The Wedding

2.9K 97 9
                                    

Hi so may nag request ng chapter na about sa kasal ni Allexandria at Zero, so eto na hehe.

Sana magustuhan nyo, at sorry dahil wala ako masyadong alam sa kasal hehe.. feeling ko mali mali ang mga sasabihin nila dito, pero bahala na ang mahalaga kinasal sila HAHAHAHA.

love youu guys.

****

Allexandria's POV

"Ikakasal ka na talaga."umiiyak na sabi ni Mami, naka tayo sya sa harap ko at naka takip ang bibig.

Pinigilan ko din ang namuong luha sa mata ko, masisira make up ko huhu wag po.

"Mami wag ka nga umiyak."natatawang sabi ko. "Baka umiyak din ako eh."

Lumapit sya sakin para yumakap.

"Zero is a good guy.. I know he won't hurt you."bulong nya pa sakin, humiwalay sya at pinunasan ang luha nya, "be happy okay?"

"I will."naka ngiting sabi ko.

"Nasan ang prinsesa ko?"

Natawa ako sa kakornihan ni Dadi, kakapasok nya lang at kasunod nya si Alexander.

15 years old na sya at matatangkaran nya na ako huhu.

"Dadi."natatawang sabi ko. "Korni mo."

"Baket? Ikakasal ka lang, di na kita prinsesa?"naka ngusong sabi ni Dadi, lumapit sya saken.. "6 years matapos nyong grumaduate ay ikakasal ka na."

Naka ngiti akong tumango, hindi talaga nag ayang mag pakasal si Zero hanggat hindi pa kami stable sa pag tatrabaho.

"Alam mo bang, iniwan ako ng mama mo nung nag aaral palang kame?"naka ngiting sabi ni Dadi, nakita kong dumaan ang sakit sa mata nya bago iyon napalitan ng saya. "6 years ko syang hinintay na bumalik sakin at pakasalan ako."

Naka ngiti si Mami habang nasa tabi sya ni Dadi, yumakap pa sya sa bewang ni Dadi.

"Bakit ka nag hintay?"tanong ko, alam ko yung sagot, I just want to hear it from him.

"Kasi mahal ko sya."naka ngiting sabi ni Dadi. "Kahit ten years pa akong nag hintay ay sya parin ang pakakasalan ko."

Hinalikan nya sa noo si Mami na natawa lang.

"Awit edi kayo na may forever."natatawang sabi ko kaya tumawa din sila.

"Ate."napa tingin ako kay Alexander na naka simangot saken. "Hindi ka na nga nakatira sa bahay, tapos mag aasawa ka pa.. edi lalo kitang hindi nakita lagi?"

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi nya.. "bibisita na ako palagi sainyo.. o kung gusto mo kayo ang bumisita saken."

Ngumiti sya ng malawak. "Sige!"masayang sabi nya tapos kumunoy ang noo. "Kapag inaway ka ni kuya Zero, tawagan mo lang ako ate, ipapasundo kita kay kuya almond."

Tumawa ako, ang cute nya.

"Yakap yakap."sabi ko at niyakap si Alexander, nakisali naman sila Mami.

Maya maya pa ay bumukas nanaman ang pinto.

"Anak ko!! Ang anak ko!!"madramang sigaw ni tita Davi, actually lalake sya, bakla ganon.. kaso girl daw sya kaya tita daw dapat... kaibigan sya ni mami. "Ang anak ko, ikakasal na!"maarteng sigaw nya, naka taas pa dalawang kamay sa ere tapos yumakap sakin.

"Bebe ko!"biglang lihis ni tita Davi nang makita nya si Alexander matapos nya akong batiin.

"Baklang to, wala kang anak gaga!"pumasok si tita Hazel, kasunod nya si tita Sam at tita Addison.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now