∆ 4 ∆

4.1K 134 3
                                    

Allexandria Faira's POV

KINABUKASAN AY BORED AKONG NAG LALAKAD PAPUNTA SA CLASSROOM.

pag tulak ko nang pinto para maka pasok ay ang pag buhos sakin ng tubig.


Napa pikit ako sa inis. Masakit pa nga ilong ko tas mag uumpisa nanaman sila!

Naka rinig ako ng mga snort.

Dumilat ako at mukha agad ng hari ang nakita ko.

"Bwiset ka." Mahinang bulong ko kaya malamang ay hindi nya narinig.

Nginisian nya lang ako.

Umirap ako sakanya at lumabas ulit ng classroom para pumunta sa CR.

Wala namang kakaibang feels sa tubig na bumuhos sakin kaya malamang ay tubig lang talaga yun

Basa ang uniform ko hanggang braso.

Keri pa naman, matutuyo din kaya lumabas na ulit ako ng CR para bumalik sa classroom.

Pag pasok ko ay deretso ang upo ko sa upuan ko malamang.

Napa tikhim ako nang bumungisngis ang mga lalake na naka upo sa likuran ko.

Lumingon ako at nakitang naka tingin sila sakin.. Kinunutan ko sila nang noo bago umayos ng upo at humarap sa board.

"Wews.. Allexandria.. Ihing ihi ka na ba?"

Napa kurap ako sa tanong ng hari.

Lumingon ako sakanila.

"Baket?" Tanong ko.

"hindi mo na mapigilan?" Tanong nya sakin.

Napa kuyom ang kamao ko nang maramdamang basa ang palda ko sa likuran.

Sinamaan ko sya ng tingin

"Ano pangalan nya?" tanong ko kay Yannie na katabi ko. Tinuro ko ang hari.

"Ah. Zeus. Zeus ang pangalan nya." Sagot nya sakin bago binalik ang tingin sa cellphone nya.

"Hoy ikaw Zeus." Tawag ko sa hari. "KSP ka? Kulang na kulang ka sa pansin kaya ka nag papapansin sakin?"

"Psh. Asa." Sabi nya..


"Edi tigilan mo ako! Ang aga aga ako pinag titripan mo! Sapakin kita dyan eh!" Singhal ko sakanya. Inambaan ko sya ng suntok.

Napa singhap sila. Umatras pa ang mga upuan nila habang natatawa ang mga babae.

"Chill Allexandria." Sabi ng isang lalake na sa pag kaka-alala ko ay Dwight ang pangalan.

"Lagyan ko ng Chilli yang mata nyo, tigilan nyo ako." Banta ko pa.

Umupo ako ng maayos.

..

suminghap ako nang tamaan ako ng notebook.

"Chill ka lang." awat sakin ni Lyra nang akmang haharap nanaman ako sa mga unggoy.

"Nanggigigil ako ah." Mahinang sabi ko.

"Hayaan mo na.. may sinisiguro lang sila." Bulong sakin ni Lyra.

Ngumuso ako..

Sabihin ko kaya kay Lyra na may telekinesis ako? Bat hindi diba? Hindi nya naman siguro ipag kakalat. at, alangan namang isekreto ko sa buong section na meron ako nun?

"Lyra." Tawag ko sakanya. Tumingin sya sakin. "Tignan mo yung ballpen mo."

Tumingin sya sa ballpen nya na naka patong sa desk.. nanlaki ang mata nya nang unti unti yon umangat sa ere nang walang humahawak.

"P-panong." Utal na sabi nya, tumingin sya sakin.. "may telekinesis ka?" Gulat na bulong nya.

Ngumiti lang ako.

"Kaya pala ang ayos ng bagsak ng gamit ko. Kaya pala nag liparan ng crumpled paper sa likuran. Kaya nang ihagis ni Zeus sayo ang baseball ay lumipad sakanya ang mga bola. Kaya tinamaan din sya ng baseball na sakto sa ano nya!" Bulong ni Lyra na nag karoon ng light bulb sa ulo.

