special chapter 1

2.5K 94 4
                                    

Hai gais, una sa lahat, paki basa ang bago ko nanamang story na horror, The Devil Inside Him ang title hehe. Tignan nyo nalang sa profile ko.

And so ayon eto na ang special chapter nyooo

________

"pre anong nangyare sayo?"tumawa si Nathaniel nang makita ang itsura ni Matthew na mukhang problemado.

"Hulaan ko."nag taas ng kamay si Zero. "Nag away kayo ni Louisa no?"

Bumuntong hininga si Matthew, yun palang ang ginagawa nya pero alam na ng lahat na tama ang sinabi ni Zero.

pumalakpak ng tatlong beses ang mga lalaki ng Worst Section.

"Galing mo naman!"
"Witwiw Fafa ang galing mo!"
"Valetutorian na yan!"
"Baka Valedictorian!"
"Magna cum laude!"

pag puri pa nila kay Zero na tumayo at nag bow sa lahat.

"Hindi lang away..."natigil sila nang mag salita si Matthew.

"Alam ko yan, gustong mag cool off!"pag dugtong ni Allen na ngiting ngiti pa at akala tama ang sinabi nya.

"Mag break."pag tama ni Matthew.

Natahimik sila, habang si Allen ay napa hawak sa dibdib nya at umastang nasasaktan.

"Better luck next time pre."bulong ni Zeus kay Allen at tinapik ni Nathaniel ang likod ni Allen.

"So ano? Break na kayo?"tanong ni Dwight.

Sinamaan sya ng tingin ni Matthew kaya napa atras sya.

"Gusto nga diba? edi makikipag break palang!"singhal ni Matthew. "Bwiset kasi yung kaibigan ni Mauriel eh, yung Shane ba yon? Hinalikan ako sa harap ni Louisa amputek! Sarap ibalibag sa tinik eh!"

"Ahhh nag selos..."tumatango at sabay sabay na sabi ng mga kaibigan nya.

"Eh pag nakipag break, papayag ka ba?"tanong ni Josiah.

"Tanga ka ba? Bat naman sya papayag?"singit ni Kipper at hinampas sa likod ng ulo si Josiah, nag thumbs up naman sakanya si Matthew.

"Malay ko ba!"depensa ni Josiah.

"Wag mo nang isipin yang malay mo, baka mawalan ka ng malay."sabi ni Nathaniel, nag tawanan sila kahit hindi nila nagets, pati si Matthew ay natawa din.

Sa kabilang dako..

"Louisaaa bakit ka ba umiiyak?"tanong ni Yannie habang hinahagod ang likuran ni Louisa na naka ubos na ng tatlong kahon ng tissue.

"Ang sakit kaya!"sigaw ni Louisa at muling humagulgol.

"Ano ba kasi yon?"tanong ni Isabella.

"Ganito kasi yon.."nag salita si Allexandria, nakwento na sakanya ni Louisa ang nangyari dahil sya ang kasama nito matapos ang nangyari. "Nakita nyang nag hahalikan si Matthew tsaka si Shane."

"Nag hahalikan talaga?"gulat na tanong ni Zelaria.

"Hindi pwedeng hinalikan lang ni Shane si Matthew? Tapos nagulat yung bebe mo kaya hindi nakagalaw?"tanong ni Lyra.

"Kung nagulat sya bakit hindi nya tinulak?!"umiiyak na singhal ni Louisa.

"Good point."sabi ni Thea, binatukan naman ni Denise si Lyra.. "pero Louisa, malay mo hindi lang talaga naka kilos agad si Matthew sa gulat."

"makikipag break ka ba?"tanong ni Denise.

"Tanga lang Denise? Bat naman sya makikipag break?"tanong ni Allexandria.

"akala ko lang naman."ngumuso si Denise.

"Akala mo lang yon."sabi ni Thea at nag hampasan sila.

nagulat sila nang biglang kumalampag ang pinto ng kwarto.

Naka tira sila sa iisang bahay, nag pagawa kasi sila ng bahay para sama sama sila ng tirahan, hiwalay ang kwarto ng girls sa boys, puro double deck na malupet.

Tumayo si Allexandria at binuksan ang pinto.

"kailangan kalampagin?"inis na sabi nya, si Zero ang bumungad sakanya na syang kumalampag ng pinto, sa likuran nun ay hawak ni Nathaniel at Zeus si Matthew sa mag kabilang braso na parang criminal na ikukulong.

"Hehe."sabi ni Zero at hinatak si Allexandria palabas.

"Louisa! Eto na ang criminal na sumira sa puso mo! Andito sya para buuhin ulit yon!"sigaw ni Dwight at Allen habang tinutulak si Matthew, Nathaniel at Zeus papasok.

"Teka! Bat kasama kami?"tanong ni Nathaniel at bumitaw na sila ni Zeus nang mapadpad sila sa harapan ni Louisa.. "Bebe ko, tara sa labas."tawag nya kay Yannie na inirapan sya at naunang lumabas.

Lumabas na sila at iniwan ang dalawa sa loob.

"Louisa sorry na."malambing na sabi ni Matthew, umupo sya sa tabi ni Louisa at tumitig dito. "Nagulat lang talaga ako.. Bati na tayo ha? pleaase? Hindi ko talaga sinadya yun babe."

Ngumuso lang si Louisa at tumango, marupok din eh.

Ngumiti si Matthew at niyakap si Louisa.

"Wag mo kasi akong iiwan ng ganun.."sabi ni Matthew. "Kinabahan ako nung nawala ka eh, ang dami pa naman tao sa Kosmos."

Sa kabilang dako..

"subukan mo lang talagang makipag halikan sa iba, hindi talaga kita papakasalan."banta ni Allexandria kay Zero, tumawa naman si Zero.

"Hindi mangyayari yun babe, ikaw lang sapat na."sabi ni Zero at humalik sa pisngi ni Allexandria, suminghap ang iba nilang kasama kaya sinamaan nya yun ng tingin.

"Sinungaling ay."pang aasar ni Allen.

"Kaya pala may hiningi syang number ng babae dun sa Kosmos last week."pag parinig ni Dwight.

"anong number?"tanong ni Allexandria.

"Ah, may babae kase dun sa Kosmos na mukhang model, hiningi nung isa dyan yung number."sabi ni Nathaniel.

"Hindi ko yun hiningi!"sigaw ni Zero, hindi naman talaga. Inaasar lang sya.

"Wala namang nag sabi na ikaw."ngumisi si Lyra. "Defensive."

"Matutulog na ako."sabi ni Allexandria na tumayo at iniwan sila dun, hindi naman sya nag seselos dahil alam nyang hindi totoo yun, pinag titripan nya lang si Zero.

"Baby!! Hindi nga totoo yon!"Habol ni Zero, nilingon nya ang mga kaibigan nya na naka ngisi sakanya.. "Pag ako hindi pinakasalan nun, sisirain ko mukha nyo."bago tuluyang humabol kay Allexandria.

"Babyyy!!!"dinig pa nilang sigaw ni Zero.

nag tawanan sila, dahil alam nilang hindi sila masasaktan ni Zero..

____________________

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now