∆ 20 ∆

3K 134 2
                                    

HAI MGA MAMSH! AHAHAHHAHAHA

Mag uudate ako sa kadahilanang Christmas party namin ngayon at ang ganda ko, charat. AHAHAHA basta yun.

Happy reading!

Vote, commeny and share the story. Lablats.

--

Allexandria's POV

"kadiri." Sabi ni Louisa habang naka tingin sa mga left over food na dinala sa labas ng classroom namin.

"I agree."sabi ni Lyra at tumalikod dahil muntik na syang masuka sa sobrang baho at pangit ng pagkain

"Dwight, Ibalik nyo sakanila yan."utos ni Zeus.

"Ayos!"sigaw nila at nag kanya kanyang buhat ang mga kaklase kong lalake at pumunta sa kung saan.

kumunot ang noo ko.

Tumayo ako at lumapit sa bintana para silipin kung san pupunta ang mga kaklase ko.

hindi ko na sila nakita kaya umupo nalang ako ng maayos sa tabi ng bintana at hindi na umalis sa kinauupuan ko.

Maya maya lang ay pumasok ang mga kaklase ko at nag tatawanan sila habang nag aapir.

"ganda ng mga reaksyon eh!"

"laptrip taena"

"buti nga sakanila."

At nag tawanan sila.

Nag tatala man ay hindi na namin pinansin.

--

"Section E, start cleaning."

Nang marinig yun mula sa speaker ay wala na kaming nagawa at nag silabasan para mag hanap ng mga walis at kung ano pa mang kailangan.

nang makahanap ako ng walis ay kasama ko si Zero na nag lalakad sa hallway para mag hanap ng kalat, may hawak pa akong tubig dahil maarte ang katabi ko at pinag bitbit ako ng tubig para daw pag nauhaw sya, sa sobrang arte yung tubigan nya para sa mga gustong mag pakalunod sa tubig na saksakan ng laki ang lalagyan, akala mo gallon na eh.

"Oh they're starting."

"Buti nga sakanila."

Umirap nalang ako. Tahiin ko yang nga bibig nyo eh.

"Oops." Maarteng sabi ng isang babae mula sa section A nang itapon nya ang isang basong juice sa hallway.

"Oops." Maarteng panggagaya ko sakanya.
"sorry pero hindi mop ang dala ko kaya hindi ako ang mag pupunas nyan."

Bumelat ako at nilagpasan sila.

ulol. Yoko na ng away.

Pero kung mag uumpisa sila, Di ako aatras. Aabante lang AHAHHAHAHAHA.

Nasa kalagitnaan kami nang pag hahanap ng kalat nang may tumawag sakin.

"hey Faira!"

Pumihit ako paharap sakanya at nag cross arms. "Ano?" Masungit na tanong ko sa lalake na naka silip sa bintana.

"walisin mo nga dito sa loob."utos nya sakin.

Tumingin ako kay Zero na naka tingin din sakin. "Ako na." Sabi nya at mag lalakad na sana papasok sa classroom ng section C pero pinigilan ko sya.

"gimme."pag hingi ko sa walis na hawak nya.

Nag dalawang isip pa syang ibigay sakin ang walis pero agad din itong inabot nang samaan ko sya ng tingin.

Binuksan ko ang pinto. Kasabay nang pag bukas ko nang pinto ay ang pag buhos sakin ng likido.

"Ohhh!!" React nila.

Nanatili akong yumuko, nag iisip ng paraan para masapak sila nang sabay sabay, at malakas, na sa sobrang lakas ay malulunod sila sa dugo na lalabas sa mga butas ng mukha nila.

"I knew it." Dinig kong sabi ni Zero na hinawakan ako sa braso at hinatak palabas sa classroom na yun.

nakakainis na tinatawag kaming worst section.. Eh mas masahol pa ang ugali nila eh!

gusto nila ng worst section?

Nag ayos ako ng tayo at kumawala sa hawak ni Zero para pumasok ulit sa classroom ng section C dala ang malaking water jug na hawak ni Zero.

Pinanood nila akong tumayo sa gitna ng klase nila, at nag react nang sobrang oa nang ibuhos ko ang tubig sa sahig, hindi lang sa gitna ng klase nila, umikot pa ako sa harap at likod.

"oops." Sabi ko nang matapos ako na wala nang laman ang tubigan. "Kuha lang ako ng mop."

Lumabas ako sa classroom nila at inabot kay Zero ang tubigan na walang nagawa kundi ang ngisian ako.

Pumunta ako sa feild at nakita ang isang plastic na puno ng basura.

Ngumisi ako, "sweet."

Hinila ko yun hanggang sa classroom ng section C na nag tataka kung bakit yung ang dala ko.

"anong gagawin mo dyan?"


"bobo talaga."

"Mag mamop sya gamit yan?"

"Tanga amp."

"eww."


"Watch." Sabi ko at binuksan ang plastic, sumabog ang mga basura sa loob at nag kalat, iniwasan ako ng basura syempre, ang iba ay nag kalat sa klase. Meron pang nadikitan sa mukha.


"AHH!!"

"YUCK!"

"OHMYGOD EWW!"

"KADIRI SHIT!"

"oops. May naalala ako." Sabi ko kaya napa tingin sila samin. "Walang sinabi si principal na mag lilinis kami sa loob ng classroom.. At wala ding nag sabi na sumunod kami sa utos nyo."

Nag umpisa akong mag lakad palabas ng classroom nila pero tumigil ako sa may pinto, bahagya akong lumingon bago nag salita.

"kami ang batas."sabi ko.

nag sigawan sila ng mura pero hindi ko na sila pinansin at lumapit nalang kay Zero na pinapalakpakan ako.

"Bravo Queen, Bravo."sabi nya pa habang nag s-slow clap.

Nag kibit balikat lang ako at tumawa.

Nag lakad na kami pabalik sa classroom at nakita ang iba naming kaklase dun.

"Basang basa?" Tanong ni Nathaniel. "Anyare sayo?"

"Napag tripan." Sabi ko at nag lakad palapit sa locker namin sa likuran.

"tapos?" Curious na tanong nila.


"gumanti ako."sabi ko bago sinarado ang locker.


Humarap ako sakanila.

"may sinabi pa yan bago layasan ang section E." Mayabang na sabi ni Zero na akala mo ay sya ang nag sabi.


"Ano daw?" Excited na tanong ni Kipper.

Nag lakad ako papunta sa pinto at tumayo dun habang naka harap sakanila.

"Tayo ang batas." Sabi ko.

natahimik sila.

"AH!"

"DAFAK MEN!"

"WAT A LAYN!"

"BATAS PALA TAYO EH!"

nag sigawan pa sila.

"Hindi tayo matatawag na Worst Section kung hindi natin ginagawa ang mga bawal.."sabi ko at natahimik nanaman sila. "So why not break their rules, and be the law."



--

shin_ris6 hai mamsshhieee! Salamat sa suporta. Labyuuuu

Worst Section [Fire #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon