∆ 56 ∆

1.8K 83 0
                                    

Allexandria's POV

Natigilan sila Zero at napa tingin samin.

Alam nyo yung masakit na hindi nya ako pinapansin? Pero mas masakit yung makita ko syang naka ngiti kasama ang ex nya.

"What the fuck."si Yannie ang nag react para sakin, tumabi sya sakin. "tara." Hinatak nya ako papunta sa lamesa namin at padarag na umupo dun

Naka tulala akong umupo sa pwesto ko.

"Anong meron?" Tanong ko kay Lyra na tumabi sakin, umiling sya sinasabing hindi nya alam.

"Ako oorder."prisinta ni Zeus at tumayo na.

"Sama ako!" Sigaw ni Louisa at hinabol si Zeus kasunod ang iba pa naming mga kaklase.

"Bakit sila mag kasama?"tanong ni Yannie habang naka tingin kela Zero na hinatid si Mauriel at Areeya sa isang lamesa bago pumila sa likuran nila Zeus, at nag usap usap na sila.

"Hindi ko alam." Sagot ko. "Hayaan mo na, may dahilan naman ata yang ginagawa nila."

Sumimangot si Yannie.

Ilang minuto pa ay bumalik na sila Zeus at nag kagulo nanaman kami sa pag aagawan ng pagkain.

"Cr ako."paalam ko bago tumayo at nag lakad papunta sa cr sa labas ng canteen.

Naka tayo lang ako sa harap ng salamin.

napa tingin ako sa entrance ng cr nang bumukas ang pinto at pumasok si Mauriel.

napa irap ako at binuksan ang faucet para mag hugas ng kamay, tumabi naman sakin ang impakta ang nag hugas din ng kamay.

"What can you say?" Tanong nya habang nag huhugas.

"San?"tanong ko, ako lang naman ang kasama nya dito kaya malanang ako ang kausap nya.

"About me and Zero, getting back together."naka ngiting sabi nya habang naka tingin sakin sa pamamagitan ng salamin.

Ah yung comeback nila, teka ano? Nag balikan sila?

wtf.

"Congrats."lang ang sinabi ko. "Mag pakasaya kayo."

ngumisi sya sakin.

"You sound bitter."naka ngising sabi nya sakin, pinatay ko ang faucet at humarap sakanya.

"im not."sabi ko.

Nag taas sya ng kilay bago ako tinalikuran at akmang lalabas na nang mag salita ulit ako.

"Mauriel."tawag ko sakanya kaya tumigil sya sa pag bukas ng pinto. "Sigurado ka bang binalikan ka nya kasi mahal ka parin nya?"

lumingon sya sakin at ngumiti.

"Of course."sabi nya. "why? Nasasaktan ka na pinag palit ka nya sakin?"

Hindi ako sumagot.

"Hmm, better step down, wag mo na syang landiin dahil akin na sya."sabi nya bago lumapit sakin at tinulak ng dalawang daliri ang braso ko. "in fact pinag laruan ka lang nya while waiting for me, so he was never yours."

at tinalikuran nya ako at tuluyang umalis..

napa buntong hininga ako.

okay

lumabas na din ako sa cr at bumalik sa canteen, nadaanan ko sila Mauriel na sweet na sweet kay Zero na tumingin sakin, bago umiwas ng tingin at ngumiti kay Mauriel.

and again, napa buntong hininga ako bago umupo sa tabi ni Yannie.

kung nag balikan na sila, ano pala yung samin? Joke joke, Ganun? Joke time lang ba nung naging kami? Yun na yon? Pang palipas oras lang? May hinintay lang syang bumalik? Sa sobrang bored nya sa pag hihintay, ako yung pinag tripan nya ganun?

napa hilamos ako sa mukha ko.

"Ang sweet ni Zero tsaka ni Mauriel no?"

"oo nga eh."

"si Nathaniel ba tsaka si Areeya ulit?"

