∆ 5 ∆

3.9K 140 5
                                    

Allexandria Faira's POV

one month.

JUSMIYO!!

ONE HELL MONTH!

one month akong pinag titripan ng mga lalake kong ka-klase at one month din akong sinasabihan ng mga kaklase kong babae na 'hayaan mo na, may pinapatunayan lang yang mga yan.'

Jusme! Sa totoo lang! Tinatamad na akong pumasok ng school!

"Hoy. Pag ikaw na-late kukutusan kita."

Sa sinabi yun ni Mame ay napa tayo ako galing sa pag kaka-higa ko sa kama.

"Eto naman si Mame, di makapag wait? Di pwedeng nag iisip ako kung pano ko sasapakin si Zeus mamay---" napa takip ako sa bibig ko.

Uh-oh.

Tinaasan ako ni Mame ng kilay.

"Zeus huh?" Naka ngising sabi ni Mame. "Ikaw ah!" Nang asar pa! Tibay!

"Eww mother." Maarteng sabi ko. "Bye na."

Nadaanan ko si Dade na naka upo sa couch at may hawak na bond paper.

"Ganda oh!" Pag mamayabang nya sakin bago hinarap sa gawi ko ang bond paper na may drawing na bagong design na damit, with colors.

Nice nice. Bebenta yan.

"Hindi naman ikaw nag drawing." Pang aasar ko kay Dade. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Drawing ng asawa ko!" Mayabang na dag dag nya pero masama parin ang tingin sakin..

Nginiwian ko sya. "Lakong pake Dade, drawing yan ng nanay ko."

Tinaas nya ang hawak nyang unan at ibabato sana sakin kaya mabilis pa kay the flash na tumakbo ako palabas ng bahay..

Sumakay ako sa kotse at nag pa hatid na sa school.

Pag dating dun ay ako na ang nag bukas ng pinto ng sasakyan.. naglakad na ako papasok.. Napa pikit ako sa inis nang maalalang malayo pa ang building ko.

Naka sibangot akong nag lakad papunta sa building, malapit na! Malapit na ako--- napa tigil ako sa pag lalakad nang harangin ako ni Noah. Naalala nyo yung lalakeng kumausap sakin nung first day? Sya yun.

"Kamusta Faira?" Naka ngising tanong nya sakin..

Tinaasan ko sya ng kilay. "ano nanaman ang kailangan mo?"

"Ayaw mo pa bang lumipat sa section ko? Magiging reyna ka dun." Ngumisi sya lalo, sarap tanggalin ng labi nya. "Hindi katulad dyan sa section mo, inaaway ka."

Ngumiwi ako sakanya. "No thanks. I would rather stay with them." Nginisian ko sya, nawala ang ngiti nya.

Nag tiim ang bagang nya bago sya ulit nag salita. "Pag sisisihan mong hindi ka lumipat sa section ko."

"Pag sisisihan mong pinipilit mo syang lumipat sa section mo."

Pareho kaming natigilan ni Noah, sabay kaming napa tingin sa unggoy na naka pamulsang nanonood samin.

"Tsk. Nangengealam ka nanaman Zero." Umiiling na sabi ni Noah, "wag ka nang makisali dito."

"Shut up." Pambabara ni Zero, lumapit sya samin at hinatak ako papunta sa building namin.

Nag tataka ako, hindi maingay! Wala akong marinig na sigawan! You see kase, usually kapag umaga, nasa labas palang ako ng building, maririnig ko na ang sigawan, ang kalampag ng kung ano, makikita ko na ang pag lipad ng mga gamit palabas ng pinto ng classroom.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now