag titinginan na kami dahil sa sigaw ko!! Nag lalaro kami ng dodge ball! At obviously ay alam nyo na.

"ISANG BOLA LANG ANG GAMIT DITO!! BAT ANDAMI!!" I screamed in horror nang makitang naka linya na ang mga lalake at may hawak na tig iisang bola.. "JUSMIYO PAG YAN LUMIPAD PABALIK SAINYO WAG KAYON----- AAAHHH!!" napa sigaw nalang ako nang ibato nila sa direksyon ko ang mga bola!

Hindi ko na malaman kung dodge ball pa ba ang laro dito. PANONG DODGE BALL ANG IISIPIN KO EH AKO LANG BINABATO NILA!

okay pa yung mga unang tumama sakin.

Kung 8 silang mga lalake.

Tatlong volleyball ang tumama sakin, masakit pero keri, dalawang basketball, masakit pero keri, dalawang plastic na bola, masakit ng ber ber slight.

Sinamaan ko ng tingin ang hari nila na naka ngisi sakin at may hawak na. BASEBALL!

ohmygahd! Luminga ako at nakita ang mga kaklase kong babae na naka tingin sakin na parang nag sosorry.

binalik ko ang tingin sa hari ng mga unggoy.

Kasabay nang professional nyang pag bato sa direksyon ko ang baseball ay ang pag lipad ng mga hinagis nilang bola sakin kanina papunta sakanya.

Sakto ang tama ng baseball sa ilong ko! Masaket Masyadong malakas ang pag kakabato nya!

Sya naman ay tinamaan ng pitong bola.

Hindi man masakitang tama sakanya, ayos lang. Atleast naka bawi.

Jusme! SANA HINDI NABALI ANG ILONG KO! IPAPA TAPON KO SYA SA JUPITER PAG NAG KATAON!

Tinignan ko ang ilong ko nang may maramdamang likido dun.

Sipon! Ay joke. DUGO!

suminghap ako bago tumingala.

mangiyak ngiyak akong nag lakad palapit sa bag ko, pinulot ko yun at kinalkal ang panyo sa loob, hinarang ko sa ilong ko ang panyo. Sinabi ko sa isa kong braso ang isang strap ng aking bag.

Aalis na sana ako nang lapitan ako nila Lyra.

"Gosh. Allexandria! Im so sorry!" Sabi agad na sakin.

Ngumiti ako. "Ayos lang."

Nag lakad ako palayo. "San ka pupunta?!" Sigaw nila.

"Clinic!" Sigaw ko pabalik.

Lumingon pa ako saglit sa mga kaklase kong lalake na pinapanood ako.. Masama ang tingin sakin ng hari nila.. inirapan ko sya bago tumingin sa dinadaanan.

Napa ngisi ako nang marinig ang sigaw ng hari sa sobrang galit na tinamaan sya ng baseball.

Akala nya ah.

..

"Oh? Anong nangyare sayo?" Bungad sakin ni Father Keith nang maka pasok ako sa bahay. "Nag pa retoke ka?"

"Eww father. Sa ganda kong to, hindi kailangan mag pa retoke." Sabi ko sabay flip ng hair.

"Oh eh ano ngang nangyare dyan?" Tanong ulit ni Dade.

"Tsk. Nag laro kami kanina Dade. Tinamaan ako ng bola sa ilong." Sumbong ko.

"Sino may kasalanan?" Tanong nya naman at tinaasan ako ng kilay.

YUNG HARI! BWISET SYA! MABALI SANA ANO NYA!

PAA! MABALI SANA PAA NYA!

hindi ako sumagot kay Dade at nginitian ko lang sya.

"Gumanti ka no?" Tanong nya sakin..

"Ako pa!" Mayabang na sabi ko.

"Baka nananakit ka na dyan gamit ang telekinesis mo ah!" banta sakin ni Dade. "Nako! Ipapa bantay bata kita! Child abuse!"

"Ako pa talaga dade ah!" Reklamo ko.

"Tsk. Bat ba andito ka na? 4 pa ang uwi mo ah!" Singhal nya sakin.

"Ninja." Maikling sabi ko.

Bago nya pa ako mabato nang unan na katabi nya ay tinamaan na sya nun.

"ALLEXANDRIA FAIRA!!"

Napa takbo ako paakyat sa kwarto nang sumigaw si Dade.

Siguro naman.

Alam nyo na?

Kung hindi nyo alam.

Bahala kayo dyan.

--

...

-lex

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now