∆ 21 ∆

2.9K 123 1
                                    

Allexandria's POV

KAKATAPOS ko lang mag bihis sa shower room at nag lalakad na ako pabalik sa classroom

Hindi ko na nahahagilap ang mga kaklase namin na nag lilinis kanina kaya malamang ay tapos na ang mga yun at nasa classroom na.

naka yuko akong nag lalakad palapit sa hagdan nang may maka bunggo ako at natapunan ng kung ano.

wala na akong extra uniform men. Eto na yung last.

inis akong tumingin sa naka bangga ko.

"Ano bayan eh!" Reklamo ko kay Zeus na naka tapon sakin ng Ice coffee.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Wag kang maarte, natapunan din ako." Sabi nya at pinagpag ang damit nyang basa ang bandang gitna na baba.

Ngumiwi ako. "Wala na akong extrang damit!" Singhal ko.

"Bili ka." Sabi nya at lalagpasan na sana ako, pero hinarangan ko sya.

"Ikaw bumili! Ikaw naka buhos sakin eh!" Pangungulit ko.

Malay m----- "fine... Come with me."

Halos mapa talon ako sa sobrang saya nang pumayag sya.

Sinundan ko sya nang mag umpisa syang mag lakad hanggang sa mapansin ko nalang, nasa mall na kami.

ganun kami kalapit sa mall.

at natakasan pa namin ang guard samantalang nag lakad lang kami.

Sinundan ko sya papasok sa isang store.

Tumigil sya sa pag lakad at humarap sakin.

"Pumili ka na. Bilis."utos nya.

"Kahit ilan?" Tanong ko. Sana oo hehe.

"Bakit? Masusuot mo ba ng sabay sabay yun ngayon?" masungit na pambabara nya.

Sumimangot ako, sabi ko nga.

Tumalikod na ako sakanya at nag hanap ng masusuot.

"shirt lang ba?" Tanong ko nang maka hanap ng t-shirt na navy blue ang kulay at may naka sulat na Queen sa taas.

"Pang baba, sapatos."sabi nya na may hawak na damit at pantalon tapos sapatos na itim.

Sabagay, ang jeje naman kung tshirt tas palda ang suot ko.

Pumulot ako ng jeans at ng sneakers na puti.

Thursday ngayon kaya pwedeng nag civilian. Well choice naman namin yun kung mag uuniform kami o mag sicivilian pag tuesday at thursday.

Nang bayaran ni Zeus lahat ay dumiretso na kami sa CR.

sa girls ako syempre.

Nang matapos ay tsaka ko lang napag alaman na malaki pala sakin yung tshirt at mukha akong matutulog kung hindi ko itatuck in lahat.

Lumabas na ako sa cr bitbit ang paper bag na may laman na uniform.

Derederetso akong naglakad palabas sa hallway ng cr habang kinakalkal ang paper bag para hanapin ang phone ko..

"Ayun." Tinaas ko ang cellphone ko, saktong may naka bangga ako dahilan para mabitawan ko ang cellphone, at hindi ko alam kung nasalo ba ng paper bag o nahulog sa sahig dahil wala akong narinig na ingay na pag bagsak ng cellphone ko.

"Sorry."ako na nag sorry!

Mukha bang mag sosorry ang naka all black tas naka hood na lalake na nakayuko lang at derederetsong nag lakad palayo.

Kunot noo ko syang sinundan ng tingin, problema nun.

"Allexandria! let's go!" Malakas na tawag ni Zeus sakin sa hindi kalayuan.

Hindi pa muna ako naka lingon kay Zeus dahil lumingon yung lalaking naka itim, ginalaw ko ang kamay ko at natanggal ang hood ng lalake, bago nya pa maibalik yun ay nakita ko ang kutsilyo na tatoo na nasa right side ng pisngi nya, bago tuluyang umalis.

"Let's go!"

Tumakbo ako palapit kay Zeus at sinundan nanaman syang bumalik sa school.


Pag dating sa classroom ay nag tataka silang tumingin samin



"San kayo galing?" Tanong ni Thea na naka pamewang samin.

"At bat ganyan ang suot nyo?" Singit ni Denise na ginaya ang posisyon ni Thea.

"At bakit ang tagal nyo?" Sumingit din si Allen na tumayo sa gitna nung dalawang babae at nag posing na parang si sailor moon.


"Manahimik kayo." Sabi ni Zeus at umupo sa pwesto nya.

"Natapunan kami." Sabi ko nalang at umupo sa tabi ni Nathaniel na nag lalaro ng uno kasama sila Kipper, silang dalawa nalang ni Kipper ang natira.

"Boom, boom, boom, BOOM!" Sigaw nya pa nang sunod sunod nyang ibaba ang tatlong reverse at ang blank card.


"MADAYA!" sigaw ni Kipper.


"Huh. Gimme." Sabi ni Nat at inabutan sya ni Kipper ng wan tawsan.


Mayabang na lumingon sakin si Nat. "At san ka galing?" Tanong nya.

"Mall, kasama si Zeus."sagot ko at pinatong ang paper bag sa lamesa para hanapin ang cellphone ko.

asan na yun? Nilabas ko ang laman ng paper bag, as in lahat.

"anong hinahanap mo?" Tanong ni Nat at naki silip sa paper bag.


"cellphone ko, nawawala."sabi ko at tumigil sa pag hahanap. "nalaglag."


Pero wala talaga akong narinig na bumagsak kanina.


"nahulog?" Ulit ni Nathaniel kaya tumingin ako sakanya.


"Sa tingin ko ay hindi yun nalaglag." Sabi ko at umupo ng maayos bago binalikang uniform ko sa paper bag. "May naka bunggo akong lalakeng naka all black at naka hood kanina, nabitawan ko ang cellphone ko at hindi ko narinig na bumagsak yun, akala ko nalaglag sa paper bag."


"Naka all black? Anong trip yun?" Natatawang sabi ni Nathaniel.


"Baket?" Tanong ni Zero na nakiki chismis.


"May naka bunggo daw na naka all black sakanya kanin---" natigilan si Nathaniel at tumingin sakin. "Edi posibleng nasa kanya yung cellphone mo?"


"Oo." sabi ko bago ako tumawa. "May mga gang na ba ngayon na nangunguha ng cellphone?" Tanong ko pa.



Kumunot ang noo ng dalawa.


"What do you mean?" Tanong ni Zero.


"May tattoo sya sa right side ng pisngi, malay ko kung gang yun."Sabi ko bago clinick ang dila ko. "pero sa tingin ko nasa gang yun.. Kutsilyo ang tattoo."



Nag taka ako sa biglang pananahimik ng classroom kaya luminga ako at lahat sila naka tingin samin.


"shit." Mura ni Yannie.


"Nadali na." Sabi ni Kipper.


"gang ni Knife." Sabi ni Zeus.


Gang ni what what?



--

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now