∆ 17 ∆

2.9K 119 0
                                    

Allexandria's POV

Natuloy nga ang unlimited na libre ni Zero para sakin--sana.

Ang kaso ay nag order lahat at sya ang pinag bayad!

Buti nalang mayaman sya AHAHAHHAHAHAHAHAHAHA

na principals office nanaman kami kanina dahil sa kalat na nangyare sa cafeteria.

Nag kagulo kase! Nag batuhan ng mga green peas at nag tuloy tuloy na! May gumapang sa lamesa, may nag batuhan ng sapatos.. May nag dura ng burger--thanks to Thea at Denise na nilagyan ng sobrang daming hot sauce ang burger ni Josiah.

Hapon, uwian na.

Hindi ako na eexcite umuwi pero may na sesense akong mangyayare na hindi maganda.

"Mauna na ulit ako." Paalam ko.

"hindi ka nanaman makakasama?" Tanong ni Isabella sakin, sumimangot sya.

"Sorry hehe. May problema kasi sa bahay." Sabi ko pa. "Babawi ako next time.. Bye! See you tomorrow!"

Tumakbo ako palabas ng school at derederetsong pumasoksa kotse na naka abang sakin-- not minding Noah na tinatawag ako.

"Kuya sa bahay."sabi ko kay kuya almond.

Pag dating sa bahay ay nag paalam si kuya almond na susunduin nya si tito Zyler sa bahay nila kaya pumasok na ako sa gate.

"HOW COULD YOU KEITH?!"

yun palang ang naririnig ko pero napa tigil na ako sa pag lakad at nag tago sa likod ng pader bago tuluyang maka pasok sa sala.

"Zylix calm down! I told you she initiated it! Nagulat din ako!" Sagot ni Dadi.

"Nagulat pero hindi mo tinulak palayo at sumagot ka pa sa halik nya? Ganun ba magulat ha?!" Sigaw ni Mommy.

Naka rinig ako ng basag kaya napa pikit ako ng mariin.

"Minahal mo ba talaga ako Keith?" Natigil ako sa pag hinga sa sobrang tahimik nang itanong yun ni Mami.

"A-ano ba namang klaseng tanong yan Zyli--" bago pa matapos ni Dadi ay nag salita nanaman si Mami.

"Pano masasabi na mahal ka ng isang tao? Kapag napansin mong madalas ang pag punta nya sa ex nya? Kapag madalas na gabi na umuuwi? Kapag halos hindi na kayo nag kikita? Kapag halos masakit lahat ng naririnig mo mula sakanya? Kapag nakita mong may kahalikan syang iba? Ganun ba? Ha? Ganun ba ang pagmamahal para sayo Keith?" Tanong ni mami.

Hindi naka sagot si Dadi kaya rinig na rinig ko ang hikbi ni Mami.

"Hindi ko na alam Keith.. Nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo." Sabi ni Mami habang umiiyak.. sumilip ako nang konti at nakitang naka upo si Mami sa sahig at naka takip ang dalawang kamay sa mga mata nya habang naka tayo si Dadi sa harap nya at nahihirapang naka tingin kay Mami.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ni Mami.

"Zylix.. Im sorry." Sabi ni Dadi bago naupo sa harap ni Mami at niyakap sya. "Shh.. Im sorry. Hindi na mauulit."

Pumikit ako ng mariin at napa harap sa pinto nang may pumasok dun.

si JADH!!

Nanlaki ang mata ko at hinila sya palabas.

"Anyare sayo?" Tanong nya sakin.

"Nag- nag away sila Mami." Sabi ko.

"SINAKTAN NYA SI TITA---"

"Shhh!" Sabi ko at tinakpan ang bibig nya.

Anak sya ni tita Addison at tito Jon.

Hindi ko sya relative hehe.. sa circle ng pamilya? well yeah pamilya ko sya, pero hindi kami mag kadugo.

Napa kurap ako nang maka rinig nanaman ng basag!

Nag katinginan kami ni Jadh at sabay na tumakbo papasok sa bahay.

"Mami!" Awat ko nang makitang nag wawala si Mami habang naka upo si Dadi at naka gilid ng mukha.. Nasampal ata.

"Tito." Sabi ni Jadh at tinulungan si Dadi na tumayo.

"Ma.. Kalma." Sabi ko at niyakap si Mommy.

Tumingin ako kay Daddy na umiiyak.

Natulala ako, dahilan para mabitawan ko si Mommy.

"ANO HA?! MAY NANGYARI SAINYO! ANONG INAASAHAN MONG REACTION KO? TUMALON SA SOBRANG SAYA?!" sigaw ni Mami habang umiiyak.

Dun ako tuluyang nablanko.

May...

May nangyari kay Dadi at Chennel?

Napahawak ako sa ulo ko nang umangat lahat ng bagay sa loob ng sala, dahilan para matigilan si Mommy at mapa tingin sakin.

"F-faira!" Tawag nya sakin. "Faira stop!"

Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa mag kabilang braso.

"I swear Keith, kapag may nangyaring masama kay Faira wag na wag ka nang lalapit samin!" Sigaw ni Mami.

"Fire." Sabi ni Dadi habang nag aalalang naka tingin sakin

May.. May nangyare sakanila.

Napa kurap ako dahilan para bumagsak lahat ng gamit at napaupo ako sa sahig.

"Daddy." Mahinang sabi ko na blanko parin ang utak.

"F-fire." Sabi nya at lumapit sakin.

"Don't touch her!" Sigaw ni Mommy bago pa ako mahawakan ni Daddy.

"Dad." Sabi ko bago tuloy tuloy na bumagsak ang luha ko.

"Faira." Gulat na sabi ni Mommy.

"Ate?! Anong nangyayare dito?!"

Tito Zyler.

"Oh god!" Sigaw ni Tito nang makita ako. "Anong ginawa nyo?!" Sigaw nya at hinawakan ako sa mag kabilang balikat.

"Faira.. Faira!" Tawag nya sakin

Tumingin ako sa kamay ko nang igalaw ko yun at tinamaan nang bubog dahilan para mahiwa.

"What the." Sabi ni tito nang makita ang nakikita ko. "What do you feel? Please tell me it hurts."

Tuloy tuloy parin ang agos ng luha ko at walang tigil. Which is weird.

"I can't feel anything."

Im numb!

"Fair--"

Yun ang last kong narinig bago ako napapikit at nag palamon sa dilim.








Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now