"Bagay sila huhu."

napa tingin kami sa gawi nila Nathaniel.

nag tatawanan silang apat.

grabe.

napa tingin ako kay Yannie na naka yuko at tinutusok ng tinidor ang fries sa harapan nya.

"Tara, balik na tayo sa classroom."yaya ko kay Yannie, tumayo ako at hinatak sya, pinapanood lang kami ng mga kaklase namin.

nang maka balik kami sa classroom ay naupo nalang ulit kami..

"alam mo ba." Mahinang umpisa ko. Napa tingin sya sakin. "Nag balikan si Mauriel tsaka si Zero."mapaklang sabi ko.

"Ano?! What the fuck." galit na sabi ni Yannie. "ano bang nangyayare?!" Naiinis na sigaw nya.

ngumiwi lang ako.

maya maya lang ay pumasok si Nathaniel.

tumingin sya sakin bago tumingin kay Yannie na naka takip ang dalawang kamay sa mukha at tahimik na nag mumura sa sobrang inis..

"Alis ako."paalam ko kah Yannie bago tumayo at lumabas ng classroom, dumiretso ako sa field.

umupo ako sa bleachers. Hay.

"Hmm. Balita ko nag ka relasyon kayo ni Zero."

napa lingon ako sa nag salita, si Reina.

"malandi ka talaga, una si Zeus tapos si Nathaniel, ngayon naman si Zero." Maarteng sabi nya. "Siguro malandi din nanay mo kaya ka ganyan."

Tumaas ang kilay ko.

What? Dinadamay nya ba si Mami dito?

"Anong sabi mo?" Inis na sabi ko sakanya.

"I said, malandi kayo ng nanay mo." Ulit nya, napa tayo ako at humarap sakanya.

"Kilala mo ba ang nanay ko ha?" Mariin na sabi ko habang humahakbang palapit sakanya. "Sino ka para sabihin na malandi ang nanay ko?"

"Hmp, anak ako ng isa sa mga mayayaman na business man kaya may karapatan ako na sabihin yun." Mayabang na sabi nya..

"Eh tangina anak ka lang pala eh! Hindi naman ikaw yung business man kaya wag kang mag yabang dyan!" Sigaw ko at tinulak sya gamit ang dalawang daliri sa braso. "Wag mong idadamay ang nanay ko dito kung ayaw mong pabagsakin ko yang kumpanya nyo!"

"how dare you na pag bantaan ako?!" Sigaw nya at akmang sasampalin ako nang masambot ko ang kamay nya, taaka humakbang habang naka hawak padin sa pulsuhan nya. Napa atras naman sya.

"hindi mo kilala ang pamilya ko."mahinang sabi ko, sapat lang para marinig nya.

"wala akong pake sa pamilya mo, malandi ka parin."sabi nya.

pabato kong binitawan ang kamay nya.

"hindi ako malandi."singhal ko. "Hindi ko kasalanan na pinagtripan ako ni Zero! hindi ko naman alam na may Mauriel sya, Kung alam ko lang edi sana hindi ko na sya pinatulan! Kaya wag mo akong tawagin na malandi dahil una sa lahat, kaibigan ko lang si Nathaniel at si Zeus! Ikaw lang tong paranoid na akala mo lahat ng katawanan kong lalaki, nilalandi ko na agad! Kaya hindi umuusad tong bansa natin dahil sa mga katulad mo eh! Mga judgemental na tao na akala mo perpekto! Kung makapag reklamo ka eh daig mo pa si Mauriel! Titigilan ko na si Zero kaya putangina tigilan mo na ako!" sigaw ko, pinunasan ko ang mga luha na kumawala sakin, nakaka badtrip.

"You really love him."hindi maka paniwalang sabi ni Reina..

"Oo, Mahal ko sya pero titigilan ko na, nandito na din naman si Mauriel."pahina ng pahina na sabi ko. "Tigilan mo na ako Reina." Nilagpasan ko sya at iniwan sya dun.

masakit.

Pero kailangan

Titigilan ko na si Zero, isang araw palang pero sobrang sakit na.

konti nalang mababasag na ako.

________________________________________________________

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now