"Shh ka lang ah." Sabi ko. Tumango tango sya.

"Sample nga." Sabi nya pa sabay tawa.

"lingon ka nga kung may babato ng notebook." Sabi ko kaya lumingon sya.

"Si Nathaniel." Sabi nya sakin, saktong tumama sa ulo ko ang isang notebook.

Hinawakan ko ang notebook ni Lyra. "Tignan mo." Sabi ko sakanya. Tumingin sya sa notebook na hawak ko.

Napa takip sya sa bibiga nya nang lumipad yun pabato sa mga lalake sa likod.

"Ow." Dinig naming sabi ng isa sakanila...

"Bullseye." Bulong nya sakin sabay apir.

Nag kibit balikat lang ako.


Nang matapos ang klase buong araw ay puro pang titrip ang natanggap ko sa mga lalake.

Nang makalabas ng school ay nakita ko na ang sasakyan na susundo sakin. Napa irap ako.. Walang masakit sakin, takbuhan ko ba?

"HABOL!!" sigaw ko nang lumabas si kuya Almond sa kotse ay tumakbo ako palayo!

"AYAN KA NANAMAN FAIRA!"

tumatawa akong tumakbo palayo sakanya.



"HABOL PA!!" Sigaw ko nang makalabas ako sa mismong gate ng campus!


Napa tigil ako sa pag takbo nang makita si Zeus na naka tayo at nag tatakang naka tingin sakin.


"Ano!" Sigaw ko sakanya bago lumingon para tignan kung andyan na sila Almond! Nang makitang medyo malayo pa sila ay nag patuloy ako sa pag takbo!.



Kaso hinawakan ni Zeus ang braso ko para pigilan ako sa pag takbo.

"Ano ba!" Singhal ko. "May tinatakasan ako! Mamaya ka na!" Sinubukan kong tanggalin ang pag kakahawak nya kaso ayaw talaga!

Lumingon ulit ako kela Almond. May tumigil na kotse sa harap nila kaya napatigil sila! Akala nyo ah!

"Kung ayaw mong bumitaw!" Sigaw ko. Tumingin ulit ako kela Almond na malapit na samin, "TAKBO!!!" Sigaw ko at hinila si Zeus na nahila ko naman!




"Ano ba!" Sigaw ng hari habang hinihila ko sya.


"AYAW MONG BUMITAW EH!" sigaw ko, hinila sya paliko sa isang eskenita malayo sa school..



Masikip ang nalikuan ko!


Kaya naman.



"Para kaseng tanga eh." Inis na bulong sakin ng hari, naka tukod ang isa nyang braso sa gilid ng ulunan ko at ang isang kamay ay naka hawak sa bewang nya.


Isang dangkal nalang ang layo ng mukha naming dalawa at dikit na ang katawan namin! Eww! Maliligo ako sa alcohol mamaya! Kadiri! Nadikitan ko ang hari!



Sumilip ako nang makitang nalagpasan kami nila Almond.

"Ha!" sabi ko. Tumingin ako sa hari na naka titig sakin. "Alis nga dyan!" Singhal ko at tinulak sya palabas ng pinag taguan namin.


Nag pagpag sya ng damit.. Sinamaan pa nya ako ng tingin! Tibay! Pag katapos nya akong harangin, sya pa ang galit?!


"Ano nang kailangan mo?" Tanong ko sakanya, nameywang ako.


"Wala." Simpleng sagot nya bago ako tinalikuran at naka pamulsang naglakad palayo.


ABA!PAGKATAPOS NYANG PAHIRAPIN ANG PAG TAKAS KO KELA ALMOND! IIWAN LANG AKO?


tsaka.


EWW! MAS OKAY NA PALANG INIWAN NYA AKO! AYOKO SYANG KASAMA.


--

-LEXA

Worst Section [Fire #3]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن