∆ 47 ∆

2.1K 90 1
                                    

Bulaga

Allexandria's POV

Natapos ang araw na kumain lang kami at nag jamming, hindi natuloy yung plano namin na kung ano ano dahil tinamad na sila. Nag bukasan na din ng regalo at hindi ako umimik nang muramurahin ni Allen ang nag bigay sakanya nun, wala naman daw syang pag gagamitan pero hindi naman nya maalala na ako nag abot sakanya nun.

Kinabukasan, pang apat na araw namin ay mas lalo kaming tinamad, sa sobrang tamad ay nag padeliver nalang kami ng breakfast, lunch, snacks at dinner nang araw na yun at hindi manlang lumabas ng hotel dahil kinabukasan nanaman daw ang alis namin at tapos na naming libutin ang Dairal.

Dumating ang friday at umaga ang byahe namin pabalik, lam nyo bang medyo nabibwiset ako kay Zero. Lagi nalang may kausap sa cellphone! Parang tanga.

Di lang ako nag rereact. Bahala sya sa buhay nya.

habang nasa yate ay puro kami uno cards, nag unggoy ungguyan pa kami gamit yung uno cards, pero nang maguluhan kami ng sobra sa unggoy ungguyan ay nag uno nalang ulit para happy ang lahat.

"Plus four ka ngayon!" Tumatawang sabi ni Allen bago nag lapag ng plus four.

Natawa sila Yannie nang makita ang mukha ni Zero na naka simangot, bago mabilis na nag lapag ng blank card.

"Boom! In your face tanga! Plus ten!"tumawa ng pang demonyo si Zero bago hinampas sa braso si Allen pero napatigil din nang marealize na ako ang kasunod nya. "Sht."

ngumuso ako bago nag lapag din ng blank card. "Kala mo ah! kunin mo lahat Zeus!"

Lumaylay ang balikat ni Zeus. "Madaya ka ah!" reklamo nya pa habang hinihintay si Lyra na nag bibilang ng cards na ibibigay sakanya.

"Plus 26!" Tuwang tuwa na sabi ni Lyra bago inabot ang sandamakmak na cards kay Zeus.

"Ayoko na!" Pag suko ni Zeus bago hinagis ang cards nya.

"Ay weakshit!" pang aasar ni Zero bago tumawa ng malakas at nakipag apir kay Nathaniel.

"Weak ka pala eh." Gatong ni Isabella. "Uwe!"

Nag tawanan ulit kami.

"Kakapal ng mukha nyo." Bulong pa ni Zeus. "Ten twenty nalang ano!" Hamon nya.

"Hah! Akala mo uurungan ka namin?" Singhal ni Isabella.

ilang minuto pa kaming nag stay dun hanggang sa makarating kami sa port, hindi sila nag renta ng bus para sabay sabay kaming makauwi dahil baka daw mag mukha kaming mag fifieldtrip.

Hinatid nadin ako ni Zero pauwi.

"Kailan ulit kita makikita?" tanong ko pa bago ako bumaba sa kotse nya, malay ko ba kase kung kailan ko ulit sya makikita diba?

"Hmm. isang tawag mo lang darating na ako." tumawa sya pag kasabi nya nun.

"Talaga lang ha." Ngumisi pa ako at tinapik ang pisngi nya bago bumaba. "Ingat!"

Kumaway na sya at umalis kaya pumasok na ako sa bahay.

"Allexandria bebe ko!!"

Nagulantang ako sa sigaw ni Mame Zylphire na sinalubong agad ako pag pasok ko sa bahay.

Niyakap nya pa ako.

"Hai mamsi. Kamusta bakasyon nyo madur?" Pag chika ko agad kay Mame.

"wag mo na alamin!" Singhal nya. "muntik nanaman kaming hulihin ng FBI don! Ang gugulo nila!" Stress na sabi nya.

Tumawa ako, ganun sila kagulo.

"Sus wala ka ho bang naambag don sa mga dahilan kung bakit kayo hinabol ng FBI?"Tanong ni Mami na naka upo sa couch.

"aba syempre meron!"tuwang tuwa na sabi ni Mamsi. "Ako kaya tumawag sa FBI!" Balita nya pa samin..

"Sabi ko na nga ba." pag react ni Dadi. "Expected na na ikaw tatawag dun Mumshie eh." Tumawa pa si Dadi bago umiwas sa binatong unan ni Mame.

