∆ 54 ∆

1.7K 70 0
                                    

Allexandria's POV

"Ang tagal naman ni Zero."reklamo ko, tapos na ang first subject pero hindi parin sya nakakabalik.

"Baka nag bebe time pa sila."sabi naman ni Matthew, sinamaan ko sya ng tingin at binatukan naman sya ni Denise.

Maya maya pa ay pumasok si Zero na walang ekspresyon ang mukha, pinanood namin syang mag lakad papunta sa pinaka likod. Kung san sya lagi naka upo.

Ilang minuto pa ang lumipas at tahimik lang ang buong classroom.

"Bat antahimik?" Bulong ko.

"Mukhang badtrip si pareng Zero eh, kailangan ng katahimikan."mahinang sabi ni Matthew at napa tango ako.

pumasok ang second subject teacher na iniwanan lang kami ng gagawin.

Kasalukuyan kaming nag kokopyahan sa teachers table nang biglang padabog na tumayo si Zero at nag lakad palabas ng classroom na nag patahimik samin.

"anong problema non?"tanong ni Yannie. "Sundan mo." Tinulak nya pa ako.

"Ako na kokopya para sayo, alis na."sabi ni Lyra.

nag mamadali naman akong tumakbo palabas at hinabol si Zero na nag lalakad papunta sa feild.

umupo sya sa bleachers, tinukod nya ang dalawa nyang siko sa tuhod nya bago yumuko dun at tinakip sa mukha ang dalawang palad.

dahan dahan naman akong lumapit.

"Zero." Mahinang tawag ko.

sumulyap sya sakin at sumenyas na umupo ako sa tabi nya, and i did.

"May problema ba?" Malumanay na tanong ko.

"dati hindi ko pinag sisihan ang ginawa kong pag ganti sakanila kase naka ganti ako sa ginawa nila sayo."mahinang sabi nya bago umupo ng indian seat at humarap sakin. "Pero pinag sisisihan ko na ngayon na gumanti ako sakanila, kase ikaw nanaman ang binabalikan nila para maka ganti."

napa isip ako, simula nang masali ako sa section E, lagi nalang ako ang ginagantihan. napag kamalan akong girlfriend ni Zeus, tapos ngayon malamang alam na nung mga yon na girlfriend ako ni Zero.

"im sorry." Sabi nya, malamlam ang mata nya na naka titig sa mata ko..

"Bakit ka nag sosorry? Wala ka namang ginawang masama." Sabi ko pa.

"Basta."Sabi nya bago ngumiti at hinila ako palapit para yakapin. "sorry in advance. Sa mga mangyayare. Sorry."

-

"Ano ba yan."reklamo ko, nasa canteen kami ngayon at nag kakagulo ang mga kaklase ko na nag aagawan ng pagkain. "Akin nga to eh!" Sigaw ko nang subukan nilang kunin ang pag kain sa tray ko.

"Bakit ba kayo nag aagawan? Pwede naman kayong kumuha ng bago! libre naman dito!" Singhal ni Zeus na mukhang kanina pa nababanas sa kaguluhan namin.

Ilang minuti pa kaming nag kagulo dun, hanggang sa mapatingin ako kay Yannie na tahimik na lumilinga. Naramdaman nya siguro ang tingin ko kaya napa tingin din sya sakin.

"Hmm, asan si Nathaniel?" Sabi ko nga eh, i speak for the whole class.

"Ha? Mag kasama sila ni Areeya, may pinag usapan ata."si Lyra ang sumagot dahil sya ang pinaka malapit sakin.

ngumuso si Yannie.

"Eh si Zero?" Tanong ko, ngayon ko lang napansin na wala sya, luminga ako. Walang sumagot sakin kaya inulit ko. "Nasan si Zero?"

Natigil naman si Matthew na mukhang marinig ang tanong ko. "Ah, mag kasama sila ni Mauriel." Napa kamot pa sya sa batok nya. "Wag kang mag alala! May sinabi lang si Zero dun."

"Bakit ka sumisigaw?" Singhal ko, sinisigawan nya ako eh!

nag hehe lang sya at nag peace sign sakin, hayp na to.

Nilabas ko ang cellphone ko para mag text kay Zero, kung nasan sya at kung kumain na ba sya.

[nasa bahay ako, kasama ko si mommy.. hindi ako makakapasok sa afternoon classes pero susunduin kita mamayang uwian.]


"Anong sabi?"tanong ni Yannie sakin..

naka tingin silang lahat sakin.

"Nasa bahay daw nila, kasama si mami nya."kibit balikat na sabi ko.

"Diba nasa medical mission si ti----hmmmpfff!" Hindi natapos ni Josiah ang sasabihin nya nang hatakin sya ni Kipper at hinead lock.

"Hehe, kain ka na."sabi ni Allen at tinak palapit sakin ang tray ko.

Buong araw kaming nag kagulo, normal naman samin yun, hindi na namin nakita si Areeya, Nathaniel at Mauriel.

"Sasabay ka ba samin?"tanong ni Zeus na naka tayo na sa labas ng pintuan, naka dungaw lang sya sa pinto.

"Susunduin ako ni Zero. Mauna na kayo."sabi ko. Tumango sya at umalis na sila.

inayos ko pa yung mga upuan bago ako lumabas at nag lakad papunta sa gate ng campus.

Maya maya pa ay dumating na si Zero dala ang kotse nya.

Pag pasok ko sa kotse nya ay pinarada nya yun sa gilid.

"Wait lang, naiwan ko yung notebook ko sa math. Hintayin mo ako dito ha." Paalam nya bago bumaba at tumakbo papasok.

ilang minuto akong nanahimik sa loob ng sasakyan nya hanggang sa tumunog ang cellphone nya na naka lagay sa gitna ng upuan namin.

Napa tingin ako sa screen at nag pop ang pangalan ni Mauriel, sa sobrang curious ko ay dinampot ko yun at binasa ang message.

And curiosity killed me.

[think about it, pagisipan mo ng mabuti ang pinag usapan natin kanina, thank you din kanina nung lunch, i enjoyed. ]

_________________________________________________________
votee

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now