∆ 68 ∆

2.1K 72 1
                                    

Allexandria's POV

"ISANG putok pa, sasabog ulo ng babaeng to."sabi ni Vince na tinutukan ako ng baril sa ulo.

"Pag sumabog yung ulo ko, sasabog ulo ng buong angkan mo."mahinang sabi ko pa at nag make face kase hindi nya ako narinig.

Hindi na pumalag ang dalawa nang hatakin sila ng mga baduy palapit sa section namin, kinuha din ang mga baril.

Hindi ko alam kung dahil ba sa shabu kaya naging tanga tong mga to or inborn na yung pag katanga nila.. Kasi naman diba? Alam nilang may telekinesis ako, so bakit nila ididisplay ang mga armas sa harap ng mga mata ko? Dun pa talaga sa taas ng lamesa.

"Kilala nyo ba ako?" Tanong ni Ashvince.

"Hindi, low profile ka pre, wala kang facebook diba? Di kita nahanap eh."sarcastic na sabi ni Kipper.

"Pasabugin mo nga bunganga nyan." Inis na utos ni Vince.

"Hoy nag iintroduction palang tayo tapis papasabugin mo na bunganga nyan? Edi wala kang taga react sa kwento mo? Maingay yan eh, taga react." Singhal ni Yannie.

Wala namang nagawa si Vince.

"Ashline Ramirez, ring a bell?" Tanong ni Vince na nag lakad palapit sa mga kaibigan namin. "Anong ginawa nyo sakanya?"

natigilan lahat.

Anong ginawa?

"Bakit sya namatay?" Galit na tanong ni Ashvince. "Dahil hindi nyo sya prinotektahan!" Sigaw nya.

napa buga ako.

"Mahal na mahal kayo ng kapatid ko, tapos hindi nyo manlang sya naprotektahan? Bakit? Dahil wala lang sya sainyo? Trip nyo lang syang isali? mas mahalaga yung building nyo kesa sakanya?"tanong ni Vince. "Bullshit!"

"Kaibigan ka ni Noah diba? Nandun ka nung mga panahon na hindi namin sya matulungan dahil busy kami sa pag salba ng pangalawang tirahan nya? Bakit? Tinulungan mo ba sya nung kailangan ka nya? Hindi diba? Gago kasali ka sa mga nambully sakanya!" Galit na sigaw ni Lyra, nang sampalin sya ni Vince ay nag react si Zeus at tinulak palayo si Vince.

"Akala mo hindi namin alam?" Tanong ni Zeus.

"You we're there nung muntik na syang marape."sabi ni Thea. "Pero anong ginawa mo? Nanuod? Hah! Unbelievable."

"Manahimik kayo!" Sigaw ni Vince.. "wala akong kinalaman don! Kayo ang may kasalanan!"

"Eh bakit nasali si Allexandria ha? Wala naman sya non ha."nang hahamon na sabi ni Zero.

"sya ang kasama sa XA."sabi ni Vince. "Isa ding tanga na hindi naprotektahan ang kapatid ko."lumapit sya sakin at hinawakan ang panga ko.. "nasan ka ulit nung namatay si Ashline? Ahh. Nasa party." Tumango tango sya.

And memories came flashing inside my head.

"kasama ko sya sa party."mariin na sabi ko. "Hindi ko sya pinilit, sya mismo ang nag pumilit na sumama sakin dahil ayaw nya sa bahay nyong impyerno!" Sigaw ko.

Broken family pero hindi nag hihiwalay ng bahay, sirang lamesa, basag na bote, amoy sigarilyo, nag kalat na alak, nag aaway na nanay at tatay.. yun ang laging ni Ashline naaabutan sa bahay nila.

"Sinama mo sa party.."Hindi maka paniwalang sabi ni Vince. "Narape sya don diba? Anong ginagawa mo nung mga panahon na yon? Nakikipag chismisan?"

Halatang nagulat ang nga kaklase ko nang marinig na narape si Ashline.

"I passed out fucker."mariin na sabi ko. "May asthma ako nung panahon non, nasa hospital ako."pahina ng pahina na sabi ko.

Tama sya.. Hindi ko naprotektahan si Ashline.

"ikaw ang may kasalanan!" Sigaw ni Vince at tinutok sakin ang baril na hawak nya.

"Pero alam mo? Kung nakikita tayo ni Ash at nalaman nyang naging ganyan ka.. Hindi matutuwa yon."sabi ko..

"Hindi nga ako maka paniwala na may kapatid syang demonyo eh."sabi ni Yannie at natawa.. "Tapos si Ash anghel."

"Hindi ko masikmura na matapos ang nangyari kay Ashline, nakuha nyo pading mag sama, maging masaya at mag tawanan?" Inis na sabi ni Vince.. "Eh mga gago pala kayo eh!"

napa yuko ang lahat nang paputukin ni Vince ang barik na hawak nya

buti mabilis mag react ang katawan ko at naiwas ko kay Nathaniel yung bala.

Napa tingin ako sa kamay ko na naka tali, tinitigan ko ang tali namin ni Yannie, maya maya lang ay naputol yon.

At doon nag kagulo ang lahat.

"Saan ka pupunta?" Tanong nung isang lalaki sakin nang maka tayo ako.

"Panget mo."sabi ko at sinuntok sya sa mukha.

Nang tumumba sya ay umiwas ako sa suntok na ginawa ng isa pa, sinipa ko sya sa tyan kaya napunta sya kay Allen na pinaka malapit sakin.

luminga ako at nakita si Isabella na sinasabunutan ng isang lalake, dali dali akong lumapit at pwersahang tinanggal ang kamay ng lalake sa buhok ni Isabella tsaka ko sya pinalipad sa moon.

Maya maya pa ay gumamit na sila ng baril!

"Ah! Tangina mo!" Dinig kong sigaw ni Zelaria.

"Allexandria!"

Napa tingin ako kay Vince na nasa dulo, naka ngisi sya sakin.

"Para kay Ashline."malakas na sabi nya at tinutok sa kung saan ang baril.

Huli na para mag react ako.. Tumama na kay Zero ang bala..

Nanlaki ang mata ko.

lumapit ako kay Zero na naka upo na sa buhangin.

"Zero.."naiiyak na sabi ko, sa dibdib ang tama eh.. "Baby.."

____________________________________________
______
Vote

One chapter left tapos epilogue na.

Mamaya ko ippublosh lahat, usto nyo yon? Hihi.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now