∆ 51 ∆

1.9K 75 0
                                    

Allexandria's POV

dinala ako ni Zero sa bahay ni Josiah. Malaki, kaso walang katao tao. I mean kase diba mga hayop mga kaklase ko, eh sila lang naman nandito sa bahay ni Josiah.

pag pasok ko palang ay naguluhan agad ako, nag kakagulo sila eh kaya malamang maguguluhan din ako.

May nag lalaro ng uno, may nag cha-chinese garter. May kumakain, may nag aagawan ng remote. Jusko.

si Zero umakyat sa second floor at iniwan ako dito.

"Okay andito na ang mambabarang! Mag tago na kayo!" Pumalakpak pa ng tatlong beses si Matthew nang makita ako na naka tayo sa entrance ng sala.

"Kapal ng mukha mo."singhal ko. "Porket tikbalang ka." Umasta syang susugurin ako ng suntok pero hinawakan sya ni Lyra sa braso para pigilan.

"Hoy mambabarang na panot! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw nya nang maglakad ako papunta sa kusina. Nilingon ko sya at bumelat.

ngumiwi ako at dumiretso sa mga kumakain na nasa stool.

"Allexandria totoo ba?" Bigla nalang nag salita si Dwight na naka tingin sa watermelon na hawak nya. Hindi ako sumagot, sino ba kausap nya?

Tumingin sya sakin. "Bat hindi ka sumasagot?" Tanong nya pa.

"Malay ko ba kung sino kausap mo!" Singhal ko at inagaw sakanya ang buong pakwan bago pumulot ng hiwa na sa lamesa at kinain.

"Oo nga! Malay ba nyang pinangalanan mo na ng Allexandria yung pakwan kase kasing laki nya yan." Pag singit ni Allen, binaril ko sya nung buto ng pakwan. Hayok eh.

"Totoo nga?" Ulit ni Dwight bago inagaw yung pakwan saken.. "Totoo bang pag first time mag karegla namg babae pinupunas nila sa mukha nila yung panty nila para iwas pimples?"

nabuga ko ng tuluyan lahat ng inipon kong buto ng pakwan sa bibig ko kaya dumiretso yon sa mukha ni Allen.

ang bold masyado mag salita ni Dwight! Walang preno!

"Ano ba yan Allexandria! Ang dugyot naman! Baka ma leptospirosis ako! May sugat pa naman ako sa kilay tapos nabugahan mo pa ako ng laway! ohmaygahd pupunta ako sa hospital!" Maarteng sabi ni Allen bago tumayo at nag cat walk palabas ng kusina.

"Totoo ba yon?" Tanong ni Dwight ulit. Saktong pumasok si Josiah.

"Anong totoo?" singit ni Josiah, bat ka pa dumagdag ha.

"Yung tinanong ko sayo kanina!" Sabi ni Dwight kay Josiah na napa tango tango nalang. "ano na?"

"Siguro? Hindi ko naman ginawa yun eh." Sabi ko. Hmm aha! "Totoo yun sabi nung nanay ko hehe."

"Talaga? Pre peram panty." Biglang sabi ni Dwight kay Josiah.

"Gago mukha ba akong nag papanty ha." Singhal ni Josiah. "Nag babra lang ako pero hindi ako nag papanty!"

"Bulok ka naman bro." Kumamot sa ulo si Dwight. Tumayo sya at nag lakad palabas.

"San ka pupunta?!" Sigaw ko.

"Bibili ng panty!" Sigaw nya pabalik kaya napa tawa ako. Tangina uto uto.

"Color red na lacy ang kunin mo sa Victoria's secret para full force!" pahabol na sigaw ko bago ko hinampas hampas si Josiah habang tumatawa.

"totoo nga yon?" Di makapaniwalang tanong ni Josiah.

"Oo nga." Pang uuto ko pa. "bahala ka na nga dyan." Iniwan ko sya dun at pumunta sa sala.

"Hoy tinikling na kami eh!" Sigaw ni Matthew kay Lyra.

"Ulol! close feet palang kayo! Ambisyoso to!" Singhal din ni Lyra.

"Hayaan mo na pre! pinanganak na maduga yang mga yan eh!" Pag awat ni Nathaniel kay Matthew at nag laro na ulit sila. Tumalon na ulit si Matthew..

"Wag mong galawin yung garter! Maduga talaga tong cheater na to eh oh!" Singhal ni Matthew habang naka turo kay Lyra na tawa lang. Nag ayawan na sila at sumali nalang si Matthew at Nathaniel sa mga nag uuno, nakisali din si Josiah.

"boring naman neto, tara silent killer." Yaya ni Zero na kakababa lang at lumapit agad sa mga nag uuno.

"O tara tara."

Nag labas sila ng notebook at pumilas ng isa don tsaka sinulatan ng kung ano. Nang matapos sila ay nag bunutan na.

"ako narrator!"sabi ni Kipper."Game matulog na kayo." Nag takip sila ng unan sa mukha at nag yukuan.

"Kailangan talaga matulog?" Tanong ni Matthew. "Ay hinde? Sige po." Sabi nya nang makitang masama ang tingin sakanya ng mga kalaro nya.

"Gigising ang killer!" Sabi ni Kipper at walang gumalaw. "Killer gising na! Ano ba yan!" Singhal nya nang wala talagang gumigising na killer.

"Sino ba killer?" Inis na sabi ni Zelaria na nag tanggal na ng takip sa mukha.

"Ha? Police ako eh." Pag amin ni Zero..

"Ay ano ba yan ang bobo! Bat ka umamin?" Singhal ni Nathaniel. "Doctor ako hehe."

"ako ata killer. Naka limutan ko hehe." Sabi ni Josiah na napa kamot nalang sa ulo..

napa face palm ako sa laro nila.

"So ano nga ang dahilan? Bakit nyo ako pinapunta dito?"tanong ko para maputol ang kaguluhan na nangyayari.

Tumigil naman sila at nag tulakan.

"Pre ikaw na mag sabi."tulak ni Nathaniel kay Zeus.

"Bat ako? Ikaw nalang." Tulak din ni Zeus kay Nathaniel.

"Ako nalang." prisinta ni Matthew.

"Wag ka na, kami nga di naniwala sa pinagsasabi mo kanina, yan pa kaya." Singit naman ni Isabella at nag sipaan sila don.

"Ako nalang, katiwatiwala naman mukha ko eh."sabi naman ni Allen at nag pogi sign.

"Ulol tabi nga, naaalibadbaran ako sa mukha mo." Tinulak ni Louisa ang mukha ni Allen. "Ganito kasi yun Allexandria---"

"Bumabalik yung gang nila Knife--ano nga ulit pangalan nung gang nila?"pinutol ni Yannie ang sinasabi ni Louisa, humarap pa sya kela Lyra. "Ah basta yung Alphabet ang tawagan iw."

"Bakit? Nawala ba sila?" Tanong ko.

Sabay sabay silang natigilan at napa lingon sakin, parang pinag praktisan pa nila na magulat dahil parepareho ang mukha nila.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Zero. Bago pa ako maka sagot ay pumasok si Dwight na hingal na hingal, may nga pasa pa sa mukha.

"Ano nangyari sayo?" Tanong ni Louisa na tumayo at binigyan ng tubig si Dwight, pinaupo sya sa single sofa.

Huminga ito ng malalim

"Penge pang hubig." Hinihingal na sabi nito at binigyan naman namin sya.

Huminga sya ng malalim bago nag salita.

"Kinorner ako ng mga tauhan ni Knife."deretsong sabi nya.

___________________________________________________
vote please hehe

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now