(Mame or Mamsi: Zylphire)
(Mami: Zylix)

"Bastos kang bata ka." Pananakot ni Mamsi bago nakipag habulan kay Dadi na nataranta naman na tumakbo.

"umakyat ka na sa kwarto mo, mag pahinga ka na." Ngumiti pa si Mami sakin bago kinuha ang hawak kong maliit na maleta.

hindi na ako sumagot at tumakbo nalang papunta sa kwarto ko.

nung gabing yun ay sama sama kaming kumain ng Dinner kase gabi na hehe.

lumipas pa ang ilang araw at pasko na mamaya! Huhuuu!! Yeheeyy.

Kasama ko ang Section E kanina sa mall, namili lang naman kami ng mga regalo para sa isat isa, para kaming nag can't say no challenge amp.

So ang gastos nila, muntik nang maubos laman ng black card ko ahahahahha nauubos ba yon.

Nag pabili ng kotse sakin si Allen kanina, kapal ng mukha. sya ata may pinaka mahal na hiningi saken, kung di ba naman ako tatanga tanga na sinabi ko pang 'kahit gano kamahal basta mabibili ko.'

Ayon hiningian ako ng kotse, hayp amp.

si Zero hindi ako hiningian ng regalo, napaka arte. Ayaw daw ng materyal na bagay, hampas ko sakanya yung hiningi nyang dalawang iphone kay Zeus eh.

Yun ang hindi ko maintindihan sa mga kaklase ko, mayayaman sila bes. MAYAYAMAN! so baket ganun sila kung manghingi ng regalo?

ay sinagot na ako dyan ni Dwight. Sabi nya pa.
'Kase hindi naman namin pera to kaya hindi namin ginagamit para sa sarili namin.'

Hindi ko nga nagets eh kaya sabi ko. 'Hindi nyo ginagamit para sa sarili nyo pero pinanggagastos nyo sa iba?'

At sinagot ako ni Einstein aka Dwight. 'Atleast hindi sarili namin.'

Hindi ko na sya pinansin pag katapos nun, natatanga eh baka matuluyan ako.

malaki na ang tiyan ni Mami at hindi ko parin alam ang gender ng anak nya na kapatid ko. Kanina nga inaaway ni Mami si Dadi kase ambaho daw ng pabango ni Dadi. ayun naligo ulit si Dadi at hindi na nag pabango.

"Allexandria Faira!" I cringed nang marinig ang buong pangalan ko. Grabe ah. "Baka gusto mong tumulong dito! Baka lang naman!"

tumayo ako mula sa pag kakaupo sa sofa at pumunta sa kusina.

"Ano ba yan Dadi? Kung ano ano kase ginagawa mo eh." Sabi ko sabay tawa. "San to ilalagay Dadi?"

"Sa lamesa sa labas." Tinuro nya ang pinto papunta sa bakuran kaya kinuha ko na ang isang tray ng pagkain sa lamesa at binitbit palabas.

"Hai mga Mamser kain na ho kayo!" Pag endorse ko. "Ham with Ham po, special na Ham, fresh from the turbo, very juicy because it came from the Ocean and its made out of corals and Clown fish." Pag endorse ko lalo.

"Juicy tas galing sa dagat?" Pag react agad ng perfect na si Jadh.

"Bakit ba!" Reklamo ko at inambaan sya nang malapag ko na sa lamesa ang tray.

Nandito ang buomg section ni Mame, pati yung mga kaibigan ni Mami at Dadi, tapos yung mga kageneration ko na din.

"May nag hahanap kay Faira! Asan si Faira? Weewooweewooo Incoming! Calling the attention of Faira! May nag hahanap sayo sa labas!" Pumasok sa Bakuran si Jude na naka sakay sa likuran ni Dadi na mukhang nabibwiset na kay Jude..

Bago ako makaalis dun ay narinig ko ang sinabi ni Dadi.

"Asan ba ang tatay neto? Ako nalang lagi pineperwisyo pag nakikita ako eh!" Reklamo ni Dadi. "Tsaka Allexandria! Kung ayaw kong lapain yung lalake mo sa labas eh bilis bilisan mo na!".

Nanlaki ang mata ko.

si Zero!

____________________________________________________________
vote. iwu

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now