∆ 52 ∆

1.9K 81 0
                                    

eyow whats up my luvsss hihi
Dont forget to vote and share da luv ehek

Allexandria's POV

"Anong sinabi sayo?"tanong ni Zeus.

Nawiweirdohan ako sa nangyayari, masyadong seryoso ang mga tao dito sa sala. Tensyonado at parang konting kaluskos na aalarma.

"Wala na daw silang problema kay Zeus."sabi ni Dwight. Papalakpak na sana kami ni Denise dahil wala naman na daw na problema kaso dinugtungan pa ni Dwight ang sinabi nya. "Si Zero ang binabalikan nila. Pati si Nathaniel."

"Bakit sila?"singit ko. Napa tingin sila sakin. "Ay sorry, di po ako pwedeng mag salita?" Tanong ko.

"Hindi ah, kasali ka naman."sabi ni Matthew na ginulo pa ang buhok ko. "Binalikan sila ni Zero at Nathaniel nung mga panahon na nasa hospital kayo ni Zeus."

Ah. So yung ilang araw na hindi ako binisita ni Zero ay yun ang ginawa nya? Ang gumanti? Akala ko nag alone time eh hehe.

Eh bakit si Nathaniel nabibisita naman ako nung time na yun?

"Isang beses lang ako nasali dun, sinundan ko lang to si Zero." Sabi ni Nathaniel. "Dalawang beses ka bumalik dun diba? Nalumpo mo yung iba kaya malamang babalikan ka nila." Naka tingin sya kay Zero.

"Wag na muna natin pag usapan ang tungkol dyan." sabi ni Zeus." Kapag wala na sila." Tinuro nya kaming mga babae.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina? Anong ibig sabihin nung kung nawala ba sila?" Biglang balik ni Thea sa sinasabi ko kanina.

May sinabi ba akong gano---ah! Oo nga no.

"Nakita ko sila sa Dairal beach."deretsong sabi ko. "Pinapanood lang tayo kaya hindi ko na pinansin. Pangatlong araw natin yun." Nag kibit balikat ako.

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ni Kipper.

"Nag tanong ka ba?" Tanong ko at sumimangot sya. "eh hindi naman sila nanggugulo eh."

"eh bakit ka pinuntahan sa bahay nyo nung pasko?"tanong ni Josiah.

"Pinuntahan ka?!"gulat na sigaw ng mga babae, napa talon pa kami sa gulat.

"Hinagisan pa nga ng kutsilyo eh, muntik na syang tamaan." Badtrip na sabi ni Zero

"may nangyaring ganon?!" lahat na sila ay sumigaw kaya nalaglag na ako sa sofa na kinauupuan ko.

Inis akong umusog palapit sa lamesa sa gitna ng sala nila at sa carpet nalang naupo

"akala ko pinuntahan lang sya?"tanong ni Zeus.

"Akala ko alam mo."inis na sabi ni Zero.

"Malay ko ba kung binigyan lang pala sya ng regalo. Pasko eh." Sabi ni Zeus at nag batukan sila.

"Umayos nga kayo."saway ni Lyra, tumigil naman yung dalawa.

"Gamutin nyo na nga si Dwight."utos ni Nathaniel samin

"Bakit hindi ikaw ang gumawa."dinig kong bulong ni Yannie bago tumayo at umakyat sa second floor.

"Ano nanaman bang problema nun?" Inis na tanong ni Nathaniel.

"Ikaw kaya pag tripan ko."singhal ko at napa talon sya sa gulat. "Akala ko ba seryoso ka don? Bat hindi mo habulin ha? Kami pa tinanong mo eh malay ba namin kung ano nanaman ginawa mo don!" Singhal ko.

"Bakit ka nagagalit?" gulat na tanong ni Nathaniel, pinapanood lang kami ng mga kaklase namin.

"Hindi ah."tanggi ko bago tumawa. "Habulin mo na yun." Sinipa ko ang binti nya para tumayo na sya at habulin si Yannie.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now