∆ 29 ∆

2.7K 116 9
                                    

Allexandria's POV

nag kamali nang pag kakaintindi ang gago.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin" sabi ko sakanya bago umupo nang maayos at tinanggal ang kamay nyang naka patong sa hita ko.

Ngumiti sya nang tipid bago tumayo at bumalik sa upuan nya.

Mukhang wala namang naka pansin nung ginawa ni Zero.

O akala ko lang ba yun dahil lumapit nanaman si Matt na maloko ang ngiti sakin.

"Hmm.."sabi nya at tumabi sakin. "Ano yun ha."

"Pinag sasabe mo." Singhal ko sakanya.

"Anong bulungan yon." Sabi nya pa at tinignan ako na akala mo detective na sinisisid ang kalalimlaliman ng utak ko.

"May sinabi lang." Sabi ko sakanya at umirap.

"May sinabi daw! May sinabi lang pala. Eh bat kailangan may pag haplo--AAAHKK! JOKE! JOOKKKAAHKK!!"

hindi na sya naka tapos nang sakalin ko sya.

***

Lunch break at naka upo lang ako sa upuan ko.. Naka titig ako sa papel na naka patong sa arm chair ko.

"Allexandria! Hindi ka ba kakain?" Tawag sakin ni Lyra kaya napa tingin ako sakanya. Naka tayo sya sa pinto at sya nalang mag isa ang natitira bukod sakin dahil nasa cafeteria na ang mga patay gutom naming mga kaklase..

"Nope.. Tinatamad ako." Sagot ko at umayos nang upo pero tinatamad talaga ako kaya nag slide nanaman pababa ang pag kaka upo ko.

"Padalhan nalang kita nang pagkain kay Nathaniel?" Patanong na alok ni Lyra.

"Sige." Tinatamad na sagot ko at umalis na sya.


Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakikipag staring contest sa glass board ng classroom namin. Natigil lang yun nang pumasok si Nat---Zero.


Bumuntong hininga ako at dumukdok.. Ayoko syang makita, ginugulo nya lang ako. ZEUS AKO! ZEUS LANG! hindi pwedeng kay Zero ako.

si Zeus ang pinaka unang lalaking nagustuhan ko, at ginugulo ako nang lalaking to.. Sa tuwing lumalakas ang tibok ng puso ko kay Zeus, ay eekstra naman ang isang to at papatigilin ang pag hinga ko, pati ang pag ikot ng mundo ko ay tumitigil at sya lang ang nasa isip ko.

Idagdagpa na pareho sila ni Zeus na nag papakita nang affection sakin. Hindi ko malaman kung totoo ba ang pinapakita nila sakin, o kung sino ang paniniwalaan ko.

"Baby.."

Nanginig ang katawan ko nang tawagin nya ako.

"Kumain ka na." Malambing na sabi nya kaya napapikit ako nang mariin.

May kung anong lumilipad sa tiyan ko at nakakakiliti iyon! Para akong naka sakay sa vikings at pabagsak na ang bangka kaya nakakakiliti sa tyan.

"Ahh.. Baby.." Tawag nya pa at humawak pa sa likuran ko at hinimas iyon kaya napa upo ako nang maayos.

tumawa sya nang mahina pero hindi ko sya nililingon, kinakabahan ako.. Natatakot akong mahulog.

"Kumain ka na." Sabi nya at nilapag sa arm chair ko ang isang tray.

Hindi ako nag salita at sumubo nang isa.

mabagal ko iyon na nginuya.

"Ganyan ka ba talaga kabagal ngumuya?" Natatawang sabi ni Zero na naka sandal sa armchair nang katabi kong upuan at pinapanood akong kumain..

"Go away Zero." Mahinang sabi ko nang malunok ko ang kanina ko pa nginunguya.

"Aww.. Nagalit ba ang baby ko?" Malambibg na sabi nya at tumawa pa nang mahina na akala mo nakaka tuwa ang nabg yayari..

"Stop." Mariin kong sabi. "Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo.. Tigilan mo na ako parang awa mo na."

"Bakit... Bakit kita titigilan?" Sabi nya pa pero hindi ako lumingon, ayoko.

"Natatakot na ako.. Ayokong mahulog." Prankang sabi ko.

"Mahulog sakin?" dinugtungan nya pa ang sinabi ko. "Allexandria, sasaluhin kita.." mahinang sabi nya.. "Kahit sya pa ang gusto mo at ipag tulakan mo ako palayo, hindi kita iiwan."

Hindi ako sumagot at yumuko.

Ayoko.. Ayoko!


"Allexandria, bago ka pa man mapasok sa section E ay kilala na kita." Biglang sabi nya pero hindi ako tumingin. "Nakilala kita sa isang beach resort.. may reunion ata kayo nun. Ang ingay ingay nyo pa at nakaka bwiset yun pero nang makita kita ay natigil ang lahat.. Nawala ang ingay.. Nawala ang mga tao.. Ikaw lang ang nakikita ko...Shet nakakabading pero na love at first sight ata ako sayo." Tapos tumawa sya.. "Inistalk kita.. Tinanong ko ang pangalan mo sa isa sa mga kasama mo dun.. Hindi nya sinabi dahil hindi nya daw ako kilala... Pero nang pumasok ka sa classroom nang section E ay halos mamatay ako sa saya.. Sobrang saya ang naramdaman ko nang malaman ko ang pangalan mo.. Naka close pa kita, yes chance with crushie." Tapos tumawa sya. "Mahal kita Allexandria."

Natigilan ako.. Tangina... Kalokohan. Nananaginip ata ako.

"Tigil." Sabi ko.. "Tama na Zero.. parang awa mo na." dagdag ko.

Pero hindi ako pumalag nang hawakan nya ang baba ko at pilit na hinarap sakanya ang mukha ko.. Hinawakan nya ang mag kabila kong pisngi gamit ang dalawa nyang kamay.

Nag tama ang paningin namin.

"Mahal kita." Ulit nya. "Mahal na mahal." Ulit nya.

hindi ako kumibo. At tumitig lang sa mata nya.

para ako sinapian nang kung ano nang ibaba ko ang tingin ko mula sa mata nya papunta sa labi nya.


Nakaka tempt.

Shit ano bang sinasabi ko! Binalik ko ang tingin ko sa mata nya at naka tingin na sya sa labi ko!

hindi ako umatras, o kumurap manlang nang dahan dahan nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko.. Napa pikit nalang ako nang mag lapat ang labi namin.

ang kaba ko kanina ay nadagdagan nang igalaw nya ang labi nya.

Hulog na.



_____________________________________________________________________

omg

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now