∆ 63 ∆

2.2K 73 1
                                    

Allexandria's POV

"Allexandria.." Mahinang tawag nya sakin, napa yuko ako at nag patuloy sa pag iyak. "Shh.. Baby look at me.. Im sorry."

hinawakan nya ang baba ko para iangat pero iniwan ko ang mukha ko at napapikit ng mariin.

Ang sakit sakit..

"Baby..."tawag nya pa. "Im so sorry.. Forgive me please?" Hinawakan nya ulit ang baba ko at inangat, hindi na ako umiwas.

nanlalabo ang mata ko na tumitig sa mata nya.

"Masakit."my lips twitched.. Para syang napaso na napa layo sakin.. Ang mata nya ay pinuno ng takot.

"Saan?"kinakabahang tanong nya. "Baby saan masakit?"

"Sa puso."sagot ko and i quivered.

Naging soft ang mata nya.

"Im really sorry, i didn't mean to hurt you."sabi nya at lumapit sakin lalo.. Dahan dahang lumapit ang mukha nya sakin, naramdaman ko nalang na mag kalapat ang labi namin.

Hindi nya sinasadya pero aware syang nasasaktan ako.

His lips moved, in a very gentle way.. And i responded.

humawak ang dalawang kamay nya sa bewang ko at nilapit ang katawan ko sakanya, ako namang si tanga sinabit ang kanay ko sa batok nya.

Nang bumitiw ako ay pinag dikit nya ang noo namin.

"Im sorry.. Forgive me."sabi nya at niyakap ako.. hindi ako yumakap pabalik, umiyak lang ako.

"Why are you hurting me..."mahinang sabi ko habang nakapikit sa sobrang sakit ng mata kakaiyak

Humigpit ang yakap nya, hinalikan nya ako sa buhok.

Ilang minuto kaming ganun hanggang sa matapos akong umiyak, tahimik lang kami.

Bumitaw sya sakin.

"Lahat ng nakita at narinig mo, wag mong papansinin.."sabi nya habang deretso ang tingin sa mata ko. "I need to go.. Im sorry, bye."

tinalikuran nya ako at nag lakad palayo.

Naka titig lang ako sa likuran nya, walang lumalabas na luha, siguro dahil sobra na ang kakaiyak ko.

umupo ako sa sahig at sumandal sa pader, hindi ko na hinintay na mawala sya sa paningin ko..

Bakit nya ginawa yun?

nang mangalay ako sa kakaupo ay tumayo na ako para bumalik sa classroom, nauuhaw na din ako eh, natuyo yung lalamunan ko.

pag dating ko dun ay natahimik sila, malamang nagulat sa itsura ko, idagdag mo pa na walang emosyon ang mukha ko ngayon.

nag aalala ang tingin sakin.. hindi ko sila pinansin at dumiretso nalang sa upuan ko, hindi ko manlang tinapunan ng tingin si Zero.

nanatiling blanko ang mukha ko, buong araw.

hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko dati at ganito nalang kasakit ang nararamdaman ko, siguro may inagawan ako ng asawa, asawa ng reyna.. Edi hari.

nung uwian ay nauna akong umuwi, hindi ko sila pinansin ng tawagin nila ako, im to tired... Pagod na pagod na ako, gusto ko nang matulog.

Nag lakad lang ako pauwi, hindi naman kasi alam ni kuya almond na mag papasundo ako.. Pag dating sa bahay ay nasa sala si Mami at Dadi, napa tigil ako sa pag lalakad at pinanood sila.

Umiiyak si Mami, habang si Dado ay mukhang nagtataka pa kung bakit umiiyak si Mami.

"Zylix.. Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Dadi habang hinahagod ang likuran ni Mami.

"Masakit."

natigilan ako lalo, nung sinabi yun ni Mami ay parang napaso si Dadi na bumitaw kay Mami.

"Saan masakit? Nasaktan ba kita? Im sorry."malumanay na sabi ni Dadi.

"Ang sakit ng balakang ko Keith."umiiyak na sabi ni Mami.

Natawa naman ng mahina si Dadi at niyakap si Mami, hinalikan nya sa buhok si Mami at pinat ang braso ni Mami.

Napa iling ako at dumiretso sa pag lalakad.

"Oh Fire."

Hanep, napansin nya pa ako?

"hello."bati ko at humarap sakanila, nalagpasan ko na kasi sila.

"Bat ganyan itsura mo?" Nag aalalang tanong ni Dadi kaya napa bitaw sakanya si Mami at humarap sakin.

"Baby.."tawag sakin ni Mami. "may nangyari ba? May masakit sayo? Pagod ka?" Napa tayo si Mami kaya tumayo din si Dadi.

may nangyari..

masakit ang puso ko..

pagod na pagod na..

"Pagod lang ako Mi."sabi ko at lumapit sakanila para humalik sa pisngi nilang dalawa. "Pagod na pagod na ako." nang sabihin ko yun ay tumulo ang luha ko, sinandal ko lang ang noo ko sa dibdib ni Dadi at napa takip sa mukha.

Naramdaman ko ang pag yakap sakin ni Dadi, pati ang pag haplos ni Mami sa buhok ko, pati narin ang pag halik ni Dadi sa ulo ko.

"Faira baby.."sabi ni Dadi, sobrang lumanay ng pagkakasabi nya na para bang masasaktan ako sa pag tawag nya sakin. "Anong problema?"

hindi ako sumagot, tahimik ang buong sala at tanging ang hikbi ko lang ang maririnig.

naguguluhan ako kay Zero, one minute nag hahalikan sila ni Mauriel the next minute ako na ang hinahalikan nya. Kung ano ano ang sasabihin sakin, mag sosorry tapos iiwan ako.

nang tumigil ako sa pag iyak ay humiwalay ako sakanilang dalawa.

"Napagod lang ako sa pag lalakad hehe, nilakad ko lang pauwi eh."palusot ko, mukha namang hindi sila naniwala, malamang eh grabe yung iyak ko eh. "Matutulog na ako mami, dadi."paalam ko bago tumalikod at umakyat sa kwarto.

pagkatapos kong mag bihis ay pumasok ako sa cr at nag babad sa bathtub.

pumikit ako, madali lang to.... One minute lang.

Unti unti akong lumubog..

1............2.....










.....4........7.......8........11..








.....14.....18........22.....










...24......37........45......






















............60



_____________________________________________________________
vote

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now