special chapter 2

2.4K 85 6
                                    

SURPRISE! NA EXCITE KAYO NO HIHI, ako den hihi.

Namiss ko kase mga characters dito kaya naisipan ko mag sulat hihi.

So here you go! Sana magustuhan nyo.

_______________________

3rd Person's POV

"Anong eksena mo dyan."bungad ni Allexandria kay Matthew na kasalukuyang naka upo sa couch.

Kakauwi lang ni Allexandria galing sa trabaho nya, isa syang fashion designer, ewan ko ba simula sa lola nya na si Zylphire(naknampucha lola HAHAHAHHAHAHQHHQHA) hanggang sa mami nya na si Zylix ay puro Fashion designer, kaya ayon pati sya designer na na den HAHHAHAHA.

May sarili syang clothing lign na pinangalanang champagne, alam nyo kung baket? Kase nung nag party sila pagkatapos ng graduation nag putukan ng champagne, tapos andaming alam ng mga kabihan nya na gumawa ng pyramid ng wine glass tsaka binuhos sa pinaka taas hanggang pinaka baba ang lama nito.

Sa kabobohan ni Matthew ay yung isa sa baba ang kinuha nya, ending? Nag laglagan yung wine glass.

"Wala kang pasok?"tanong ni Allexandria kay Matthew na hindi parin sya pinapansin. Napairap nalang si Allexandria at nag lakad palapit kay Matthew. "Hoy! Kinakausap kita!" Singhal ko.

Napa tingin naman sya sakin.

"Ha?"parang tanga na sabi nya. "Hatdog."

"Ha? Hatsos."inis na sabi ko at iniwan sya sa sala para pumunta sa kwarto ni ko.

Pina renovate namin yung bahay ng section, kasi syempre wala kaming personal space dun sa dating kwarto namen kase puro double deck yon.

Actually boys lang ang nag reklamo, since jowa jowa na sila ay nag reklamo sila na hindi sila makapag lambingan.

Eto flashback.

¤flashback¤

"Ipa renovate na kase natin!"reklamo ni Allen.

"Para san nga kasi? Maayos naman ah."sabi ni Zelaria na kasalukuyang tinitirintas ang buhos ni Lyra

"Ang hirap mag lambing eh! Imbes na yung mag jowa lang sa isang kwarto, hinde! Kase mag kakasama lahat!"singhal ni Nathaniel.

Agad naman sumang ayon ang iba pang mga lalake.

"Lambing o lampungan?"sarcastic na tanong ni Yannie.

"Bahala kayo sa buhay nyo basta kayo mag bayad."sabi ni Lyra na sinangayunan naman ng lahat.

¤end of flashback¤

Habang naliligo si Allexandria ay isa isang nag datingan ang mga kaibigan nila.

"Nasan si Allexandria? Nauna sya umuwi diba?"tanong ni Louisa nang mapansin nya na halos lahat sila ay nasa sala at yun lang ang wala. "Matthew nasan si Allexandria?"

"Umakyat."sagot ni Matthew na binaba na ang cellphone nya. "Hi bebe ko namiss moko?" Inangat nya ang kamay nya para abutin si Louisa pero dinaanan lang sya neto.

"Miss mo mukha mo."sabi ni Louisa at dumiretso sa kusina.

Nag bungisngisan ang mga nasa sala at tinuro pa ang mukha ni Matthew na kasalukuyan nang naka nguso.

"Kagutom ah."sabi ni Dwight at sumunod kay Louisa sa kusina.

"Akyat ako."paalam ni Zero at tumakbo paakyat.

Dumiretso sya sa kwarto nya para mag bihis, pag katapos ay pumunta sya sa kwarto ni Allexandria.

Nang makapasok sya ay saktong naka bihis na si Allexandria at nag lalagay nalang ng moisturizer sa mukha.

"Hi baby."bati ni Zero kay Allexandria na hindi sumagot at tinignan lang sya sa salamin.

Lumapit si Zero ay yumuko para halikan ang tuktok ng ulo ni Allexandria.

"Bango mo ah."sabi ni Zero. "Wag ka na mag blower." Agad na sabi ni Zero nang makitang hinawakan ni Allexandria ang blower.

"Basa yung buhok ko."reklamo ni Allexandria.

Hindi sumagot si Zero at kumuha ng towel sa kabinet ni Allexandria, bago lumapit ulit at inumpisahan patuyuin ang buhok ni Allexandria.

"Pwede naman nag blower eh."reklamo ni Allexandria. "Mas madali kaya yon."

"Eto gusto ko eh."sabi ni Zero.

Bahagyang hinatak ni Zero ang buhok ni Allexandria dahilan para mapatingala ito sakanya.

Hinalikan nya sa noo si Allexandria, sunod sa tungki ng ilong, tapos sa labi.

Napa ngiti si Allexandria.

"I love you."mahinang sabi ni Zero.

Hindi naka sagot si Allexandria nang bumukas ang pintuan at may sumigaw.

"SHIT BOLD! BOLD! OHMAYGAHD MAY NAG HAHALIKAN DITO PUTA! MY EYES!"

Natawa nalang yung dalawa sa sigaw ni Matthew na tumakbo pababa sa sala para ibalita ang nakita nya..

"Tara na nga."yaya ni Zero at sabay silang bumaba.

"Tangina pre! Nag hahalikan sila! Hindi ko nakayanan!"kwento ni Matthew na sobrang OA, at puro kasinungalingan lang dahil pag bukas nya ng pinto ay hindi na nag hahalikan yung dalawa. "Ang virgin eyes ko huhu!"

"Hoy anong pinag sasabi mo dyan."sabi ni Allexandria. "Issue ka ah."

Nag tawanan silang lahat nang sumimangot si Matthew.

"Palibhasa di naka halik kay Louisa."natatawang sabi ni Zero.

agad napatayo si Matthew at tumalon kay Zero, dahilan para bumagsak sila sa sahig.

"Hindi kaya! Ang sama sama mo Zero! Mabaog ka sana!" Singhal ni Matthew habang nag papagulong gulong sila ni Zero sa sahig at nag sasabunutan.

"Tara sa kusina."yaya ni Zeus sa mga nasa sala. "Iwan na natin yan."

"HINDI KA SANA HALIKAN NI ALLEXANDRIA HANGGANG SA BIRTHDAY MO!"

"gAGO KA AH! IDADAMAY MO PA AKO!"

"GAGO KA DEN ULOL!"

"AH TALAGA LANG AH"

"AAAAHHHH!! LOUISAAA!! OMG INAAWAY AKO NI ZERO!"

napa iling nalang ang mga kumakain sa kusina.

Hindi na nag bago.

___________________________________________________

There you go hihi.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now