∆ 12 ∆

3K 145 1
                                    

Allexandria Faira's POV

"HOY! ANO YAN HA! NAG SLEEP OVER LANG MAY PA SABIT SABIT NANG GANYAN! ANO KA? TARSIER?!" Bungad ni Allen nang maka pasok kami ng classroom.

"Bwiset ka." I hissed bago pinulot ang sapatos ko at hinagis sakanya, na nailagan nya at dumiretso sa labas ng bintana. "AHHH!! MY SHOES!"

dali dali akong tumakbo palapit sa bintana at sinilip ang pinag bagsakan ng sapatos ko.

"ARGH!" Sigaw ng babae sa baba.

"Uh oh." React ni Lyra na nakisilip.

"kunin ko yung sapatos ko." Sabi ko nalang at tatakbo na sana palabas pero bumalik din ako at sumalampak sa upuan ko.. "Wag na pala. Katamad."

Nag snort sila.

"Katamaran." Sabi ni Zero.. "Sabagay, kung ako nasa sapatos mo hindi ko na din babalikan."

Hindi sya pinansin ng mga kasama namin pero nag react akk.

"Bobo. Ikaw nga yung nasa sapatos diba? Pano ka babalik eh nasa sapatos ka nga? Uh wait, nawala ako." Biglang tigil ko dahil kahit ako ay naguluhan sa sinabi ko.

Hindi ko geta yung sinabi ko!


"Manahimik ka na nga." Sabi ni Zeus na kakapasok lang.



Inismiran ko sya.




"Pake mo!" Singhal ko.




"oh pake mo daw! Pake mo daw! Ano ano? Pass pass?" Singit ni Dwight.




"Whatever Dimwit." Sabi ni Zeus at naupo na.



Eh? Napaka sungit nf lalakeng to. Kala mo may period AHAHHHAHAHAHAHHA.



"oh dimwit daw oh. Dimwit daw." Gatong ko. "Pass?"



"Gago ka ah." Sabi ni Dwight kay Zeus.



"maka gago naman Dwight? Alam mo ba ibig sabihin ng dimwit?" Tanong ni Lyra na kanina pa nanunuod samin.






Napa tigil si Dwight bago kumamot sa ulo nya. "Hinde. Ano ba yun?" tanong na bago nilabas ang cellphone at nag pipindot dun.





Umismid ulit ako ar napa lingon sa mga kaklase kong nag bubulungan sa likuran ng classroom.




"Hoy ano yan ha." Curious na tanong ko.




Napa tigil sila at napa tingin sakin.



"Allexandria. Samahan mo nga ako sa CR." yaya sakin ni Zelaria bago lumabas ng room.




"Ih?" Tanong ko.. but i stood up and followed her anyway.. "Ateng wait!"




Tumigil sya at hinintay ako.



"Kamusta buhay sa section E?" Tanong sakin ni Zelaria habang papunta kami sa cr.



"Masaya hehe." Sagot ko. "Buti nga di ako ginugulo nung Noah na yun eh." Sabi ko pa.



Tumawa sya. "Ano ba kasing ginawa mo dun?"



"Ah. Inofferan nya ako na tutulungan nya daw akong lumipat sa section nila, sagutin ko sya at magiging reyna daw ako." kwento ko. "Sorry sya, mas gusto ko pang maging utusan ng section E kesa maging jowa sya."





Ngumiwi sya. "as if naman na uutusan ka ng mga yun."



Nameywang ako habang nag lalakad kami.


Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now