∆ 36 ∆

2.4K 89 3
                                    

Allexandria's POV

matapos nang ilang araw, last day of exams na namin, bukas ay christmas break na.

umaga palang at nag lalakad ako papunta sa building namin.

kada linga ko ay nakakakita ako nang mga estudyante na nag rereview, hindi pa naman finals! Kala mo naman talaga.

nang makarating sa classroom ay napaatras ako, lumabas pa ako nang building para tignan kung tama ba ang nakikita ko, kung tamang building ba o kung tamang classroom.

tama lahat.

bumalik ako sa loob. dahan dahan ang pag hakbang ko papunta sa upuan ko habang tahimik na lumilinga.. para akong tanga na dahan dahan na binubuksan ang medicine cabinet para hindi magising ang sleeping pills, (rip sa hindi naka gets).

"AAAHH!!" napatalon ako sa sobrang gulat nang ihagis ni Josiah ang hawak nyang libro. "Wala akong maintindihan!" sigaw nya at tamad na napasandal sa upuan nya, napa lingon sya sa katabi nya na si Kipper na seryosong nag babasa, hinampas nya ang likod nang ulo nito kaya natigik si Kipper.

"Ano ba! Inaano kita dyan!" Singhal ni Kipper at nag patuloy sa pag basa.

"pabasa basa ka pa dyan! Eh wala ka namang naiintindihan!" singhal ni Josiah, nilingon sya ni Kipper at sinamaan sya nang tingin. "Ano? Sabihin mong may naiintindihan ka?"

"wala." sabi ni Kipper bago ngumiti nang sobrang lawak at hinagis pataas ang notebook nya, dahilan para tamaan ni Isabella sa ulo.


"Ano ba!" Singhal din nang babae. "Wala na nga akong maintindihan dito sa binabasa ko tapos maaalog pa nang libro mo?!" Galit na sigaw ni Isabella.

"Hoy pwede ba?! Manahimik kayo! Math ang sunod na exam! Kailangan kong mag concentrate!" Singhal ni Zero na nakikisali na din.

"sus, mag kokopyahan lang kayo mamaya eh." sabi ko at agad nila akong sinamaan nang tingin kaya nag takip ako nang mata.

"masamang mag kopyahan! Hindi namin gagawin yan!" Sabay sabay na sigaw nila saken.

after two hours



"wala na si ser!" Sigaw ni Allen na kakasarado lang nang pinto.

lumabas si sir at iniwan kami saglit dahil pinatawag sya sa principals office kaya naman ang mga kasama ko..


"pakopya!"

"ako muna!"

"hindi pa ako tapos mag sagot! mamaya na kayo mangopya!"

"Wag ka nang mag sagot! Pakopyahin mo na kami!"

wala daw mag kokopyahan.

"Hoy tumigil nga kayo!" Sita ko pero nilingon ko si Zero na katabi ko na ngayon, "anong sagot sa 56?"

natawa sya at inabot sakin ang test paper, natataranta kong kinopya lahat nang andun hanggang 75.


nang matapos kaming mag kopyahan ay wala parin si sir kaya nag siupuan nalang kami sa sarisarili naming pwesto.

hanggang sa tumayo si Nathaniel at lumapit sa pinto, lahat kami ay pinapanood syang lumapit dun. pati ang pag hatak nya sa pinto pabukas, kasabay nang pag tulak ni sir nang pinto pabukas mula sa labas.

nag bungisngisan kami nang mag kunwaring nag s-stretching si Nathaniel na naka hawak sa pinto at nag iinat inat.

"oh! andito ka na pala ser!" kunwaring gulat na sabi nya.

"Anong ginagawa mo dito sa pintuan?" Tanong ni sir bago pumasok at sinara ang pinto.

"Wala naman sir, pa stretching stretching lang." Sagot ni Nathaniel habang nag baballet pabalil sa upuan nya, jusko, help him.

"loko, maupo ka na nga!" singhal ni sir. "tapos na ba lahat?"

"tapos na ser!"

"ang hirap nga ser eh!"

"tuyong tuyo utak ko!"

"muntik na akong sumulo sa buhay! buti nalang matalino ako!"

nang ipapaza ni sir lahat sa harap ang mga test paper namin ay hinalo halo nya yun bago pinamigay isa isa. Mag checheck agad?

"Ser akala ko ba pagkatapos mag exam, uwian na?" Tanong ni Matthew.

"Edi umuwi ka na, basta zero ka sa score dito." Sabi ni ser.

"Joke lang sir, mag lalabas na ba ako nang red ballpen ser?"biglang bawi ni Matt.

nang matapos ay sinulat lang ni sir sa board lahat nang sagot.

"ser! I hab a kwestyon!" Sigaw ni Denise. "pano kung 'red horse' ang sagot?"

napa tawa ako, dafaq.

"kaninong papel yan?" Kunot ang noo na sabi ni ser.


"Nathaniel ho." Sagot ni Denise. "Tanong ko ser kung baket?" Hindi na nya hinintay na magsalita si sir, hinanap na agad nang mata nya si Nat. "hoy Nathaniel! Anong red horse?"

"check ako sa number na yan ha!" sabi agad ni Nathaniel. "Baket? Red horse diba? Sabi dun sa commercial 'dahil ito ang tama!'"


mas lalo kaming natawa sa sinabi nya. Tanginang yan.

"sige Nathaniel, bumili ka nang red horse sa labas, dalhin mo dito." Sabi ni sir.

"Para san sir?" Kunot noong tanong ni Nathaniel.


"Ihahampas ko sayo tutal may tama ka."

nag tawanan kami sa sinabi ni sir.

nag patuloy kami sa pag check hanggang sa mag salita si Zeus.

"ser pano kung 'God is always the answer' ang sagot?" malakas na sabi ni Zeus.

napa takip ako sa bibig ko at napa hagikhik nang tawa.

"hay nako, kay Nathaniel ba yan?" Expected na tanong ni sir.

"Hindi ho, kay Allexandria."

nag tawanan lahat, pati ako.

"Baket? Eh wala na akong masagot eh!" protesta ko. "Mali ba ser?"

"Malamang mali!" Sigaw ni sir at napa hawak sa noo nya. "Jusko tong mga batang to."

"baket mali? Nako ser! Lagot ka kay God!" pang uuto ko, "itama mo na ser! Anak naman ni God yun eh!"


"At anak ka nang detention." pananakot ni ser.


"Joke joke joke! To naman si sir! Mali nga eh sabi ko nga!" Tapos tumawa ako nang malakas.

pag katapos naming mag check ay nag uwian na kami.

aalis pa kami bukas.

kailangan maaga kami.


_______________________________________________________

:')))))

Worst Section [Fire #3]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt